Chapter 2

1456 Words
  “What the hell Sweren?!” Prente itong nakaupo sa swivel chair ko. Naabutan ko siyang pinipirmahan ang mga papeles na dapat ako ang gumagawa. “Oh! Hello there sister!” Tumayo siya at lumapit sa akin. “What are you doing here?” I asked. “I’m the new CEO of the Prieto Hotel. I already pack your stuff. Nandoon oh.” Turo niya sa basurahan. Agad kong tinakbo ang trashcan at hinalukay ang loob niyon. Tinapon niya ang mga poem na ginawa ko?! Pati ang mga ballpens, stick note, and the rest of my stuff! Natatawa itong lumapit sa akin at sinipa ang basurahan. “Ano pa bang hinahanap mo diyan? Lahat ng gamit mo, lahat basura.” She said with a mocking face. I stayed calm as I could. “But still, you don’t have the right to throw it. Hindi naman sa’yo, bakit mo hinahawakan.” “Whatever! Just leave my office pagkatapos mo.” Akmang tatalikod na ito ng hawakan ko siya sa braso. “Eww! Don’t touch me. Humawak ka ng basura!” Hindi ko pinansin ang kaartehan niya at nagsalita. “Office mo? It’s my office Sweren.” I said in deep voice. “Correction sistah, It WAS your office. Here..” May binigay itong papel at agad kong tinanggap. “Prieto Resort sa Quezon Province. Diyan ka na.” My eyebrows furrowed. “Pero sa’yo ‘to? Hindi ba ikaw ang sa Resort?” Nagtaas ito ng kilay at naiiling na umupo sa swivel chair. Wait? Ibig ba sabihin niya ay magpapalit kami? What the hell?! Eh lulubog na ang Resort dahil sa kunti ang pumupunta! Sinamaan ko siya ng tingin but she just smirked. “Go now Swella. Time is running. Tik tok. Tik tok!” Inayos ko ng padabog ang mga gamit ko at nagmartsa palabas ng opisina. Nanggagalaiti ako sa galit. She’s a wicked sister! Agad akong bumaba at sumakay sa kotse ko. Hinampas hampas ko ang manibela ko dahil sa inis. I hate my life! I feel trapped, I feel chained. I hate it! Lagi na lang ako susunod sa gusto nila. Habang nagdadrive ay bigla na lang akong napapreno dahil muntik ko ng masagasaan ang isang aso. I breathe deeply. God, am I that mad? I almost hit the poor dog. Nagpatuloy ako sa pagdadrive papunta sa resort namin. Huminto muna ako sa isang restaurant at kumain. I was in the middle of eating my lunch when someone occupied the seat in front of me. Hindi ko iyon pinansin at patuloy sa pagkain. Ang layo ng Quezon Province. Kailangan ko pang bumiyahe ng ilang oras. “Damn..” I murmured “Damn too..” Umangat ang tingin ko at bumungad sa akin ang lalaking iyon. “Hi Swella!” He greeted me. Pinagmasdan ko ang mukha nito at agad kong napansin ang maliit na nunal niya sa ilalim ng mata. Makinis ang mukha na para bang endorser ng male facial scrub. Matangos ang ilong niya and it makes him look like a model. His well formed jaw gave him the good boy look. Napalunok ako ng dumako ang mata ko sa labi niya. Manipis iyon at mamula mula. Nanlaki ang mata ko ng humulma ang isang ngisi mula doon. Damn! “Well, my woman seems mesmerize by my looks. Nakapasa ba ako?” He said while smirking. Nagtaas ako ng kilay. “I’m not your woman. And no, hindi ka nakapasa sa standard ko.” Ngumuso ito at nagkamot ng ulo. “Grabe grabe na kaya pag aalaga ko sa mukha ko tapos bagsak pa rin?” This time, I smirked. Yes, he’s cute no scratch that.. He’s hot but hell! Ayoko sa lalaking masyadong pabebe sa beauty na daig pa babae. “I don’t like men who is full of himself. Magtira ka naman ng kunting humbleness sa sarili. Ang yabang mo eh.” Agad akong tumayo at nagmartsa palabas ng restaurant. “Wait!” Habol niya sa akin. “Look mister—“ “Ish, tawagin mo akong Ish. Hindi ba sinabi ko na sa’yo yun sa ospital?” Saad niya. “Fine. Ish then. Stop following me.” I said. Ang kulit ng isang ito. “I’m not following you.” He answered. He grinned and rubbed his nape. “And what do you think you’re doing?” “Ahmm. Following my desire? I guess?” Kumunot ang noo ko. Following his desire? Baliw ba siya? Biglang nanlaki ang mata ko ng may mapagtanto ako sa sinabi niya. “So, you’re telling me that you desire me?!” Naniningkit ang mata kong tanong sa kaniya. He chuckled. “Oh. You got it wrong babe—“ “Don’t call me babe. Hindi ako baboy.” “Kalma. Mamon—“ “Anong mamon?! Niloloko mo ba ako? Kasi I don’t have time for this!” Akmang tatalikuran ko na siya ng humarang ito sa dinaraan ko. “Hey, look I don’t desire you. Okay?” Sabi niya sa akin. Bakit parang piniga ang puso ko dahil doon. Maybe I didn’t look desirable. I should accept it. “Oh f**k! Mali ang iniisip mo. You’re desirable, I desire you.. I mean no.. Hindi. Ganito kasi.. Oh s**t! It’s so hard to explain!” Napahilamos ito ng mukha dahil sa frustration. Mind reader ba ang isang 'to? “You don’t have to explain. Wala naman akong pakialam. Desirable or not, the hell I care.” Tumingin ako sa mga mata niya. Same eyes years ago. Nakakalunod pa rin ang mga mata niya. Umiwas ako at naglakad ako papunta sa sasakyan ko at sumakay. I was about to start my engine when someone opened the frontseat door. “What are you doing?” I asked him. Nagkabit lang ito ng seatbelt at prenteng umupo. “Hopping in?” He replied. Why is he always answering by another question. Kainis! Kailangan ko pa maghatid ng isang baliw na Doctor. May puso naman ako kaya hindi ko na siya pinababa since siya rin naman ang bumili ng mga paintings ko. “Saan ka?” I asked him. “Kung saan ka? Do’n ako.” Nilingon ko siya at seryoso lang itong nakatitig sa harap. Wala ba siyang trabaho? “I’m on leave. Nothing to worry about. So drive.” He said. Nanlaki ang mata ko sa sagot niya. Nababasa ba niya ang iniisip ko? Isn't it creepy as hell? “Are you for real?” Nagtatakang tanong ko. I know Ybañez are rich but damn! Ganito pala ugali nila. Masyado silang pabaya porket mayaman. Dapat sa kanila pinapatira sa bukid. “You can touch me to answer your question.” Blanko ang mukha nito at nakahalukipkip. “Quezon Province ang punta ko Ish. Malayo kaya bumaba ka na at—“ “Baba.” Putol niya sa sinasabi ko. Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Bakit niya ako pinapababa? Kotse ko kaya ito! Nagsimula itong kalasin ang seatbelt at binuksan ang pinto. Maya maya lang ang pinto naman sa tabi ko ang bumukas. “Baba na. Doon ka front seat. I’ll drive you.” Nakanganga ako at hindi gumagalaw. Seryoso ba siya? Ilang oras ang biyahe papunta sa benguet. Dahil hindi ako gumagalaw ay nagkusa itong tanggalin ang seatbelt ko. Napasiksik ako sa upuan ng lumapit ang mukha niya. Napapikit ako ng maamoy ko ang panlalaki niya pabango. Hindi iyon matapang tulad ng sa iba. His scent is even more relaxing. Isang tikhim ang nagpamulat sa akin at agad bumungad ang nakangising si Ish. I can feel my cheeks heated on. Kumabog ang puso ko dahil sa lapit niya sa akin. Tinulak ko siya ng bahagya para makalabas ako ng sasakyan. Nagmamadali akong sumakay sa frontseat at kinabit ang seatbelt. I sighed. Kanina lang naiinis ako. And now I feel this strange emotion towards this guy. I barely know him. We’ve been schoolmates years back. Mas ahead nga lang sa akin. I can still remember how he said those words under the big old tree. I closed my eyes and rested my back against the seat. “To the girl I found after several years.” I heard him. And like the old times. I just listened. “You’re a grown up woman now. A beautiful and stronger woman. And I’m looking forward to see more of you. I want to know you. I want to be part of your life.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD