FOS Day Xiah's POV Pagkatapos nung nangyari last week ay lagi na akong dinadalhan nila Jax ng pagkain,buti nga nakumbinsi nila si kuya na huwag akong pabalikin ng New York o China. Si Sandra naman ganoon pa din siya maldita pa din. Five days lang kami nag practice last week kasama na doon yung fist practice namin kaya naman hindi kami makakapanood ng laro ngayon kasi pina-practice pa namin lahat. "OKAY!CANDIDATES DOON TAYO SA PART NG QUESTION & ANSWER PORTION!"sabi ni Jodie. Pumwesto naman kami at nagsimula na. Hindi naman kami tinatanong ng tunay dito sa practice,pina-practice lang namin para mas umayos,may iba kasing naliligaw eh kung saan saan napupunta. Nandito pala kami ngayon sa isang room ng fourth year hindi kami pwede sa gym kasi may laro ng basketball kaya dito na lang kami

