Smart and Beautiful
"Girls!Have you heard?! May pinagtripan ulit ang Regal Four dahil pinagtripan daw si Sandra!"
Napatigil kami nina Kate sa paglalakad dahil sa narinig namin.
"Bagay si Sandra at Jax Omg!!"
"Kaya nga eh sana sila!"
"Regal Four it is,Tara na."—-Gizel.
Dumiretso na kami sa room namin.
"Class ano itong nababalita na may mga nang tritrip daw?!"
"Wala naman pong nabanggit na taga G9B eh."
"Meron!Meron akong narinig na JAX!!"
Nilingon naming lahat kung saan naka upo si Jax pero wala siya.
"Good morning sir!"biglang sulpot ni Jax sa may pinto.
Jax's POV
"Good morning sir!"sabi ko pagkapasok ko sa room.
Nagtataka ako kung bakit sila mga nakatingin sakin na para bang may nangyari.
"Ang aga mo naman Rutherford para sa sunod na subject! Saang lupalop ka ba pumupunta at hindi ka makarating dito ng maaga?!"
"Sorry sir."
"Sorry ka diyan!Why does a year consist of 365 days and a day of 24 hours?!Answer!"
Sa dinami dami ba namang pwedeng itanong eh yan pang hindi ko talaga alam. Ano ba naman itong si sir Baylon major na major talaga niya ang science. Kaya kung magiging teacher niyo to pag malelate kayo ay maghanda kayo ng isasagot sa mga tanong niya.
"I don't know sir, wala po sa lesson natin eh."
"Yan!Diyan ka magaling Ruderpord! Kahit wala yan sa lessons natin ngayon dapat alam niyo yan! Napapaghalata talaga dito yung mga tamad mag aral eh!"
Ang ganda ganda ng surname ko pero bakit pag siya ang nagsabi pumapanget?Hayst.
"Sagutin niyo ang tanong ko at pag wala ni isa nakasagot sa inyo ibabagsak ko kayong lahat sa Science!"
Sana may makasagot naman para matapos na to! Aagahan ko na talaga sa susunod promise! Sagutin niyo lang yung tanong ni sir.
"Sir!"nagtaas ng kamay si Cason. Yes naman Cason talino mo naman sige na sagutin mo na yung tanong ng maka upo na ako.
"Oh Yap!"
"May I go out?"—Cason.
"Akala ko may sasagot na eh! So ano bagsak na kayong lahat??"
"Sir!"nagulat ako dahil nagtaas ng kamay si Xiah. Perk baka naman May I go out din to. Tch!
"Oh ano Anderson? May I go out den?!"
"Hindi serr..sasagutin ko na serr akala ko kasi may sasagot eh kaya inintay ko muna kung meron."
"Oh sige!mukhang confident na confident ka naman!"
Lahat kami ay nakatingin kay Xiah. Syempre sa kanya ata nakasalalay grade namin sa Science.
"A year,365 days is the time it takes for the earth to travel around the sun. A day,24 hours,is the time it takes for the earth to spin around once on its axis."
Lahat kami ay napanganga dahil sa sagot niya. Matalino din pala tong Xiah na to eh.
"Very well said! Yan! dapat ganyan!dapat masagot niyo din yung mga tanong ko katulad ni Anderson! Kahit malate yan mukhang may isasagot naman."
Ano ba tong professor na to wala ng ginawa kung hindi ang sumigaw ng sumigaw. Hindi niya ba alam na nakakarindi din siya? Hindi naman kagandahan ang boses kung makasigaw kala mo masarap sa pandinig eh.
"Oh Ruderpord?! Anong itinatayo tayo mo pa diyan?! Baka gusto mong tanungin ulit kita!!"
"Hindi niyo po kasi sinabing umupo na ako."
"Oh siya! Seat!"
Nagtawanan ang mga kaklase namin kasi para akong ginawang aso ni sir Baylon. Pero syempre sumunod na ako baka mamaya magtanong nanaman yan ng kung ano eh. Hindi ko nanaman masagot edi paktay nanaman ako.
Yuan's POV
"Sir!"napatingin ako kay Xiah. Sasagutin niya ba yung tanong ni sir?
"Oh ano Anderson? May I go out den?!"
"Hindi serr..sasagutin ko na serr akala ko kasi may sasagot eh kaya inintay ko muna kung meron."
"Oh sige!mukhang confident na confident ka naman!"
Pinagmasdan ko si Xiah kasi hindi naman ako mahahalata lahat kasi ng kaklase namin nakatingin sa kanya. Hanga na talaga ako kay Xiah.
"A year,365 days is the time it takes for the earth to travel around the sun. A day,24 hours,is the time it takes for the earth to spin around once on its axis."
Eixiah Blaire Anderson maganda,mabait tapos matalino pa.
"Very well said! Yan! dapat ganyan!dapat masagot niyo din yung mga tanong ko katulad ni Anderson! Kahit malate yan mukhang may isasagot naman."
Lagi nga siyang maaga eh. Isang beses lang ata siya nalate. Galing ko no? Tanda ko pa kung kelan siya nalate,yun yung time na pinagpapartner kami para sa report eh. Siguro kung hindi siya late magpartner kami. Diba?
"Oh Ruderpord?! Anong itinatayo tayo mo pa diyan?! Baka gusto mong tanungin ulit kita!!"
"Hindi niyo po kasi sinabing umupo na ako."
"Oh siya! Seat!"
Nagtawanan ang mga kaklase namin kasi parang aso si Jax na pinaupo ni sir.