POV
Leinyang Adie
Typing.....
Typing....
Typing....
Typing...
Lumabas ako sa banyo ng kwarto ng kapatid ko habang nagpupunas ng basa kong buhok dahil syempre naligo ako, humahalimuyak pa nga sa buong paligid.
Yeah... Watermelon fruity aroma... Ang fresh lang...
Iisa lang ang banyo namin ng kapatid ko. Kaya minsan nagiging daan ko iyon papunta sa kwarto niya.
Typing....
Typing....
Typing....
Tumingin ako sa working table ng kapatid ko. Kung saan ito ay busy.
Nagpatuloy ako sa pagpupunas ng buhok ko. Himala! Hindi yata nito nararamdaman ang presensya ko.
Typing....
Typing....
Typing...
Typing...
Typing...
Naglakad ako palapit sa kanya habang nakakunot-noo.
Typing...
Typing...
Typing...
"Bakit ba ang ingay mo magtype ng keyboard! Anong akala mo n'yan type writter lang!" Nakamaywang na wika ko mula sa likuran.
"Onee-chan! Ano—" nabibigla niyang sabi. Tingin sa akin pagkuwa'y tingin sa desktop niya.
Yes! Hindi n'ya 'yan matatakpan gaya ng laptop na pwedeng i-fold yung LCD.
"Oh! Bakit mo tinatakpan! Ano naman pinaggagawa mo babae ka?"
Sinubukan niyang takpan ng papel ang desktop.
"A...ano kasi Onee—doon kana nga! Bakit ka ba dito sa kwarto ko may sariling kwarto ka naman." Marahan niyang hinawi ang kamay ko na sinusubok alisin ang nakatabing na papel.
"Aba?... Ganyan kana..."
"Eh? Hindi naman sa ganoon Onee-chan. Gusto mo ba talaga makita." Nakatingala siya sa akin dahil nakaupo ito ako naman ay nakatunghay sa kanya habang nakapamaywang.
Tinanguan ko siya.
"Promise hindi ka magagalit."
Tinaasan ko siya ng kilay. Aba mukha nga may ginagawa naman siyang hindi ko magugustuhan. Saglit akong nag-isip ngunit tumango na lang ulit ako.
"At kahit anong mangyari tutulungan mo ako. Magpromise ka Onee."
Kumamot ako sa leeg ko nababadtrip na ako sa tagal. Ang dami naman niyang kahilingan.
"Ate! Magpromise ka..."
"Oo na! Oo na!" Inagaw ko na sa kanya ang papel na nakatabing sa desktop.
Napakagat-labi naman ang kapatid ko habang pipikit-pikit ang isang mata niya.
May papikit-pikit pa! Lagot ka sa akin!
Ang mata ko ay busy sa pag-scan.
Scroll up... 'yun ang ginagawa ng kamay ko sa mouse habang sa mabilisang pagbasa ng mata ko.
Anong meron ba sa website na ito puro lang naman pagmumukha ng iniidolo nitong kapatid ko. Ano ito biography ng idolet niya.
"Iba na talaga ang mga artista ngayon may sarili na palang website." Wika ko.
"Hindi siya artista, singer 'yan. Onee-chan."
"Pareho din naman 'yun."
"Magkaiba po." she pouted.
"Hindi ka ba nag-aaral. Ito ba pinagkakaabalahan mo. Pagnalaman ito ni Mama. Hindi ka 'nun bubuhayin." Saglit ko lang siyang tiningnan at binawi naman agad tinutok ko ulit ang paningin ko sa desktop.
Scroll....scroll...scroll pa more until....
"Eh di ikaw ang bumuhay sa akin. Ikaw lang nama—"
Pinatigil ko siyang magsalita gamit sinayales ng palad ko.
"Hold up.!—Name...Leinyang Adie Fausto....Age...29... Birthday...March 5—What is the meaning of this Leilac Aiye?!" Bigla akong napahawak ang kaliwang kamay ko sa baywang ko habang ang hintuturo sa kanang kamay ko ay nakaturo sa pangalan ko naka-zoom in!. Salubong ang mga kilay at naghintay ng paliwanag nito. "Explain this!"
"Ano kasi.... Di ba nagpromise ka hindi ka magagalit.—"
"Oo nga. Hindi ako galit. I just need your explanation or else I will tell mom that you are spending much more on your computer admiring your idol than studying." Tinaasan ko siya ng kilay at pinagkrus ang mga braso sa parting dibdib.
Lumabi ito at parang naglalambing na aso ng humawak ito sa mga braso at inihilig nito ang ulo doon habang nakatingala sa akin at nakikiusap.
"Onee-chan.... Kasi.... Ganito 'yun may gusto kasing magsponsor sa Fandom namin... At gusto noong magiisponsor namin magselect ng president sa fandom namin. Para sa president daw po siya makikipagtransact and hihingi ng updates. Hindi ko alam kung bakit gusto niya magtago. Pwede nga siya na lang maging president ng fandom tutal siya 'yung sponsor namin."
"O... Anong kinalaman ng pangalan ko sa pinaggagawa mo? Tsaka bakit ba nagpapacute ka? Ako'y naiinip na ha... Kapag ako dinamay mo nanaman ulit sa kahibangan mo. Lei-A talagang isusumbong na kita kay Papa at Mama."
"Eh.... Ate... Basta suportahan mo ako. Ano man ang mangyari. Sige na ate.... Magpromise ka hindi mo mababanggit ito kay Mama at Papa. Ikaw lang Ang pag-asa ko dito."
Ang kunot-noo ko ay medyo lumuwag-luwag."Buti naman marunong ka pang tumawag ng ate. Hindi ka naman Japanese Onee ka ng onee d'yan."
"Oo na ate na... Hindi na kita tatawaging Onee-chan basta magpromise ka ate na kahit labag sa kalooban mo ay suportahan mo pa rin ako. Gaya ng nakaraang araw. Araw-araw kitang pagagamitin ng shower gel ko. Lahat-lahat kahit sa'yo na kahit pabango na regalo ng ninang na inaasam-asam mo sa akin."
Tumikhim ako. At tinaasan ko ng isang kilay ko. "Talaga? Pagsinabi-sinabi na. Wala ng bawian." Inumwestra ko ang hinliliit ko sa kanya.
"Basta ikaw rin. Hindi ka magagalit at susuportahan mo ako."
Tumango ako bilang pagsang-ayon. At bilang tanda ng pangako sa isa't-isa, we do this pinky swear sign.
Lumawak ang ngiti nito.
Promise napipilitan lang ako ng lagay na ito. Huwag kasing ipanlaban 'yung mga kahinaan kong bagay. 'Yung shower gel kasi niya gustong-gusto ko favorite ko na yata. Pati pabango nito pareho ang brand at tsaka ibang bansa pa. Mahirap hanapin at mahal. Ang ninang nito ang bumili 'nun. Regalo sa kanya noong birthday nito ng nakaraang araw.
Mukhang pagsisihan ko ito sa huli. Bakit kapag itong si Leilac lumambing at makiusap dapat kailangan sundin ko siya bilang nakakatandang kapatid. Parang baliktad naman yata ang kinalabasan mukhang kinukunsinti ko siya sa hindi dapat nito ginagawa.
Ai ewan bahala na nga... Mahal ko lang talaga itong kapatid ko.
"Makinig ka sis.... Kaya ko ginamit ang name mo kasi code name lang ginagamit ko sa fandom namin. Eh... Ako 'yung active sa group namin. So they vote me as the president of our fandom. Lahat ng nag-register sa fandom namin nasa akin ang membership application nila kaya kilala ko na sila by they real name. Since ako naman talaga ang gumawa ng fandom na ito at ang fandom ko lang ang recognize na fandom ng manager ni E.Kie." mahabang paliwanag nito tapos sabay kilig ng mabanggit pangalan ni E.kie.
Napangiwi ako.
"O, tapos?" Hinahanap ko pa rin ang involvement ng pangalan ko. Naiinip na talaga ako.
"I...I used your name to act as me. To be in person if the fandom have a meeting personally. As a president I have to be active. Especially ngayon na malaking tao ang magiisponsor sa fandom namin. Sa sitwasyon ko Ate, I can't go with this chair... I am...disabled." Diretso nitong sabi subalit pagdating sa huli nitong sinabi bigla na lang nanghina at mahihimigan mo ang pagkalungkot nito. Bigla akong nakonsensya.
Leilac wheeled out few inches away from me. "I am sorry Sis if I used your name without your permission. I don't have time na kasi para ipagpaalam ko saiyo. Minamadali ako ng magiisponsor kasi. Kailangan niya ng lahat ng member ng fandom namin."
Lalo nagsalubong ang kilay ko sa sinabi nito. "Are you nuts?! Papaano kung scammer pala 'yan!? Hindi mo ba alam na pwedeng gamitin lahat ng identity ninyo!?."
"I know naman. But I guarantee to you sis that this sponsor is legit."
"Papaano ka nakakasiguro?"
"Well.... Malakas lang paniniwala ako na hindi kami lolokohin ng sponsor namin."
"Huh?! Alam mo itong kalokohan na ito ang magpapahamak sa'yo!."
"Kaya nga nand'yan ka para tulungan ako." Ngumuso ito at nagpapacute sa harap ko. "Ate please.... Help me..."
"Paano kong sabihin ko na ayoko ko?"
"Eh?...." Nag-isip ito saglit. "Hindi mo 'yun magagawa kasi... You are bound to help me."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Paano mo nasabi?"
A sly smile register on her face. "Because what you want is in my hand. Remember my condition. Hindi ko 'yun babawiin."
Takte itong kapatid ko.... May panlaban. Walang ganyanan.
Huminga ako ng malalim. "Fine I'm in. But this the last time I will help you."
"Promise." Tinaas pa niya ang kanang kamay na parang nanunumpa.
Lumakad ako papuntang paanan ng kama niya.
I sit straight, crossing my arms and legs at the same time. My hair is kinda mess, I know because I didn't comb.
"So, what I'm going to do?"
"First you meet my fandom sponsor. Gusto niya makipagkita personally. And tungkol naman sa kinababahala mo na baka scammer... Look what I got from that sponsor..." Saglit itong may hinanap. At pinakita sa akin ang gold na maliit na envelope. "Sis... legit... You see this wreath and capital M logo. This one of the biggest company in our country! Do you know how wealthy this company!"
"I'm not interested. You may not know, baka front lang nila 'yan para mangscam ng tao."
"Subukan mo kaya muna makipagmeet bago ka manghusga. Bakit ba ako nagkaroon ng kapatid ng napakajudge mental."
Pinanlakihan ko siya ng mata. "Hoy! Nag-iingat lang. Akin na nga 'yan!." Inagaw ko ang hawak niyang envelope na mala-gold ang kulay. "Ano pa ba kailangan kong dalhin."
"Nothing just yourself. Ako na ang bahala basta update mo ako. Kasi ang pagkakakilala niya sa akin ay 'yung code name ko lang. At ng hingin niya ang pangalan ko sorry, pero ang name mo 'yung ginamit ko. And then picture mo rin ang ginamit ko." Wika ng kapatid ko sabay peace sign ng makitang tumalim ang tingin ko sa kanya.
Ngaling-ngaling batukan ko siya kung hindi lang talaga ito may kapansanan, talagang kikitilan ko siya ng buhay. Pero syempre joke lang kahit naman ini-involve ako nito sa kalokohan hindi ko naman magawang tanggihan siya.
That's my sister happiness, why should I stop her. I'd rather support her though I talked too much sometimes.
Nakabalik na ako sa kwarto ko sa banyo pa rin ako dumaan. Dahil mas madali para sa akin.
Itinapon ko sa laundry basket ang tuwalya kong gamit sa buhok. Hawak ko ang gold na envelope at mataman itong tiningnan.
Umupo ako sa may vanity mirror ko at binuksan ang envelope. Infairness daig pa ang stationary dahil sa mabango ang at ang ganda daig pa ang invitation sa kasal. Sosyalin.
Napakaelegante ng pagka-cursive ng letrang M. Paghinawakan mo talaga dama mo bawat numero at letra....
Tanging address lang ang nakalagay doon,petsa at telephone number lang. Mukha ngang hindi ito scam.
Pero ano bang rason kung bakit gusto nito magsponsor. Sa ganitong kalokohan ng kapatid ko. Nagsasayang lang sila ng pera.
Bumuntong-hininga ako. Binalik ko ulit ang magandang papel sa envelope at inilagay iyon sa sling bag ko.
Bukas na pala... Hindi naman ako kinakabahan. Proxy lang naman ako. Sanay na akong ibala ng kapatid ko sa ganitong bagay.
I changed my clothes into a plain Jeans and blue polka dots large long sleeved blouse, I rolled the hem of my sleeved up to my elbows when my mobile phone ring.
Sinarado ko muna ang aparador ko bago inabot ang mobile phone ko sa may tukador.
I slide the button call....
"Hey, Adie are you done with your manuscript. It's your deadline today. Your fans so abnormal on our website Napakatagal mo raw magupdate ng libro." Bungad ng kabilang linya.
That's my friend Prisha. Editor ng isang publisher kung saan ko pinapublished ang mga libro ko.
"Well, at least ako hangga't hindi natatapos hindi ko ipupublish."
"My god, my friend bakit naman kasi ayaw mong ipublish sa online platform ang libro mo. Kaloka ka, uso na ngayon 'yun."
"Mas gusto ko pa ring nakalibro mga gawa ko. Kaya hindi mo ako mapipilit, Prisha."
Narinig ko ang buntong-hininga nito. "I know... You such an old-fashion. Anyway, what time ka pupunta rito. I been waiting for you. My manager she's angry to me because of your kakupadan."
Tumawa ako."Ok... Ok... Papunta na ako d'yan."
"Bilis-bilisan mo baka hindi ka pa nakakaligo."
"Hoy, kanina pa ako nakaligo. Bye na. See you later." I slide the end call of my phone.
I grabbed my manuscript in my working table and put it inside on a paperbag.
Kinuha ko ang sling bag ko na nakapatong sa kama at isukbit ito sa balikat ko saka ako labas ng kwarto.
Kinatok ko pa ang kabilang kwarto. "I'm going out Lei."
"Take care Onee-chan!" Sigaw ng sa loob
"Hm. Don't do anything stupid."
"Yeah!"
Pakarinig ko ay umalis na ako. Bumaba ako ng hagdan bumungad sa akin ang sala namin nanonood si Papa ng basketball.
"Bye Papa..."
"Alas tres na ng hapon. Akala ko di kana aalis."
Baliw itong papa ko nanonood ng T.V habang nagbabasa ng dyaryo.
"Minamadali ako ng kaibigan ko eh..." Hinalikan ko ang pisngi nito. "Where's mama?."
"Nasa kwarto niya nagpapahinga."
"Pakisabi na lang po, Papa kapag hinanap ako."
Tumango ang aking ama. Tumigil ako sa may pintuan upang magpalit ng sapin sa paa. Blue at puti na sneaker ang soot ko kakulay ng damit ko.
Kinuha ko ang nakasabit na susi ng kotse ko sa nakahilerang susi sa may pader. Saka tuluyan ng lumabas ng bahay at sumakay sa pinaglumaan na Honda Civic ng Papa ko.
"Good afternoon. Ms. Adie." Bati ng gwardya sa akin ng makarating ako sa publishing company.
Nginitian ko siya bilang pagbati. At pinagbuksan ako nito ng pintuan.
"Thanks God, andito kana!" the nagging Prisha kakalabas lang nito ng elevator at malalaking hakbang ang ginawa para makalapit sa akin. Ang cute nito sa suot nitong dress. Nagmumukha siyang elementary. Hahaha....
"Susunduin na sana kita sa bahay ninyo. Buti naman at hindi na ako magsasayang ng gas. Dala mo ba?."
"O!..." Inabot ko ang paper bag sa kanya at kinuha naman niya. "Hindi mo lang naman ako pinagpahinga." I rolled my eyes.
Nginitian niya ako. "Sorry na." Hinila nito ang braso ko papuntang elevator. Hinayaan ko siyang itangay ako.
"I'm so excited of your book 2." Nagningning ang mata nito.
"I doubt kung sikat itong libro ko."
"Hindi ka kasi makasocial media. Hindi naman kita kukulitin kung hindi sikat ang mga libro mo. Ako sana gagawa ng page mo para naman may interaction ka sa mga fans mo. Ayaw mo rin. Ewan ko saiyo. Ayaw mo ba talaga maging sikat?."
"Being famous is so dangerous. Once you become familiar you will become greedy. And it's too pressure. I don't like being pressured by any tama na itong pressure dito sa publishing company mo."
Tumawa nanaman siya. "Alam mo ba ikayayaman ko kasi iyon. Anyway, may mga gifts na dumating para saiyo galing sa fans mo. Akalain mo 'yon."
"Hindi ko rin akalian may nalinlang rin pala." Wika ko sabay kaming natawa sa sinabi ko.
Bumakas ang elevator at dumeretso kami sa cubicle niya kung saan ang table nito at doon rin umiedit ng manuscript ko.
"Grabe naisend mo ba sa email ko ang soft copy nito."
Tumango ako. At tumabi sa pwesto niya. "Bakit ba kasi may pahard copy ka pa."
"Eh Kasi mas madaling magedit kapag may hard copy. Sumasakit kasi mata ko kapag sa computer nagbabasa."
"Kasi naman bakit mo ba ako pinapunta dito. Pwede mo namang iprint ang sinend ko saiyo."
A shy smiled mark on Prisha face. At kiniskis ang pisngi sa braso ko. "I miss you my friend... I wanted to see you. But I don't have time because of my hectic schedule."
Bumuntong-hininga ako. "Ano pa nga ba? Tara sa cafeteria—"
"M..magkakape ka...kayo. I...Ito binilhan ko na kayo. Na..Nakita ko kasi kayo sa lobby kaya si..sinabay ko na kayo."
Napatingin ako sa kapeng nakalatag sa harap namin at sa lalaking nakadungaw sa amin.
Bakit ba lagi na lang utal-utal itong magsalita. He's a type of nerd that super shy. Pero ginagawa ang lahat para makipagkaibigan sa katrabaho nito. Hindi naman ito nabubully kaso lagi itong kontra ni Prisha. I knew it Kasi matagal na akong pabalik-balik dito.
Sumimangot si Prisha. "You don't have to bother and I don't like lots of caffeine."
Napatingin ako rito. Kailan pa siya nag-ayaw sa kape. Knowing Prisha na halos tubig na nito ang kape. Ako na lang nagreremind sa kanya na bawas bawasan niya 'yung pagkakape.
"Pe...pero... Nevermind... K..kung ayaw mo. Ang to...totoo hindi naman p..para saiyo. N..nasabay lang kita. Para talaga ito kay A..Adie.. Sana ta..tanggapin mo." Anito nitong nerd sa harap ko.
Nginitian ko ito. "Thanks,Rave." At inumwestra ang kape.
Nanahihiyang ngumiti ito sa akin. Actually gwapo itong si Rave kahit pa parang ewan kung manamit. Idagdag mo pa ang malaki nitong eyeglass mukhang ang lapad ng grado. Kaya siguro hindi rin ito bulihin ng katrabaho nito. Maliban dito sa katabi ko.
Umismid naman itong katabi ko habang ang sama ng tingin sa lalaki.
"Lumayas ka na nga dito sa harap ko, Rave. Naalibadbaran ako sa pagmumukha mo.!"
"H..Hindi naman I..ikaw ang pinunta ko."
"Wala akong pa-ki-a-lam!." Madiin nitong si Prisha. Nanlalaki ang singkit nitong mata.
"Oo na!" Kikibot-kibot ang bibig ng nerd ng umalis habang kakamot-kamot ng ulo.
Napahawak ang kaibigan ko sa sintido niya.
Ngiting-ngiti ako habang nagiinom ng kape.
"Naiinis talaga ako sa isang 'yon. Kung pwede lang kitilan ng buhay. Matagal ko na 'yang patay. Hay naku! At anong ngiti-ngiti mo mukha kang tanga."
"Ano.. masama bang ngumiti?"
"Hindi naman kaso wala namang rason para ngumiti ka."
"Eh... Napapangiti ako saiyo at doon sa nerd na 'yon."
Tumaas ang gilid ng labi ni Prisha. "Tigilan mo na nga 'yan."
"Ang cute mo. Bakit ba kilig na kilig ay—este inis na inis sa taong iyon. Ang bait nga binigyan ka pa ng kape. Hindi ba favorite mo ito. And mind you alam niya 'yung favorite mo na kape. Tikman mo natitiyak kong magugustuhan mo."
"Tsk.. ayoko sa kanya. I will not.. never..." Naiirita nitong wika.
Humalakhak ako. "Mukha kang tanga bakit ka ganyan. Grabe naman 'yang pagtanggi mo. Wala naman akong sinabi sa tao ang magustuhan mo kundi 'yung kape. Bakit may gusto ka ba doon?."
"Yuck! Ako magkagusto doon. Over my dead body! He's definitely a freak! And a pretentious human being!." Halos umusok ang ilong sa inis.
Mag-aanim na buwan ng magkatrabaho si Rave at Prisha. Kakapasok palang kasi ni Rave the nerd pero sa anim na buwan na nito doon ayaw na ayaw pa rin ni Prisha dito.
Aasarin ko pa sana siya kaso biglang tumunog ang mobile phone ko.
Walang pangalan nakarehistro tanging number lang.
"Saglit lang. Sagutin ko lang ito."
Prisha wave her hand to chase me out.
Pumunta ako sa parting likod. Kita ang labas dahil glass wall ang building. Overview ang sasakyan sa baba. Pati ang ibang building.
Sinagot ko ang tawag. "Hello?"
"Hello, Is this Ms. Leinyang Adie Fausto?." Wika ng lalaki sa kabilang linya. May malamig at sexy ang tono ng boses nito.
Napakunot-noo ako. "Yes? Speaking."
"This is the president secretary of M Group Company. I just wanted to know if you received the invitation from us.?"
M Group?... So legit nga bakit napatawag bigla.
"Yes.. thank you."
"Then I hope your available tommorow.?"
Oo nga bukas na pala 'yun.
"Of course... I'd love to come sir.. If you don't mind may I ask what time I should be there?. Well, you know there's no specific time that indicated in my invitation." My voice remained on formal tone.
"We were sorry for that Ms. Fausto. We also waiting for your call.. Anyway, my boss schedule are not flexible as you. So, you come here on exact nine am in the morning. And don't be a late comer. Because my boss, he's the sort of man who always punctual."
Gusto ko singhalan ang kabilang linya.. Naikuyom ang kamao ko. Anong akala niya sa akin malilate ako bukas. I don't like the tone of his voice though it's sexy but too conceited.
"Don't you worry, Sir. When I'm student I had always been merit as a Most Punctual person."
"Oh.. That's better. So, until then Ms. Fausto. See you tomorrow." Hindi na hinintay ng kabilang linya ang sasabihin ko.
I let a sighed. What an arrogant person. Kapag na meet ko talaga bukas ang secretary na iyon. Talagang tatarayan ko siya.
Hindi mawala ang namuong inis ko sa kabilang linya. Kung hindi lang talaga sa kapatid ko tinarayan ko na talaga. Subalit kailangan ko maging anghel sa harap ng mga ito bukas. As long it is benefits for my sister happiness.
*************