third person.
napa buga ng hangin si Tamara ng mapansin nitong halos nakatingin sa kanya ang lahat.
"my gosh miss Tamara, napaka ganda niyo naman, agaw atensyon ang beauty mo girl. " sabi ng baklitang palapit sa dalaga,boses palang at lakad nito ay kilala na niya ito, halatang sinasadya pa talaga nitong palakasin ang boses nito para maka agaw lalo ng atensyon..
"Ma'am Mica, ang lakas ng boses niyo, nakaka agaw na tayo ng atensyon nila. " saway nabulong dito ni Tamara.
"so? ba't mag isa ka nga pala? asan ang boyfriend mong si Tristan Adam Santiago? " malakas na sabi nito, kaya mas lalong nabaling ang atensyon ng mga taong naroon. titig na titig sila sa dalaga. kaya napamura siya sa isip na ngayon niya lang napansin na wala pa pala siyang suot na maskara..na exposed na pala ang beauty niya, shems, napaka tanga ko talaga.
"pwedi po bang maupo muna tayo? " hindi na niya hinintay na maka sagot ito umupo na siya dahil sa kahihiyan.
isinuot niya ang maskara, at nilibot ang paningin nag babaka sakaling makita niya si Adam.. not the Adam na Imaginary BF niya kung hindi si Adam na partimer niya na gwapong gwapo din at yummylicious, parang mas gwapo pa nga ito sa imaginary boyfriend niya eh.
"Mara." napa singhap siya ng maamoy sa likod niya ang pamilyar na amoy nong partimer na Adam.. isang beses niya lang itong naka sama pero pamilyar na sa kanya ang may pagka husky nitong boses at ang pabango nitong gustong gusto niyang sinisinghot.
"Adam baby? " nakangiting lumingon si Tamara sa likod niya.
hindi naka react agad ang lalaki.
"Mr.Santiago? " gulat naman na sabi ni Ma'am Mica niya.
napansin niya ang pananahimik ni Adam kaya humingi siya ng pasensya kay Mica at hinila kung saan si Adam.
"I'm sorry, hayaan mo babayaran kita ng malaki pag nag tagumpay ang plano ko. " hinging paumanhin niya habang nananahimik lang si Adam sa tabi niya.
"alam kong wala sa plano na pag panggapin kang ikaw yong imaginary boyfriend ko pero anjan kasi yong boss ko, baka matanggal ako sa trabaho pag walang Mr. Santiago na lalapit sakin, kaya please mag panggap ka munang si baby Adam ko please hmm? " ang haba ng litanya niya pero parang bingi lang ang kausap niya, nag puppy eyes pa siya sa binata kahit di naman niya nakikita ang buong mukha niya, tanging mapulang labi lang nito ang nakikita niya.
"what can I get for doing this favor to you? " nakangising sabi ng binata na parang aliw na aliw sa dalaga.
"anything.. pero kung pera yan tsaka na muna ha? " pa cute na sabi ng dalaga na naka puppy eyes pa din sa binata habang hinawakan na nito ang dalawang kamay ng binata na nabitawan niya din naman agad.. parang may libo libong boltahe kasi ng kuryente ang naramdaman niya ng mahawakan ang malambot na palad ng binata. tila nagulat din ang binata.
"okay I'll help you, but you need to help me too. " nakangiting sabi ng binata.
"fine, kahit ano pa yan, thank you ha? " sabi ng dalaga na parang may nag tulak sa kanya na halikan sa pisngi ang binata.
"what are you doing?" hinila siya palayo ng binata ng halikan niya ito sa pisngi. hawak pa nito ang pisngi na na halikan niya, para itong nandidiri sa kanya kaya parang may kumirot sa bahagi ng puso niya. "wag mo ng ulitin yon. " nahimigan niya ng galit ang boses nito.
"I'm sorry.. I'm just happy kaya ko nagawa yon. " malungkot na iniwan niya ang binata at bumalik sa table nila.
nakita niya na marami ng naka upo sa table nila ni Ma'am Mica niya.
"ito na pala ang alaga ko. " masayang sabi ni Mica ng makita siya. "where's Mr. Santiago? "
"may mga kinakausap lang po siya, Alamo maman ang baby Adam ko sobrang busy. " pilit siyang ngumiti sa mga ito.
"pwedi ba kaming magpa picture sayo? " tanong ng babae.
"sure Ma'am. " magalang niyang sabi at siya na ang lumapit sa mga ito at nakipag selfie.
"tanggalin natin ang mga maskara natin. " suggestion ng isang babae.
isa isa naman nilang tinanggal ang mga maskara nila.
tinatamad na siya, gusto niya ng umuwi parang sumama ang pakiramdam niya.. bad trip talaga siya sa lalaking yon, halik lang naman yon sa pisngi pero napaka big deal ito sa lalaki. bakla ba siya? " tanong niya sa sarili.
"sa powder room lang ako Ma'am Mica. " paalam niya pero ang totoo parang gusto niya ng umuwi, nasira na ang gabi niya dahil sa partimer na yon.
pumunta nga siyang powder room inayos ang sarili.. naisipan niya ng umuwi.
aakyat na sana siya sa hagdan ng biglang may humila sa braso niya, malakas ang pag hila ng kung sino man kaya napasubsob siya sa matipunong dibdib ng sino man. pero di pa siya nakaka pag angat ng tingin ay kilala niya na ito, ito lang naman ang lalaking sumira sa gabi niya.
umatras siya dito at muntik ng mapa upo sa hagdan, buti at nasalo siya ng lalaki.
"watch out baby. " mapang asar nitong sabi sa kanya.
she rolled her eyes at him, talagang naiinis siya sa kayabangan ng lalaki, walang sabi sabing umakyat na siya sa hagdan pero alam niyang naka sunod ang lalaki sa kanya. binilisan niya pa ang pag akyat hindi niya inalintana ang pananakit ng paa niya dahil sa mataas na sandals niyang suot.
"where are you going? " hawak na ng lalaki ang kamay niya na agad ding bumitaw kaya mas lalo siyang nainis dito, para itong nandidiri sa kanya.
sh*t bat parang nasasaktan ako? " kausap niya sa sarili. binilisan niya ang pag lalakad at naka akyat na sila.
"uuwi ka na ba? ni hindi mo man lang nagalaw ang kinakain mo. " sabi nito na humawak na naman sa braso niya.
itinaboy niya yon. "wala kang paki alam. " sigaw niya dito.
"okay kung gusto mong umuwi ihahatid na kita.. wait me here kunin ko lang ang sasakyan----
" kaya kong umuwi mag isa.. balik ka na Don sa party halata namang nag e-enjoy ka, sorry kung pinapunta pa kita dito at gumastos ka pa, esend mo nalang sakin kung mag kano ang nagastos mo at babayaran ko yon sayo. " napakagat sa ibabang labi niya ang dalaga dahil nag iinit na ang gilid ng kanyang mga mata.
"damn.. " narinig niyang mura ng binata na nakatingin sa kanya.
tinalikuran na nito ang lalaki, pinandidirihan na nga siya nito ay minumura pa siya nito..
nagulat nalang siya ng ipatong ng binata ang coat nitong suot sa kanya..
"bumalik na tayo don, akala ko na mag papanggap pa akong boyfriend mo? " malambing nitong tanong sa dalaga.
"never mind, mag hahanap nalang ako ng iba. " wala sa sariling sabi niya.
"what? hindi pwedi, ako lang ang pweding mag panggap na boyfriend mo. " may diin nitong sabi sa kanya.
she rolled her eyes at him again, talagang inuubos ng lalaki ang pasensya niya.
"pano ka mag papanggap na boyfriend ko kong kamay ko palang ang hawak mo ay parang diring diri ka na sakin? " parang bumaba ang level confidence niya dahil sa lalaki. baka napapangitan ito sa kanya or dahil hindi siya tulad ng mga babae na maputi, katamtaman lang kasi ang kutis niya. hindi siya maitim brown lang.
"of course not.. you don't know how much I want to touch you pero pinipigilan ko lang ang sarili ko. " bulong lang yon pero narinig yon ng dalaga. hindi alam ng dalaga kung gaano nag pipigil ang binata sa kanya, nong una palang siya nitong makita na pababa sa hagdan ay binuhay niya na ang natutulog na anaconda niya. ewan niya pero madikit palang ang balat niya sa babae ang libo libong boltahe na ng kuryente ang nararamdaman niya.