Chapter 1

1221 Words
"Rhianna, ano na? Deal?" Pinalobo at pinaputok ko muna ang bubble gum na nginunguya ko bago siya hinarap. Pinulot ko ang basahan sa tabi ng inuupuan ko kanina bago pinunasan ang puro gasa kong kamay ng hindi pinuputol ang tinginan namin. Kabisadong-kabisado niya kung paano ako asarin e no? Pero pasensya siya dahil wala ako sa mood na patulan siya ngayon. Pinasadahan niya ako ng tingin at ganoon din ang ginawa ko sa kaniya. Black leather short shorts, jacket and boots. Hindi halata ang pagiging black lover niya, no wonder kahit ang ugali niya ay ganoon din. "Ano na? Takot ka?" Sinabayan niya iyon ng nakaka-insultong tawa. Napailing na lang ako bago umupo sa hood ng kotse. Ewan ko ba kung bakit masyadong eager ang taong 'to na talunin ako sa walang kwenta niyang racing activity. Siya ang nag-suggest na gawin ang program na iyon tapos ngayon hindi niya matanggap na natalo siya. "Wala akong mapapala kung papatulan kita." Ngumisi ako sa kaniya bago binitbit ang tablet ko palabas ng classroom. Pagkarating ko sa labas ng building na pinapasukan ko, ang amoy agad ng bakal ang pumuno sa ilong ko. Ito ang rason kung bakit ang daming tao ang nagkakasakit sa baga nitong nagdaang mga taon hanggang ngayon. Loob at labas amoy bakal. Ang masaklap hindi pa rin sila nakaka-imbento ng pampatagal ng buhay or whatsoever they called it. It's is their biggest project kung paanong gawing immortal ang isang mortal. What a crazy world I has. Hindi ba pwedeng kung hanggang doon, doon na lang? Agad kong pinindot ang magkabila kong hikaw. After five seconds, nagkaroon ako ng face mask with my own design. Konektado ito sa bilog kong hikaw at sa aking personal computer. My earings contains super tiny yet elastic thread na kung saan may nakapaloob din na program para sa kanilang automatic transformation. I did this for years and of course with the help of some expert. Kaya naiingit sa akin si Clarissa. All she can do is to copycat someone's work and to vaunt it as if she owns it. Malakas ang loob dahil marami ang kapit lalo pa sa matataas na tao. If I am not mistaken she tried to copy some of my inventions but she can't break my security passcode. So she copied the design but poor her quality over quantity, ika nga. "Ms. Franklin, did you finish the project I gave?" Nilingon ko ang tumawag sa apelyido ko. It was my instructor in mechanical, Professor Greene. Napangiti ako. Isa siya sa iginagalang at paborito kong tao sa eskwelahang ito. Eskwelahang puno ng makinarya, to be exact. "I emailed you the result, Sir. Also the video of my whole session until now, I guess." "And why is that?" tanong niya habang kinakalikot niya ang tablet niya. Maybe he is checking his email. I chuckled. "Baka maabutan mong sira iyon, Sir e." "What?" "Clarissa Yven and her allies was there." Ipinasok ko sa bulsa ng jacket ko ang mga kamay ko bago ngumiti sa namumutla ko ng guro. Mabilis siyang dumukot sa bulsa niya at may ibinato sa sahig, his skateboard— no, let me rephrase that, its my confiscated skateboard. Agad lumaki iyon kaya agad niyang sinakyan at pinatakbo. Naiiling naman akong tumawa bago sumunod. Muli na naman akong pumasok ng Perse Academia Building (PAB). Ang sahig sa labas ay marmol habang ang loob ng PAB ay supreme white tiles. Lakad takbo lang ginawa ko dahil kinumpiska niya nga ang skateboard ko kahapon. Nilagyan ko kasi ng design at nagustuhan niya at ngayon nga ginagamit niya. Kunwari galit dahil binago ko ang disenyo ng inimbeto niya pero huwag ka pagkaraan ng isang linggo katulad na ng design ko ang sa kaniya. "Aray ko!" Napahawak ako sa balakang ko nang bigla akong bumagsak paupo sa sahig. Mariin kong kinagat ang labi ko habang pinigilang huwag sumigaw sa kirot. Dahil sa pagtakbo at pag-iisip ko ay hindi ko namalayang may nakabangga ako. Bahagya kong inikot-ikot ang braso ko dahil isa iyon sa nasaktan nang maitukod ko dahil sa bilis ng pangyayari. "Naku, pasensya ka na Miss. Nagmamadali kasi ako kaya hindi kita napansin." Mabilis siyang tumayo para alalayan ako. Tinabig ko naman agad ang kamay niya. "Okey lang ako." Masungit kong turan sa lalaki. "Uhm. Pwedeng magtanong?" Naiilang niyang sambit. Napailing na lang ako at napatawa ng pagak. Masakit pa rin ang balakang ko. Kung hindi niya ako binangga edi sana okey na okey pa ako ngayon. Kapal ng mukhang hawakan ako. "Nagtatanong ka na, Mister." Sino ba kasi 'tong lalaking ito? Bago siya sa paningin ko at I don't like his guts. Pakiramdam ko hindi ko siya makakasundo dahil sa pananamit pa lang niya ay may isinisigaw ng yabang. "That's rude." Komento niya bago tumawa ng mahina. Napataas ang kilay ko. Ano nakakatawa? Dahil hindi ko na alam kung ano pa dapat ang sasabihin ko ay tumalikod na lang ako para sumunod na kay Professor Greene. "Hey. Tatanong ko lang kung nakita mo ba si Prof. Gree—" "Mukha ba akong tanungan ng mga nawawala?" Barumbada akong humarap sa kaniya. Nakita ko ang pagdaan ng gulat na may paghanga sa mga mata niya. What was that for? "Hot-headed woman." Umiiling niyang turan bago ngumisi sa akin. "Ang simple ng tanong ko pero hindi mo masagot ng maayos. Pwede ka naman sumagot ng maayos kung hindi mo nakita. Pinapatagal mo lang ang pag-uusap natin. Are you one of my so called fans?" Nang-uuyam niyang tanong bago inilagay ang dalawang kamay niya sa bulsa ng kaniyang pantalon. Ano raw? Fans? Iba rin pala ang lipad nito eh. Umakto akong nasusuka bago humarap sa kaniya ng nakangiwi. Tila ba pinandidirihan ko ang mga sinabi niya. "I'm not crazy for that, Mister whatever who you are because I don't care about your existence. Looking for Professor Greene Kioper? His in my room, any problem with that?" "You mean..." Napanganga ako ng makita ang expression niya. Sarap magmura sa harap ng lalaking 'to. Iniisip niya bang kabit ako ni Prof. Greene? He looks at me with disgust. What a Clarissa's male version. Bagay sila. Natatawang tumingin ako sa paligid namin nasa first floor na pala kami. Puro tinted na salamin ang harang but that's not easy to break. Singkapal ng isang metrong pader ang tibay niyan. Every room has name on the door. Sa pinakadulong parte ang kwarto ko. Bawat estudyante rito ay may tig-iisang kwarto para sa mga actual activity lalo na pag sa invention at mechanical subject na kami. This place is awesome for me. Mayroon itong limang floor pero spiral shape siya sa labas. Nasa pinaka-sentro rin ito ng Perse Universe. Naglakad ako papuntang pinto pababa ng hagdan patungong basement at agad isinara ang bintanang naka-siwang. Pinindot ko rin ang switch doon para mawala ang amoy makina sa lugar. Isinunod ko ang hikaw ko para ma-disable ang face mask ko. Tahimik lang namang nanonood sa ginagawa ko ang lalaking mayabang kaya nginisian ko siya bago naglakad papuntang room ko. Naramdaman kong tahimik na sumunod ang lalaki na may pandidiri pa ring tingin. Ang hina ng lalaking 'to. Nakakaawa ang pagiging slow niya. Bagay na bagay sila ng Clarissa'ng iyon, a b***h and a jerk. They judge someone easily without knowing the whole story. Porket ba room ko ang term may ginagawa ng kababalaghan? That's insane.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD