PAGKATAPOS ng mahabang oras na pagbabalik tanaw ni Rhianna kaniyang nakaraan ay tuluyan na muli itong bumalik sa kaniyang kwarto upang magbihis.
Itutuloy niya ang kaniyang balak na magtayo ng training facility. Kung ipe-pending niya pa ito ay mas mahirap. Marami na rin ang naiipon niyang pera o mas tamang tawaging “per” sa mundo nila. Sobra na ang naipon niya dahil ilang beses na siya nakipaglaban. Wala siyang pinagkakagastusan nitong huli dahil sagot naman ni Prickster ang grocery sa kanilang bahay.
Kung gagastos man siya ay ilang beses lamang iyon at magkano lang iyon. Sa bawat monster na napapatay nila sa isang laro ay may katumbas iyon. Madalas ay per at kung minsan naman ay ancient or future item na bago lang sa kanilang paningin.
Walang kasaysayan sa kanilang mundo dahil ipinagkait iyon sa kanila. Kung ano lamang ang naabutan nila ay iyon na iyon. Kaya ganoon na lamang ang pagtataka nila sa mga natural na bagay.
Mabilis ang proseso ng pag-ipon nang per ngunit ang magpataas ng level ay hindi basta-basta. Ang pagtaas ng level ay katumbas ng epekto at paglakas ng kanilang armas. Katulad na lamang ng weapon ni Rhianna. Sa bawat pagtaas ng kaniyang level ay siya namang paglakas ng kaniyang pinakakawalang atake.
Samantalang ang per ay maaari man gamitin sa ibang bagay ay hindi naman nito kaya magpalakas ng atake.
Sa libong kabataan na nakapasok sa lugar na iyon ay siya ang nangunguna at pinapangalawahan naman ni Prickster, pang- pito si Hiraeth dahil sa hindi nila inaasahang kapahamakan nang sila ay magsagawa ng quest.
"Easy money but deadly." Aniya habang nakatingin ngayon sa map at sinusunson ang sinasabing space ng E-O market.
E-O Market ito ang nagsisilbing world market ng lahat. Dito makikita ang lahat ng items na kakailanganin mo lalo na kung wala iyon sa market ng inyong lugar.
Nang mahanap niya ang lugar ay pinagmasdan niya muna ito. Malawak at malinis naman iyon. Katulad lang ng labas nitong lugar kung saan sila nakakulong. Sementado ang sahig. May pailan-ilan ang nakakalat na plastic.
“I’ve seen the location. Where will be the end point if I am going to take 1000 square meter?” tanong niya habang nakadikit ang hintuturo sa transmitter sa kaniyang kanang tenga.
Nakatayo lang siya ngayon sa harap ng isang isang tulos na may lapad ng isang pye. May nakapalibot na berdeng liwanag ang nakapalibot sa tulos na iyon at may arrow pang nakaturo mismo rito. Katulad na katulad sa sinabi ng kausap ni Rhianna. Iyon ang pinaka-starting point ng lugar na maari niyang maging pag-aari.
“Walk straight until you reach the center. We’ll guide you.” Tumango si Rhianna at naglakad ng diretso paabante.
Huminto lamang siya nang makita niya ang icon ng location sa harapan niya. Hologram type lang iyon na kulay berde.
“I’ here.” Pag-imporma niya habang inililibot ang tingin.
“Okay. No look around you.” Ginawa ni Rhianna ang iniutos sa kaniya.
Doon niya nakita ang pag-angat ng tila isang barrier sa lugar. Mahaba iyon at malapad. Sa taas ng kulay berdeng harang na iyon ay kitang-kitang niya kung hanggang sa ang hangganan ng nabili niyang space. Tumango siya habang dahan-dahang umikot upang muling tignan ang lugar.
“Okay. I’ll purchase 1000 square meter. Please do put sign in every corner. Thank you!”
“We sent you the e-number for the payment. Goodluck!”
Namatay ang tunog galing sa transmitter kasabay niyon ang unti-unting pagbaba ng harang sa paligid. Ang kaninang location icon ay nawala rin pero agad gumalaw ang sahig at lumabas doon ang katulad sa una niyang nakita. Isang bilog na bakal na nagsilbing tulos.
Napakibit balikat na lamang siya at tuluyan ng tinalikuran iyon. Muli niyang binaybay ang daan pabalik ng kanilang tinitirhan. Nadaanan niya pa ang bahay ng trio. Tahimik lang iyon at maaliwalas. Hindi katulad ng mga nakatira ro’n, daig pa ang nakatira sa isang haunted house dahil sobrang tense sa mga nakakaharap.
Nilagpasan niya iyon. Hindi siya ang tipo na maghahabol ng tao. Ang gusto niya ay kung gusto nilang matuto, tulungan muna nila ang sarili nila. Sa simpleng pakikisalamuha ay hindi nila magawa paano sila makakatulong kung ang gusto nila ay sila-sila lang dapat ang magkakasama?
Given na ang pagiging genius freak nila but can they survive in physical fight? If they lower their pride and enroll for a training session, she will still gladly accept them.
“Ate!” sigaw ni Hira nang makita niya si Rhianna. Saktong pupuntahan niya sana ito sa bahay nila. Nang lumingon sa kaniya si Rhianna ay mabilis siyang kumaway at hinila ang kasama palapit sa babae.
“Hey!” simpleng bati ni Rhianna at tinanguan na may kasamang pilit na ngiti ang kasama.
“Ate siya iyong sinasabi ko. She’s Laira my bestfriend.” Tinuro niya ang kaibigan.
Kumaway naman agad si Laira. “Uh. Hi.”
“It’s nice to meet you, Laira. I’m Rhianna.”
Iniabot niya ang kamay na siyang agad namang ginaya ni Laira. Nagkamay sila. Rhianna flashed her smile bago bumitaw.
“Saan kayo pupunta?” muli niyang tanong.
“Sa bahay po sana ninyo,” aniya bago nag-peace sign. Natawa nalang ng marahan si Rhianna.
Kung titignan sila ay halos magkakasing edad lang sila. Eighteen palang si Rhianna at Laira habang mag-e-eighteen naman si Hiraeth.
“Let’s go. May ipapakilala ako sa inyo. Tsaka tulungan mo na rin ako sa paghanap ng gamit for our project.”
“Sure, Ate.” Sabay-sabay silang naglakad pauwi ng bahay nina Rhianna. Tahimik at nagmamasaid lang naman si Laira.
Mas gusto nitong magkulong at maglaro ng online games kaysa gumala. Sa katunayan ngayon lang siya lumabas. Hindi naman siya nahuhuli sa balita dahil sa kadaldalan ni Hira. Lahat detalyado madalas ay may aksiyon pang kasama.
Mula sa kinatatayuan nila kanina ay halos tatlong metro nalang ang layo niyon sa bahay nila. Mabilis silang nakarating. Pagkabukas palang niya ng pinto ay bumungad agad ang tatlong lalaki sa harap nila.
“Mommy!” tumatalong tawag ni Tantan at agad nagpabuhat sa kaniya habang bitbit ang laruan nitong si SpiderJ.
Napanganga naman si Laira sa nakita. Sa dami niyang narinig tungkol sa dalawa ay ni isa wala siyang narinig tungkol sa pagkakaroon ng anak nito. Hindi rin sigurado ang nakararami sa tunay na relasyon nila maliban sa pagiging magka-partner. Pasimple nitong siniko si Hira at doon niya lang nakita na nakakanganga rin ito.
Lumapit si Prickster sa pwesto nila. Madadaan kasi iyon papunta ng kusina. Bago pa tuluyang lumagpas ang lalaki ay natatawa niyang idinampi ang palad sa ibaba ng baba ni Hira at tinulak iyon pataas, sakto lang upang maitikom nito ang labi.
“Let her explain.” Tinapik niya sa balikat si Hira. Napansin niyang hindi niya kilala si Laira kaya nginitian niya ito.
“Hi.” Simpleng pagbati niya. Ganoon din ang ginawa ni Laira.
Inabot ng babae ang kamay. “Laira.”
“Prickster.” Bumitaw rin siya matapos maidampi ang kamay sa babae.
"Para kayong robot. Paligsahan sa maikling sagot?" Pagsingit na bulalas ni Hira. Pinapanood niya ang dalawa at kung kumilos at magsalita ang mga ito ay tila napipilitan.
Inilingan na lamang siya ng dalawa. Naging awkward ang atmospera sa lugar.
Hinila ni Rhianna si Jon sa tabi niya at inakbayan. "Hira, Laira, meet Jonathan and Nathaniel."
"Hello. Anak mo?" Nakaturong tanong ni Laira sa dalawa.
Ngumiti si Rhianna at tumango. "Sort of. They're my adoptive child."
Ngumiti si Tantan at kumaway.
Napahawak naman sa sariling pisngi si Hira at iyon ang kinurot. Pigil na pigil niya ang sarili na huwag itong makurot.
“Napaka-cute naman ng batang iyan. Halika nga rito.” Ibinuka niya ang dalawang kamay para kunin ang bata kay Rhianna.
Agad namang umiling si Tantan. “I don’t want.”
“Ang taray mo naman. Minana mo pa yata ang kasungitan ng iba dyan,” nakasimangot na aniya. “Peace, Ate joke lang.” Humakbang siya paatras at ngumiti ng peke dahil sa ipinupukol na tingin ni Rhianna.
“Mag meryenda muna kayo.”
Inilapag ni Prickster ang tinapay na may palamang butter at juice sa lamesang malapit sa kanila.
Naunang umupo ang dalawang bata at sinundan naman iyon ni Hira at tinabihan pa ang dalawang bata. Naiiling na lang si Rhianna sa inakto ng babae.
Umupo na rin siya at kumuha ng tinapay. Muli niyang binuksan ang kaniyang portable computer na nasa kanang braso niya. Maliit na device lang iyon nang unang beses nilang ikabit at kusa na iyong lumaki at yumakap sa brasok nila na hindi naman umabot sa kanilang siko.
Sumulpot ang hologram na nakahugis laptop sa harapan niya. Agad niya naman iyong kinalikot. Ang mga kasamahan niya ay pinapanood lang ang ginagawa niya maliban kay Hira na ginaya ang ginawa ni Rhianna.
Ang kaibahan ay hindi na niya inlabas pa ang hologram laptop. Doon nalang siya dumireto ng tipa sa braso niya.
BINISITA ni Rhianna ang shop site at doon pumili ng mga gagamitin nila. Binalingan niya si Hira.
“What do you want? Guns? Crossbow? What else?”
“Lahat ng uri ng baril Ate, kung pwede.”
Tumango si Rhianna at muling humarap sa computer. Muli na naman siyang tumipa sa lamesa at inayos lang ang ilang bagay tsaka niya binili ang order niyang mga baril. Hindi lang basta-bastang baril iyon dahil puro iyon open for customation.
Isinunod niya naman ang iba pa, tulad ng mga battle axe, bow and arrow, Excalibur na mas maganda pa sa ibinigay ng council.
Nang maayos niya na ang lahat ay agad niya munang inilabas ang mga gamit na iyon mula sa kaniyang portable bag. Hindi niya gugustuhing sumabog iyon dahil lang sa pagiging full storage.
“You have really earn big,” ani Laira bago kumagat sa hawak niyang pagkain.
“Yeah. By the way, hindi kita nakikitang kasama ni Hira. I guess you have lot of earnings too.”
Umiling agad si Laira. “Wala pa. Nawili ako sa online games. Yah now…”
“Wow. You should try the quest or take any mission, that’s more exciting,” ani Rhianna habang nakaharap pa rin sa computer niya.
“Sure. Sama ako sa inyo next na labas niyo.”
“Okay, noted.”
Tumayo siya at pumunta ng kusina para uminom ng tubig pagbalik niya ay si Prickster na ang nasa harap ng hologram laptop niya.
As long as nasa loob pa rin ng set radius ang may-ari ay hindi basta-basta madi-disable iyon.
Umupo siya sa sofa ng kanilang bahay. “This day will be a busy day for me.”
Itinaas niya ang dalawang kamay sa sandalan ng inuupuan niya. Napalingon sila sa pintuan nang magsara iyon. Tumaas ang kilay ni Rhianna nang makitang malapad ang ngiti ni Hira.
“Baliw na naman.” Umiling-iling si Laira tsaka humilata sa sahig na tila naroon siya sa sariling bahay.
“Busy day talaga Ate dahil nagpakalat na ako ng flyers na bukas na ang opening natin,” pumalakpak pa na aniya at mababakas sa kaniyang boses ang sobrang kagalakan.
“Ano?!” Napa-diretso ng upo si Rhianna maging ang nakahigang si Laira ay napabangon. Nakanganga namang lumingon si Prickster kay Hira. Maging ang dalawang bata ay napalingon sa kaniya. Taka siyang tumingin sa kanila.
"M-may nagawa ba akong mali?" Alanganin niya pang tanong habang nakahawak sa kaniyang batok.
“What the f— have you done?” inis na tanong ni Rhianna. Labis na ang inis na nararamdaman niya at maging ang pagmumura ay hindi niya na mapigilan pa.
Nagkibit balikat naman si Laira habang naiiling na nakatingin kay Hira. “You see we’re not ready yet. Under delivery palang ang ibang gamit dahil masyadong malalaki iyon.”
Napataas naman ang dalawang kilay ni Prickster bago tuluyang ishinutdown ang hologram na laptop.
“We’re on the big trouble then…”
Tumayo si Rhianna. “Then let’s f— move!”
UMANGKAS sa motor ni Prckster si Rhianna at dumeretso sila ng sa opisina na humahawak sa mga heavy equipment sa lugar. Si Prickster ang kumausap sa head tulad ng pagpresenta niya.
“I want to rent some of your machine,” diretsong aniya sa kaharap na isa ring robot pero may direct access sa pinakataas.
“I’m sorry. We are still using them.”
Nagtitigan pa silang dalawa. Dumaan pa ang ilang minute ng bumuntong hininga si Prickster.
“Fine, dodoblehin namin ang bayad sa renta!” pagsukong aniya. Gumuhit ang isang ngiti sa labi ng kaharap.
‘Okay, Mr Guillen. Deal.”