Nakaupo ako ngayon sa sofa habang nakapikit ang mga mata. Prickster is on the kitchen already, preparing our breakfast. Nakaligo na ako't lahat-lahat pero inaantok pa rin ako. Hinayaan ko muna ang sarili kong mamahinga ng kaunti pa. Wala naman kaming ibang gagawin ngayon kundi ang magbantay sa The Haven Place dahil ngayon ang continuation ng enrollment. Parang school lang. After semester, enroll kaagad. "Kape ka muna. Good for hangover." Narinig ko ang paglapat ng tasa sa mesa kaya sinilip ko iyon. "Thank you, Prick!" bulalas ko tsaka inayos ang pagkakaupo. "No problem. May cake sa ref pero may spicy noodles din, gusto mo?" Mabilis akong napamulat ng mata sa sinabi niya. Spicy noodles? Ilike that. Tumayo ako at nginitian siya. Naroon kasi siya sa single sofa naka-cross leg habang

