Sira-sirang building at mga sasakyan ang makikita sa lugar. There are some greenish thing that surrounds them. Pero wala silang ideya kung ano ang mga iyon. Bago lang sa paningin nila ang mga damong iyon kaya hindi na nila ito pinagtuunan pa ng pansin. Ang tunog ng paghakbang lang ng higanteng robot ang nagbibigay ingay sa lugar na iyon. Kulay pilak ang buong katawan ng robot at sa bandang mata nito'y may kulay itim na salamin. Tinted iyon kaya hindi nila magawang malaman kung anong mayroon doon. Kung totoong mata ba o isa lang room controller. Kasing taas ng higante ang ilang building sa labas ng lugar na ito. Samantala, pawis na pawis na si Rhianna dahil pa rin sa paghawak ng higanteng robot sa kaniya. The robot's steel hand was soft yet his grip almost make her loose her consciousne

