Nagkatingin ang mga tao nang biglang magpop-up sa kanilang harapan ang mga hologram kung sa ipinapakita ang karahasan kina Rhianna at Clarissa. Hindi na makontrol pa ng council ang pagkalat nito. Tila ba isa itong virus na hindi kayang pigilan ng mahinang software lang. "They lied..." bulong ng ilang mga residente sa lugar. Makikita ang biglang pagsiklab ng galit sa kanilang mga mata. Maging ang paghinga ng bawat isa ay bumigat. "This is not right!" Nagtanguan ang mga nakarinig, simbulo ng kanilang pagsang-ayon. "I'll surely wreck their neck," sambit ng isa sa kanila. Inikot pa niya ang kamay na tila binabali talaga ang leeg ng kalaban. Napailing nalang si Prickster sa inakto ng mga tao. Bago ang lahat ng ito sa paningin niya. Matapos i-announce na ang nangyayari sa kanila ng

