Chapter 28 - Carbonara and Cake

1585 Words
Pagkarating namin ng bahay ay agad kong ibinaba muna si Tantan. I pressed my thumb at the finger print machine sa tabi ng pinto and let it scan my face. Nang tumunog iyon ng beep ay agad iyong nagbukas. Pumasok na kaming tatlo. Sa tahimik ng bahay ay malamang wala pa roon si Prickster. Ayaw sigurong payagan lumabas ng Infirmary. Dumiretso kami sa kwarto ko. Inilapag naman ni Jonathan ang bag na bitbit niya sa gilid. "Simula ngayon ito na ang magiging kwarto natin. Don't worry magpapagawa tayo ng sariling kwarto niyo but for now you'll stay with me." "Masusunod po Ate." Sumaludo si Jon at humarap sa kapatid. "Narinig mo iyon, Tan? Hindi ka na magigising sa madaling araw dahil hindi na sasakit pa ang likod mo." Napangiti ako sa nakikita. He surely love his brother. Jonathan or Jon is turning 11 while Tantan is 4 years old. I still wonder why they're here. Siguro naman, silang dalawa lang ang nandito. I'll inform the creator about this later. Bumaling sa akin si Jon. "Ate gagawin ko po lahat ng iuutos mo, sabihin mo lang po. Marami po akong kayang gawin sadyang hindi ko lang maiwan si Tantan nitong nakaraan." Lumapit ako sa kaniya at ginulo ang buhok niya. "Always, choose to be brave, iyon lang. Ngayon, maligo na kayo ayun ang CR." Turo ko sa isang pintuan na nasa loob lang din ng kwarto ko. Tatlo ang comfort room dito. Tig-isa sa kwarto namin ni Prickster at isa naman sa labas para sa bisita or emergency purpose. "May automatic giver doon para sa tuwalya at pindutin mo lang ang pink button para sa tubig ng bathtub. May sabon at oil na iyon kaya magbabad muna kayo for at least 15 mins. or below. After niyon pindutin mo naman ang black button para magdry ang tub. May shower doon para sa pagbanlaw. I-re-ready ko lang ang pagkain." Mahabang instruction ko. "Aye! Aye! Captain!" Sumaludo si Jon at ginaya naman ni Tantan. "Oh siya go!" Natatawa kong pagtaboy sa kanila. Naging instant mommy tuloy ako, tsk. Lumabas na ako nang kwarto at dumiretso sa kusina. Now my problem is, anong lulutuin ko? Binuksan ko ang mga drawers doon para maghanap ng pwedeng lutuin. Napansin ko ang bottled pesto. Sakto! Pesto Carbonara nalang ang lulutuin ko. Marami naman kaming sauce and breads. Inihanda ko na ang mga recado at isinunod ang mga gagamitin ko. It feels weird on my part, I mean iyong mga nangyayari ngayon. Hindi ko nga magawang lutuan ang sarili ko tapos ngayon heto ako nagluluto. NANG matapos ako sa pagluluto ay ilang minuto ko munang pinagpahinga ang katawan ko. Nag-inat muna ako ng bahagya tsaka naghain. Inayos ko pa ang pagka-platings niyon. At least kulang man sa lasa, swak naman ang design sa mata. Palabas na ako ng kusina nang bumukas ang front door ng bahay. Inabangan ko kung sino iyong papasok. Si Prickster at nakaantabay naman sa kanya si Clarissa. Tango lang ang iginawad ko sa kaniya at ngiti naman ang kaniya. "Welcome home." "Thank you!" aniya. Tumalikod na ako sa kaniya at pumunta ng kwarto ko. Akmang tatawagin ko na sila nang mahimabing silang natutulog. Napailing nalang ako nang naglatag lang si Jon sa ibaba ng kama ko. May carpet naman ang parteng iyon bukod pa sa inilatag niya pero I didn't get them para matulog doon. Marahan akong lumapit sa kanila at binuhat si Tantan papunta sa higaan ko. Sa gitna ko siya inilapag at ginising ko naman si Jon para palipatin. Dala marahil ng antok niya ay hindi na siya nagprotesta pa. Poor kids, mukhang ngayon lang sila nakatulog ng mahimbing. Hinila ko pataas ang kumot hanggang sa leeg nila para hindi naman sila ganoong ginawin. Muli akong lumabas ng kwarto para takpan ang inihain kong pagkain nila. Mabuti nalang pala ay dinagdagan ko ang niluto ko. Ngayon pala ang uwi niya. Palapit na ako sa kusina nang marinig ko ang tunog ng kubyertos. Mabilis akong lumapit sa pintuan at ayun na nga. Sila na ang kumain ng inihain ko. "Thank you for cooking, Rhianna. It's delicious." Nakaawang lang ang labi ko sa nakita. Taob pati ang nasa kaserola. As in kahit isang plato lang sana wala silang itinira. Napapikit ako at pilit kinalma ang sarili. "Who told you to eat that food?" Kuyom na kuyom ang palad ko pero pilit kong itinatago iyon. Para akong sasabog sa inis. "I thought this food is for me..." "What?" Kunot noo ko siyang tinignan. "And why would I cook for you? Okay lang sana kung hindi niyo inubos eh kaso ayan!" Naihilamos ko ang palad ko sa mukha ko at tinalukuran sila. Napaka-swerte naman nila para ipagluto ko, tsk. Ngayon, anong ipapakain ko sa dalawang bata? Mabigat ang mga hakbang kong pumasok ng kwarto ko. Nang makita ko ang mukha nilang parehong mahimbing na natutulog ay agad bumalik ang alaala ko noong kakawala palang nila Mama. I can't go to Mr. Smith house. I need to live alone in order to survive. Isang malalim na buntong hininga muna ang pinakawalan ko saka ko hinila ang black hooded jacket ko na nasa tabi lang ng pinto. Dahan-dahan kong isinara ang pinto nang makalabas ako tsaka ko pa lang isinuot ang jacket ko. I walked passed them. Hindi ko sila nilingon o kinausap man lang. I know they're looking at my direction pero wala akong pake sa kanila. Nag-iinit pa rin ang ulo ko. Inilabas ko ang flying hoverboard ko at sinakyan iyon. Iniangat ko ang kaliwang kamay at tumaas iyon palayo sa sementong daan. I carefully balance myself dahil baka malaglag ako. Ang tagal ko ring hindi nagamit ito eh. Kitang-kita mula rito sa taas ang mga store. Mas visible at madaling hanapin ang iba pero mayroon ding hindi basta-basta dahil sementado maging ang tuktok. Mukhang hindi lang sa baba ang magiging tindahan dahil ang taas ng mga store sa baba ay ginagawan pa ng karugtong sa taas. Nang makita ko na ang sadya ko ay agad akong pumunta doon. I looked at the price at halos mapanganga ako sa nakita. Instead of buying a cupcake, bumili nalang ako ng malaki. Total hindi naman naglalayo ang presyo nila. "I receive 2000 pér Ms. Rhianna." Tumango lang ako sa saleslady at kinuha na ang order. I rode my my Riri—hoverboard, then let it run back to our house. Napansin kong kanina pa kami paliko-liko ng sinasakyan ko. Ganoon ba ka-complicated ang daan na pinuntahan ko? Lumipas ang ilang minuto ay agad din akong nakauwi ng bahay. Maingat akong bumaba sa sasakyan ko at dumeretso sa pinto. Pagpasok ko ay nandoon pa rin ang dalawa. Nanonood sila ngayon sa sala. Magkatabi sila pero hindi sila magkadikit. Para kasing may sakit si Clarissa kung iwasan ni Prickster. Hindi ko naman siya masisisi dahil pag pinayagan niyang gawin ang mga gusto ng babae ay siya ang magiging kawawa. Clarissa is not the woman you can take it easy. She is untamable spoiled brat. Nakatingin silang dalawa sa akin kaya tinaasan ko sila ng kilay. Ano na namang akala nila? Para sa kanila na naman ang dala ko? Huh, asa! Dumaan ako ng kusina para kumuha ng dalawang pinggan at kursara. Sa loob ng kwarto ko nalang sila papakainin. Pwede naman akong maglatag ng tela sa loob to make sure na walang malalaglag sa sahig, kung mayro'n man ay mabilis nang malilinisan. "You can eat in the dinning area. I'm sorry for what happened a while ago." Bumuntong hininga ako at tumigil sa harap ng pintuan ng kwarto ko. "It is already finished. Just forget it." Pipilitin ko palang ang oras nang bumukas iyon at bumungad ang mukha Jon. Nakadungaw lang siya sa pinto at mismong ulo lang niya ang kita. "Who is he?" Narinig kong bulong ng dalawa sa likod. Hindi ko sila pinansin at agad ngnitian si Jon. Iniabot ko sa kaniya ang mga plato na mabilis niya namang kinuha. As I entered the room. Pupungas-pungas pa sa higaan ko si Tantan. Pero nang makita niya ako at ang kaniyang kuya ay agad siyang tumayo at lulundag-lundag na pumunta sa amin. "Careful baby." Pagbababala ko. Huminto naman siya at tumingin sa paligid. Saktong dumaan si mini Spidechi na ginaya ko katulad sa mga monster na nakalaban namin noon pero mas maliit ito. Mabilis niyang hinuli iyon at pinaglaruan. Inayos ko naman muna ang pagkakainan namin habang busy siya sa paglalaro. Matapos kong mag-prepare ay agad ko na silang tinawag. "Food is ready." "Yehey!" Malapad ang ngiting sumugod sa amin si Tantan. Nakangiti namang umiiling si Jon at bahagya ring lumapit sa amin. Napatingin ako sa mukha nila. Napaka-genuine nang mga ngiting ipinapakita nila. "Ate, say ah." Nakangiti akong ngumanga sa harap niya at tinanggap ang cake na isinusubo niya. Ito ang desisyong hindi ko pagsisisihan. "Ate, may kumakatok po, buksan ko ba?" I unconsciously nod. Dahil likas ang pagiging hyper ng mga ito ay mabilis nilang nabuksan iyon. Bumungad sa amin si Prickster na nakatayo doon sa pintuan. Tinignan ko siya sa mata at tinaasan ng kilay. Para iparating kung anong kailangan niya. "What the hell!" Bulalas niya. Gamit ang maliit sa jolen ay pasimple kong ibinato sa kaniya iyon. "Watch you mouth. May bata oh." Turo ko kay Tantan. Walang sabi-sabi siyang pumasok. Tantan the innocent one, mabilis nitong inilagay sa nakangangang bibig ng lalaki ang cake. Wala tuloy nagawa si Prickster kundi ang nguyain iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD