Nang maramdaman ko ang paglapit ng sa tingin ko ay dalawang halimaw ay agad kaming nagkatinginan. Ibig sabihin hinahabol din siya? Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa bowgun ko. Pareho kaming napakunot noo nang makarinig kami ng ingay mula sa labas. Sa tingin ko ay marami ang mga iyon. Maya-maya'y may isang boses ng babae ang sumigaw, muli kaming nagkatinginan ni Prickster. "Seems like they found the place where we are," naibulalas ko. Nasundan pa ng ilang sigaw ang aming narinig. "Oras na para lumabas tayo. Ready yourself, Rhianna." Ipinatong ko sa balikat ko ang bowgun ko tsaka tumango. This would surely fun. "Stay on the higher part. Back me up!" sigaw niya bago tumakbo na palabas. Mabilis din ang naging pagkilos ko at naghanap ng pwedeng pwestuhan hindi kalayuan sa kanila. Nar

