— Pagkatapos ng lunch, natapos ang lesson for the day. Pinayuhan ako ng tutor na magpahinga at magbasa lang ng simple words. Si Kianna, biglang may “meeting” daw. Ewan ko kung totoo. Basta umakyat siya sa taas. Si Kiefer, nawala ulit, parang multo. At ako, kasama si Victor at Steven. Naglakad kami sa labas ng villa. Ang hangin sariwa. Yung mga ilaw sa gabi, hindi na nakasindi, pero ang ganda pa rin ng paligid. May pathway na stone. May mga halamang hindi ko alam pangalan pero mukhang mahal. “First rule,” sabi ni Victor habang naglalakad. “You don’t walk alone at night unless may escort.” Tumingin ako sa kanya. “Bakit? May… panganib ba dito?” Huminto siya saglit, parang nag-iisip ng tamang sagot. “Hindi. But you’re still adjusting. And I don’t want you to panic.” Tumango ako. “Sec

