Tahimik ang villa ni Kianna pagbalik namin ni Gavin. Hindi na ‘yung tahimik na awkward—kundi ‘yung tahimik na parang may napagdaanan ang lahat, at ngayon ay pare-pareho kaming pagod sa emosyon na hindi namin sinadya. Sa may sala, nakita ko si Ysabelle. Nakaupo siya sa gilid ng couch, may hawak na mug na tila mas malaki pa sa dalawang kamay niya. Nakatingin siya sa bintana—hindi dahil may pinapanood, kundi dahil mas madali sigurong tumingin sa labas kaysa aminin kung gaano kabigat ang nasa loob. Sa gilid, si Kianna nakasandal sa armrest, nakahalukipkip, ‘yung itsura na kunwari galit pa rin pero hindi siya umaalis sa tabi ni Ysabelle. Si Steven naman, tahimik sa background, parang aninong may sariling prinsipyo. Pagpasok ko, napalingon si Ysabelle. May ngiti siyang pilit—pero hindi na

