Ysabelle Cuevas (Ysa) “Si Lucien… baka kaya hindi na siya nakapagpaalam ay nagkaroon ng problema sa UL,” sabi ni Victor habang nakatuon pa rin ang mga mata sa kalsada. May bahagyang pag-aalinlangan sa boses niya, na para bang ayaw niya talagang banggitin ang lugar na iyon pero napilitan na rin. Napaisip ako. UL? Pamilyar ang tunog, pero hindi agad sumasabay ang utak ko. “Iyong lugar ba na nasa ilalim ng malaking puno sa isang abandonadong parke?” tanong ko, pilit na iniisa-isa sa isip ang mga napuntahan namin ni Mister. Tumango si Victor. “Oo. Doon mismo.” Biglang kumabog ang dibdib ko nang mas malakas. Kung ganoon… kung may problema si Mister, ibig sabihin kailangan niya ako. Hindi ko alam kung bakit iyon agad ang pumasok sa isip ko. Hindi ko rin alam kung may magagawa ba talaga ako

