Hindi ko alam kung bakit ang bilis kong sumunod nang hilahin ako ni Kianna palabas ng study room. Siguro dahil pagod na pagod na utak ko. Siguro dahil kahit anong tapang ang pilit kong isuot, may parte sa’kin na gusto lang tumago. Naramdaman ko pa rin yung lamig ng papel sa mesa kahit wala na siya sa kamay ko. Yung ink ng salitang Vivian, parang kumapit na sa balat ko. “Dito muna tayo,” bulong ni Kianna habang mabilis kaming naglalakad sa hallway. Hindi siya nagmamadali dahil nagmamadali siya. Nagmamabilis siya dahil ayaw niyang may makita akong hindi ko pa handang makita. Sumunod si Steven sa likod, tahimik, pero ramdam ko yung bigat ng presence niya—parang anumang mangyari, siya yung pader na unang tatama. Pagpasok namin sa guest wing, mas tahimik. Mas malayo sa main villa. Ma

