CHAPTER THREE

1883 Words
Ysabelle Cuevas (Ysa) Mahigit tatlong oras na mula nang makaalis ako sa bahay ni Mister. “Hindi ko man lang nalaman ang pangalan niya,” sabi ko sa sarili ko habang naglalakad-lakad sa mainit na kalsada. Ramdam ko na ang gutom, pero wala akong nakikitang kainan na katulad ng karinderyang pinuntahan namin kahapon kasama ang matandang nakasabay ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang may nakita akong kainan sa kabilang kalye. Dahil sa sobrang gutom at init, nakalimutan kong tingnan kung may paparating na sasakyan. Napapikit ako nang malapit na akong mabunggo, pero sa kabutihang-palad, walang masakit na naramdaman. Iminulat ko ang mga mata at may bumaba sa sasakyan na iyon. “Didn't you see the f*****g signal light, huh?!” Ramdam ko ang galit sa boses nito at sa higpit ng hawak sa braso ko. “A-a-aray… pasensya na po kayo! H-hindi ko a-a-alam… at h-h-hindi ko kayo maintindihan,” nauutal at natatakot na sabi ko. Maya-maya pa’y tumigil ito, at ramdam ko ang biglaang paghawak sa baba ko. Itinaas ang mukha ko, at nagkatama ang aming mga mata. Biglang nawala ang kaba at takot na naramdaman ko kanina. May kakaibang init sa titig na iyon—tila ba nakikipag-usap sa akin nang hindi nagsasalita. “Misterrrrr! Ikaw pala! Mabuti nagkita tayo ulit,” masayang sabi ko, saka tinalon at niyakap. Nagulat ako nang bumitaw siya kaagad. “P-pasensya na, Mister. Masaya lang akong makita ka,” nakangiting sabi ko. BEEEEEEEPPP BEEEEEEEPP—busina ng mga sasakyan. Naharangan ang kalye dahil sa kotse ni Mister na nakaparada sa gitna. Kitang-kita ko ang inis niya. Hinawakan niya ang kamay ko, pero hindi na niya ako kinaladkad tulad kanina. “Mister, galit ka ba?” tanong ko, ngunit nanatili siyang tahimik. Halata ang inis sa kanya dahil sa pagkakayakap ko kanina. “Sorry na, Mister. Masaya lang talaga akong makita ka ulit, kaya kita niyakap,” mahina kong paliwanag. Unti-unti, nawala rin ang masamang aura niya. “Bakit nandoon ka?” tanong niya habang nakatutok pa rin ang tingin sa kalsada. “Alam mo, Mister, kailangan ko ng trabaho habang hinahanap ang tunay kong magulang. Hindi p’wedeng asahan ko lang yung perang pinadala sakin ni Linda. Maaaring maubos na yun, lalo pa at wala akong matitirhan,” paliwanag ko. Totoo naman, pero ang pangunahing dahilan kung bakit nandun talaga ako ay gutom. Kaya doon ako kakain sa karinderya. “HUWAAAW! ANG GANDAA NAMAN DITO!” malakas kong sigaw nang makarating kami sa isang malaking bahay. Mas malaki pa ito kaysa sa bahay ni Mister. “Where’s Victor?” hindi ko na lang pinansin ang pinag-uusapan nila dahil hindi ko maintindihan. “This way, Senhor (Sir),” sabi ng kausap ni Mister habang naglakad papasok sa isang pinto. Hinila naman ako ni Mister. “First time mo?” sabi niya. “Ha?” tanong ko. “Nevermind,” sagot niya. Ramdam kong gumagalaw ang silid; para itong elevator papunta sa itaas, kaya napahawak ako kay Mister. Nakarating kami sa pupuntahan. Lumabas na kami sa sasakyan ng silid kanina. Maganda at malawak dito, may malaking pinto at elegante ang paligid. “Senhor Victor, Senhor Lucien is here with her, Senhora,” sabi ng butler, at bigla naming bumukas ang malaking pinto. Pumasok kami, at umalis na ang butler. “Victor,” tawag ni Mister sa lalaking nakatalikod, nakasuot lang ng bathrobe at may hawak na baso. “You didn’t say that you’d bring a girl here.” Malinaw ang pagiging seryoso ng tono niya. Bumaling ang tingin niya sa kamay namin ni Mister na magkahawak. Gusto rin siguro niya makihawak, sabi ko sa sarili ko. Nagtama ang aming mga mata, at bigla kong naramdaman ang kakaibang pagnanais na yakapin siya ng mahigpit. Ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Hindi ko pa siya kilala—baka siya ang tunay na alien. “Care to introduce me to that beautiful girl beside you?” “Can I have a little blood from you?” “Sure,” huling sabi ni Mister bago ako hilahin palapit sa lalaki. Hinila ko rin ito pabalik. “Bakit?” takot na tanong ko kay Mister. “Sya na ba yung alien? Ibebenta mo ba ako sa kanya???” “I’m not alien, young lady,” sagot ni Victor bigla. “She can’t understand English, that’s why she thought you’re an alien,” paliwanag ni Mister. Hinayaan ko na lang siyang hilahin ako paupo. Inilabas niya ang mga kagamitan. “Is this for your invention?” tanong ni Victor. Tumango lang ako kay Mister. Hindi ko maintindihan ang sinasabi nila, pero nanatili akong nakatingin, baka may sinasabi silang panlalait sa akin. “I thought you’d stop your invention. So, who’s this beautiful girl staring at me like I’ll eat her alive?” “I don’t know her name.” “Hey missy, what’s your name?” tanong ni Victor. Nang marinig ko, muling naramdaman ko ang kagustuhang yakapin siya. “Ha? Mister, anong sabi nitong nasa harap ko?” tanong ko kay Mister. “Ang panget mo raw,” sagot niya. Nakita ko ang pagkukunot ng noo ni Victor. Siguro panlalait iyon sa akin. “Biro lang, ano raw pangalan mo?” pahabol ni Mister. “Ako nga pala si Ysabelle Cuevas, dalawampo't tatlong taong gulang!” Galak na pagpapakilala ko. Buti pa si Victor, abala pang tanungin ang pangalan ko. Si Mister, gaya niya, mas mabilis. Kita ko ang pagiging seryoso ni Victor. “Okay ka lang ba? Siguro masakit yung ginagawa sa’yo ni Mister,” tanong ko, kitang-kita ko kung paano tinusok ang braso niya ng karayom. “Ako si Victor,” simpleng sagot niya. Natahimik ang paligid. Tiningnan ko ang ginagawa ni Mister, may balak siguro siyang ubusin ang dugo ni Victor. “Are you mad at me?” tanong niya, hindi ko maintindihan. “Mauubos na dugo ko, akala ko ba kaunti lang!” natatawang sabi niya. Mukang nagising na si Mister at inayos ang kagamitan. “Ayus ka lang?” tanong ko kay Victor. Narinig ko ang padabog ng mga gamit ni Mister habang inilalagay niya uli sa kahon. “Aalis na kami,” paalam ni Mister kay Victor, biglang nagreklamo ang tiyan ko. “Gutom na ako,” sabi ko. “Kumain muna kayo dito, Lucien,” sabi ni Victor. Tumingin ako kay Mister, bakas ang inis sa mukha niya. Sya ba si Lucien? Ang pangalan niya ay… Lucien. Ang ganda naman ng pangalan niya. “Nahh, we’re fine. Aalis na kami. Mag-drive thru na lang ako mamaya,” sagot niya, hindi ko maintindihan. “You don’t have to worry, Lucien. I will not steal your girl, tsk,” dagdag ni Victor. “What are you talking about? She’s not my girl, okay?” nagugutom na talaga ako. “Okay, should I court her then?” “Damn you, man,” sabi ni Mister. Ang tagal nilang mag-usap, gutom na talaga ako. “Okay, I’ll call the butler to bring us food,” sabi ni Victor. “Let’s just wait a little.” Tumango si Lucien, saka tumabi sa akin. Tulad kaninang umaga, masasarap na pagkain ang nakahanda sa harap ko. “Kumain ka na, Ysa,” sabi ni Victor. Hindi seryoso, pero nakangiti. Tumango ako. “Mister, tikman mo ito bago ko tikman, dali,” sabi ko kay Lucien, kinuha ko ang puting spaghetti. “Kanin at ulam ang kainin mo, Ysabelle,” seryosong sabi niya. “Pero gusto ko itong subukan! Wala nito sa kabukiran namin,” nakangiti kong sabi. “Bakit kailangan ako pa unang titikim?” tanong niya. “Para malaman ko kung masarap, kasi kapag hindi, hindi ko kakainin. Kaya dali na, Mister,” sabi ko. Tinitigan ko siya sa mata. Bumuntong-hininga siya bago tinidorin ang pagkain sa plato niya. Kinain niya habang nakatingin ng masama sa akin, habang ako naman, nakangiti. “Ano, Mister, masarap ba?” sabik kong tanong. “You look more delicious than this food.” Natigilan si Victor at nakangisi kay Mister. “You jerk,” sabi ni Victor. Nakita ko ang pilyong ngiti sa labi ni Mister. “Teka nga lang, ano bang pinag-uusapan nyo? Tinatanong kita kung masarap ba?” inis kong tanong. “Oo, masarap. Subukan mo,” sagot niya. Hindi ko pa nasasabi ang gusto ko nang isinubo niya sa bibig ko. May naramdaman akong kakaibang init sa mukha ko, pero binalewala ko dahil sa sarap. “Ito, inumin mo, subukan mo,” sabi ni Mister. Umiling ako, iniharang ang kamay sa baso. May laman pa ang bibig ko. “Ichomp Ikaw muna, Mister,” sabi ko. Narinig ko ang tawa ni Victor, hindi ko pinansin. Kumunot ang noo ni Mister. “Sige, ikaw muna, Mister. Sabihin mo ulit kung masarap,” nakangiting sabi niya. “Masarap?” sabik kong tanong. Tumango siya, kaya kinuha ko ang baso at ininom ang likidong kulay violet. “It looks like she’s using you as her food taster,” tuloy ko sa pag-inom. Nakikinig ako kahit hindi ko maintindihan. “Tsk,” ramdam ko ang inis kay Mister, pero nakaangat ang kaliwang bahagi ng labi niya. “That’s a perfect indirect kiss,” sabi ni Victor. Kita ko si Mister na sumamaan sa tingin. “Tama na yan. Kumain ka na, mag-rice ka para gumana utak mo,” sabi ni Mister, at sinunod ko agad. Kumuha ako ng ulam na mukhang masarap, bago tikman, isinubo ko sa bibig ni Mister ang kutsara. Masamang tumingin siya, kaya ngumiti na lang ako. “Masarap, Mister?” tanong ko. Tumango siya, kaya dinamihan ko ang sandok ng ulam at kumain. Napatingin ako kay Victor, tahimik na kumakain. Napansin ko na inihiwalay niya ang orange na gulay—carrots, sabi ni Linda. “Bakit ka nakatingin sa kanya?” tanong ni Mister. “Bakit hindi niya kinakain ang carrots? Hindi niya ba gusto? Hahaha, hindi rin ako gusto ang carrots,” tumatawang sabi ko. “Kumain ka ng gulay, nakakatalino ang gulay,” sabi ni Mister, at tila sarap na sarap sa pagkain ang carrots. Tinusok ko ang carrots at isinubo. “Masarap nga s’ya kaso—” hindi ko na natapos ang sasabihin ko. Nahirapan akong huminga. Hala, baka allergic ako. “Hey, are you okay?” tanong ni Mister. Umiling-iling ako. Namamanhid na ang mga palad ko, nabitawan ang tinidor. “What’s happening?” napapikit na ako, habol-hininga. “Nangingitim ka, s**t,” narinig kong boses ni Mister. “Carry her and I’ll call the butler to drive us to the nearest hospital!” “Hold on, Ysabelle… f**k!” “Get the f**k out of my way!!” “Senhor, you should get dressed first!” “Drive fast, Victor.” “Damn Ysabelle, ano bang nangyayari sayo?” “I think she has an allergy to carrots.” “f**k this!” “Don’t sleep, Ysabelle. Damn!” Lalong nanikip ang dibdib ko. Hindi na talaga ako makahinga. Ramdam kong makakatulog na ako anumang oras. Naramdaman ko ulit na lumulutang ako. “WHERE’S THE DOCTOR?” sigaw ni Mister. “Sir, you need to fill this up first.” “DAMN THAT PAPERS! I NEED A DOCTOR, FUCKTARDS!” “Lucien, calm down, I’ll handle this.” “f**k THEM!” Yun na ang huli kong narinig bago tuluyang mawala ang malay ko sa kakulangan ng hangin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD