THIRD PERSON POV
Enjoy na enjoy si Steven habang nakikipaghabulan sa mga batang naroroon sa birthday party ng kambal na anak ng mga kaibigan niyang sina Gino at Misha. Inaanak nilang magkakaibigan ang dalawang anak ng mag-asawa.
Tuwang-tuwang pinapanood ng mga magulang ng ibang batang bisita si Steven habang nakikipaglaro sa anak ng mga ito. Likas na mahilig sa mga bata si Steven kahit noong bata pa lamang siya. Siguro ay dahil marami siyang nakababatang kapatid kaya sanay siyang makihalubilo sa maraming bata.
Masayang nakikipaglaro si Steven sa mga bata nang mapatingin siya sa mesa ng mga kaibigan niyang sina Ayla at Rafael. Nag-uusap ang mga ito at base sa ngiti na nakikita niya sa mukha ni Ayla ay alam niyang pinag-uusapan ng dalawang ito ang nalalapit na kasal. Masaya siya para sa dalawa, pero hindi niya maiwasang makadama ng selos. Matagal na niyang lihim na iniibig si Ayla. Mga bata pa lamang sila, ngunit kahit kailan ay hindi siya nagkaroon ng pagkakataong makapagtapat dito ng totoong nararamdaman.
Maya-maya ay nilapitan siya ni Gabriel, isa sa mga kaibigan niya. Magpapakuha ito ng picture kasama ang isa pa nilang kaibigan na si Diva.
Steven: Nagtapat ka na ba kay Diva, pare?
Pabulong lamang ang tanong na iyon ni Steven kay Gabriel para hindi marinig ni Diva na nasa malapit lamang.
Biglang umasim ang mukha ni Gabriel.
Gabriel: Sinubukan kong magpahaging kanina, pero parang binara ako.
Steven: 'Yon lang.
Inakbayan ni Steven si Gabriel at tinapik ang balikat nito.
Steven: Basta, pare, huwag na huwag kang maninira ng relasyon.
Tumango si Gabriel at muli na namang napatingin si Steven sa kinauupuan nina Ayla at Rafael.
Matapos kuhaan ni Steven ng larawan sina Diva at Gabriel ay lumapit sa kanila si Misha. Mukhang stressed out na ito.
Misha: Overtime daw si Gino. Ngayon pa talagang birthday ng kambal namin.
Diva: Don't worry, friend. Maya-maya ay nandiyan na 'yan. So ibig sabihin mali-late din si Bianca kasi 'di ba assistant ni Gino 'yong boyfriend niya?
Natawa si Gabriel.
Gabriel: Ang tanong, eh, kung pumasok ngayon sa trabaho ang boyfriend niya. Monthsary nila ngayon, 'di ba? And knowing Bianca, hindi pwedeng walang sexy time kapag monthsary. Malamang pinag-leave niya 'yon. What Bianca wants, Bianca gets.
Muling tumawa si Gabriel at napailing naman si Steven. Boyfriend ngayon ng kaibigan nilang si Bianca ang assistant ng kaibigan nilang si Gino na si Bryce. So far, ito na ang pinakatumagal sa lahat ng naging boyfriends ni Bianca. Kung magpalit kasi ito ng boyfriend ay parang nagpapalit lang ng damit. Isa nga siya sa binalak na gawing boyfriend nito for experiment daw, pero tumanggi siya rahil si Ayla lang talaga ang gusto niyang maging girlfriend na hindi na maaaring mangyari. Hindi umubra sa kanya ang "what Bianca wants, Bianca gets".
Bumuntung-hininga si Steven at muling tumingin sa direksyon nina Ayla at Rafael.
Napalingon si Steven sa isang sulok at hindi na siya nagulat nang makita ang kaibigang si Zander na pinopormahan ang nakababatang kapatid ni Misha. Babaero itong kaibigan niya at sigurado siyang idadagdag lang nito sa listahan ang babaeng kapatid ni Misha.
Maya-maya ay lumapit ang isa sa mga kaibigan nila na si Trina kay Zander at piningot ang kanang tainga nito. Nagulat ang kapatid ni Misha na si Marie at agad na lumayo kay Zander. Pinakawalan naman ni Trina ang tainga ni Zander. Himas-himas nito ngayon ang kanang tainga. Girlfriend ni Zander si Trina, pero hindi pa rin napipigilan ang makipag-flirt sa ibang babae.
Nakita ni Steven na tumayo sina Ayla at Rafael at lumapit sa kinatatayuan nila.
Ayla: Anong oras ba makararating si Bianca? Pwede namang dito na sila mag-celebrate ng monthsary ni Bryce.
Misha: Hay naku. Mukhang hihintayin pa niya ang boyfriend niyang makauwi rahil overtime si Gino. Malamang overtime din ang assistant niyang si Bryce.
Rafael: Wait, I'll call Bianca.
Tinawagan ni Rafael si Bianca at ini-on ang loud speaker para marinig ng mga kaibigan ang pag-uusap nila. Apat na ring bago sumagot si Bianca sa kabilang linya.
Bianca: He-hello? Raf-Rafael?
Parang hinihingal si Bianca. Paputul-putol ang boses nito sa kabilang linya.
Rafael: Uh, Bianca, what time will you get here?
Matagal bago sumagot si Bianca. Mukhang may kasama ito at may ibinubulong.
Bianca: Uhm... Raf, uh, not-not sure, but a-attend ako sa, uh, party. Mga, uh, inaanak ko 'yan, mmm, I should be there. Ugh.
Napapailing si Gabriel. Mukhang tama nga ang sinabi nito kaninang hindi pwedeng walang sexy time kapag monthsary ni Bianca.
Misha: Uhm, Bianca? Misha here. I guess hindi pumasok si Bryce? Mukhang may kasama ka ngayon, eh. Overtime kasi si Gino ngayon.
Isang malakas na ungol ang pinakawalan ni Bianca.
Napangiwi sina Ayla at Diva.
Diva: This is so gross.
Steven: Siguro i-cut na natin 'yong tawag.
Tumango si Rafael.
Rafael: Bianca?
Maririnig na parang hinihingal si Bianca sa kabilang linya at nagpipigil na umungol. Maya-maya ay may narinig silang malakas na ungol ng lalaki na may kasama pang pagmumura.
Bianca: Uh, Raf?
Rafael: We'll just wait for you here, Bianca. Bye.
Mabilis na tinapos ni Rafael ang tawag.
Nakita ni Steven na namumula ang pisngi ni Ayla. Lalo itong gumaganda sa paningin niya. Napatingin ito sa kanya at para silang nagkahiyaan na umiwas ng tingin sa isa't isa.
Matapos patayin ang tawag ng kabilang linya ay pahablot na hinila ng lalaking katalik ni Bianca ang kanyang buhok. Pinaharap nito ang mukha ng babae para mahalikan ng madiin. Ipinasok ng lalaki ang dila sa loob ng bibig ni Bianca. Todo ang paghahalikan ng dalawa na naging dahilan para tumulo ang laway nila sa kanilang pagitan. Inilayo ng lalaki ang mukha kay Bianca at kitang-kita nito ang pagkabitin ng babae.
Lalaki: Ibuka mo ang bibig mo.
Ibinuka ni Bianca ang bibig at tatlong beses siyang dinuraan ng lalaki sa loob ng kanyang bibig. Tuluy-tuloy ang pag-ulos ng lalaki sa kaloob-looban ni Bianca habang magkalapat ang kanilang mga labi.
Nang maghiwalay ang kanilang mga labi ay iniangat ng lalaki mula sa kama si Bianca na nakatusok pa rin ang batuta nito sa butas ng babae. Iniharap nito ang babae sa dingding at mabilis na itinukod ni Bianca ang dalawang kamay sa dingding.
Pabilis nang pabilis ang pagdikdik ng lalaki sa perlas ni Bianca habang pisil-pisil ang malalaking papaya ng babae hanggang sa mapatingala si Bianca na nakanganga at nanginginig ang katawan. Kasunod niyon ay ang pagsagad ng lalaki sa kargada nito sa loob ng butas ni Bianca. Doon ikinalat lahat ng naipong katas para sa babaeng laman ng isip nito gabi-gabi tatlong linggo na ang nakakalipas.
Trina: Here they are. Ang bagong dilig na si Bianca at ang jowa nito.
Halatang-halata sa mukha ni Bianca na bagong dilig ito. Blooming na blooming at parang kinikilig pa habang naglalakad palapit sa kanila. Ang boyfriend naman nitong si Bryce ay mukhang pagod na pagod.
Diva: Mukhang pinagod si boyfie, ah.
Ibinulong lamang iyon ni Diva at tanging kibit-balikat lang ang sagot ni Bianca.
Mukhang matatagalan pa si Gino kaya naisipan ng magkakaibigan na magpa-picture muna kasama ang kambal na anak ng mag-asawang Gino at Misha.
Pumwesto na sila para sa picture-taking. Sinadya ni Steven na tumabi kay Ayla. Sa mga ganitong pagkakataon ay sinasadya niyang makatabi si Ayla para kahit papaano ay mapadikit siya rito kahit saglit lamang.
Hindi pa man nakakapagsimula ang picture-taking ay dumating na si Gino. Nagpalakpakan ang magkakaibigan. Hudyat na si Gino ang pinakahuling dumating sa kanilang lahat. Niyakap ni Misha ang asawa.
Misha: Buti naman at umabot ka, hon. Wow, ah. Fresh na fresh pa rin ang asawa ko kahit subsob sa trabaho. Ang gwapo pa rin.
Halos lahat ng mga babaeng bisita ay buong paghangang tinitigan ang asawa ni Misha. Mga ina ng ibang batang bisita.
Nakipag-fist bump si Gino kina Steven, Gabriel, Rafael, at Zander.
Zander: Sana all gwapo kahit pagod sa work.
Nagkibit-balikat lang si Gino.
Gino: Gifted tayo, eh.
Sabay-sabay na nagtawanan sina Steven, Gabriel, Gino, Rafael, at Zander.
Umirap si Trina.
Trina: Naku. Puro kayabangan na naman. Magsama kayo niyang kumpare mong si Zander. Pataasan kayo ng ihi.
Misha: O siya, picture-taking na, guys.
Isa-isa nang pumwesto ang magkakaibigan sa likod ng kambal. Akmang tatayo si Bryce para makisali, pero hinarangan ito ni Gino. Nagmukhang dwende si Bryce sa height nitong 5'2" sa tangkad ni Gino na rating varsity basketball player.
Gino: Oh, Bryce. Magkakaibigan lang muna. You're not part of the group.
Parang napahiya si Bryce, pero ngumiti pa rin sa kanyang manager sa trabaho. Tumango ito. Pinisil ni Gino ang balikat ng assistant at sapilitang pinaupong muli.
Nang makapwesto na ang lahat ay pasimpleng idinikit ni Steven ang braso niya sa braso ni Ayla. Pumulupot naman ang kanang bisig ni Rafael sa baywang ng fiancée na si Ayla. Umakbay naman si Gino sa asawang si Misha. Pasimpleng idinikit ni Gabriel ang likod ng kaliwang palad sa likod ng kanang palad ni Diva. Nagnakaw naman ng halik si Zander sa kaliwang pisngi ng girlfriend na si Trina. Umiwas ito at sa pagkakaiwas ay napansin nito ang kanang kamay ng isa sa mga kaibigan na nakahablot sa pang-upo ng isa pa nilang kaibigan at halatang enjoy na enjoy ito.
Parang nakakita ng multo si Trina nang muling humarap sa kasintahan.
Zander: Oh, bakit parang natuklaw ka ng ahas? Sa pisngi lang naman kita hinalikan. Gusto mo bang sa lips?
Tumaas-baba pa ang mga kilay ni Zander na parang nanunukso. Umiling si Trina.
Trina: Nothing.
Misha: Oh, guys. Say "cheese".
"CHEESE".
----------