CHAPTER 6

1627 Words
THIRD PERSON POV Sa isang madilim na hotel room ay magkayakap ang isang lalaki at isang babae. Ninanamnam ang init ng katawan ng bawat isa. Parehong hubo't hubad ang magkalaguyo habang magkayakap at nakatayo sa tabi ng bintana. Ang ulo ng babae ay nakasandal sa matikas na dibdib ng lalaki. Nagkakaroon man ng problema ang mga tao sa paligid nilang dalawa ngayon ay hindi iyon naging hadlang para maging masaya ang dalawa sa piling ng bawat isa. Bawat sandaling kanilang pinagsasaluhan ay sinisigurado nilang magiging masaya sila. ---------- DIVA's POV Katatapos lang naming mag-video call ng akong boyfriend na si Jackson at ngayon ay nakahiga na ako sa ibabaw ng aking kama. Sinusubukang makatulog. Napailing ako. Hindi ko mapigilang mag-alala para sa aking dalawang kaibigan. Sina Misha at Gino. Kahapon ay nakumpirma ng aking kaibigang si Misha na may babae ang asawa nitong si Gino. Nitong mga nakalipas na araw ay naghihinala na si Misha sa mga pagbabagong nakikita kay Gino. Madalas itong nagsasabing mag-o-overtime at madalas ay madaling-araw nang umuuwi. Napapadalas din ang biglaang pag-alis ni Gino tuwing weekend dahil sa trabaho na hindi naman nito ginagawa rati. Kaya naman madalas nang magtampo kay Gino ang kambal na mga anak nila ni Misha rahil halos wala na itong oras para sa dalawang anak. Madalas ding may kausap si Gino tuwing dis-oras ng gabi at nalalaman iyon ni Misha sa tuwing naaalimpungatan ito at makikitang wala sa tabi nito sa kama ang mister. Madalas ay sa kusina ng kanilang malaking bahay nahuhuli ni Misha ang asawang si Gino na may kausap sa phone. Sinasabi naman ni Gino na tungkol sa trabaho lamang iyon. Pero noong isang araw ay talagang nanghina si Misha nang may matuklasan mula kay Bryce, ang boyfriend ng aking best friend na si Bianca. Si Bianca ay aking best friend since Elementary days namin. Noong Second Year High School kami naging parte ng isang malaking barkada kung saan nakilala namin sina Steven, Ayla, Gabriel, Misha, Trina, at Zander. And eventually naging part din ng barkada sina Gino at Rafael. Magkaibang-magkaiba kami ni Bianca pero hindi namin alam kung bakit nagkasundo kami sa unang pagkikita pa lang namin. Mayaman si Bianca. Ang ama nito ay nagmamay-ari ng isang dairy farm sa Australia. Madalas na lumalagi sa Australia ang ama ni Bianca rahil sa trabaho habang si Bianca at ang ina nito ay pumupunta ng Australia tuwing summer vacation. Ngayong graduate na si Bianca ay hindi na talaga ito nagpupunta sa Australia para makasama ang ama at alam na alam ng buong barkada kung ano ang totoong dahilan. Nang matuklasan ng ina ni Bianca na may ibang babae ang ama ni Bianca sa ibang bansa ay nagtanim ng galit si Bianca sa ama nito. Natuklasan ng ina ni Bianca iyon ilang araw bago ang graduation ni Bianca sa kolehiyo. Umiyak nang umiyak si Bianca sa akin nang panahong iyon at naglabas din ito ng sama ng loob sa buong barkada. Umuwi ng Pilipinas ang ama ni Bianca galing Australia para um-attend sa College graduation ng anak pero tulad nang inaasahan naming magbabarkada ay pinili ni Bianca na hindi magmartsa sa graduation nito bilang parte ng pagrerebelde sa ama nito. Ipinagtabuyan ni Bianca at ng ina nito ang ama at isinumpa ni Bianca na kapag nagpakita pa ang ama nito sa kanilang mag-ina ay magpapakamatay ito. Mula noon ay hindi na nagpakita kailanman ang ama ni Bianca sa kanilang mag-ina. Nabalitaan din namin mula kay Bianca na iniwan na ng ama nito ang babae nito at tuloy pa rin ang pagpapadala ng pera ng ama nito sa kanilang mag-ina. Naaalala ko pa ang sinabi ni Bianca noong magkwento ito na kahit kailan ay hindi naman huminto sa pagpapadala ng pera ang ama nito. Bianca: Ang akala siguro ng demonyo kong ama ay maisasalba ng mga perang ipinadadala niya ang aming pamilya na kanyang sinira nang dahil sa pambababae niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin sinusubukan ni Bianca na makipag-communicate sa ama nito. Mas lalo ring lumala ang hobby ni Bianca na maghanap ng mga karelasyon na may challenge at magbibigay dito ng matinding thrill. Ngunit nang makilala ni Bianca si Bryce ay nag-lie low naman ito. Hindi ko alam kung ano ang nakita ni Bianca kay Bryce dahil wala namang ka-challenge-challenge sa pakikipagrelasyon kay Bryce. Pero naalala ko ang pambabasted ng kaibigan naming si Steven kay Bianca noon. Oo, sinubukan ni Bianca na ligawan si Steven noon dahil na-challenge ito sa pagiging No Girlfriend Since Birth ni Steven. Pero hayun nga, b-in-asted ito ni Steven. Si Steven ang kauna-unahang lalaking tumanggi kay Bianca at ang lalaking nagpatunay na pwedeng mabali ang "what Bianca wants, Bianca gets". At ito ngang si Bryce ay tulad ni Steven na No Girlfriend Since Birth. Marahil ay gustong ibangon ni Bianca ang namatay nitong pride nang dahil kay Steven kaya niligawan nito si Bryce. Eventually ay naging magkarelasyon sina Bianca at Bryce. Pakiramdam ko naman ay talagang na-enjoy ng aking best friend ang pagiging teacher kay Bryce. Si Bianca ang nagturo kay Bryce ng lahat ng dapat nitong malaman sa pakikipagrelasyon at si Bianca rin ang nagturo kay Bryce ng iba't ibang klaseng posisyon sa kama. Itong si Bryce ay isa sa mga staff ng kaibigan naming si Gino. Nang dahil kay Gino kaya nagkakilala sina Bianca at Bryce. At dahil nga boss ni Bryce si Gino sa trabaho kaya napapansin nito kung nag-o-overtime ang boss o hindi. Nang makasalubong ni Misha si Bryce sa isang grocery store last weekend ay nakipagkwentuhan muna si Misha sa staff ng mister nito. Dito napag-alaman ni Misha na hindi naman pala nagpupunta sa office ang asawa nitong si Gino tuwing weekend at hindi rin nag-o-overtime. Nabanggit din ni Bryce na minsan pa nga ay nag-a-undertime si Gino. Hindi makapaniwala si Misha sa narinig mula kay Bryce kaya sinabihan nito ang lalaki na huwag babanggitin kay Gino na nagkita sila nang araw na iyon. Doon na nagsimulang mangalap ng ebidensya ng pangangaliwa ni Gino si Misha at kahapon nga ay nakita nito ang burner phone ni Gino na marahil ay naiwan nito rahil sa pagmamadaling makasama ang kabit nito. Doon nakita ni Misha ang palitan ng chat messages ni Gino at ng babae nito. Mga mahahalay na usapan at pagpapalitan ng nude photos na halos magpawala ng ulirat ni Misha. Base sa conversation ni Gino at ng babae nito ay halos tatlong taon na silang may bawal na relasyon. Hindi na pinabasa ni Misha sa barkada ang actual conversation ni Gino at ng babae nito para hindi namin makita ang nude photos ni Gino. Sa halip ay ipinakita na lamang ni Misha sa amin ang ilang screenshots ng usapan ni Gino at ng babae nito na ipinasa ni Misha sa phone nito bilang kopya kung halimbawang burahin ni Gino ang conversation sa babae nito. Ipinakita rin ni Misha sa amin nina Ayla, Bianca, at Trina ang ibang photos ng babae na kita ang private parts nito. Iniisip ni Misha na baka raw may makita kami sa photos na pamilyar na bagay na maaaring magturo kung sino ang babae ni Gino rahil dummy social media account ang gamit ng babae sa pakikipag-chat kay Gino. Sa isang photo ng babae ay may napansin ako sa background na isang pamilyar na gamit. Bigla akong kinutuban ngunit hindi ako nagsalita nang mga oras na iyon. Hindi ko gusto ang basta na lang magbintang kaya sisiguraduhin ko muna. Isa iyon sa aking mga iniisip ngayon na sana ay hindi totoo. Hindi ko gustong isipin na tama ang aking hinala rahil magugulo ang aming barkada. Ang isa ko pang iniisip ngayon ay ang isa sa aking mga kaibigan na si Gabriel. Kagabi nang ihatid ako ni Gabriel dito sa aming bahay ng aking ina ay may ipinagtapat siya sa akin. Tandang-tanda ko pa sa aking isipan ang mga ipinagtapat ni Gabriel kagabi. Palabas na ako ng kotse ni Gabriel nang bigla niyang hawakan ang aking kaliwang bisig. Nagulat ako kaya nilingon ko si Gabriel. Matiim ang kanyang mga titig sa akin. Gabriel: Diva, sa-sandali. Ma-may gusto sana akong sabihin sa iyo. Kumunot ang aking noo sa naririnig kong kaseryosohan sa tinig ng boses ni Gabriel. Diva: Gab? Bumuntung-hininga si Gabriel. Gabriel: Diva, hi-hindi mo kailangang sumagot sa sasabihin ko sa iyo. Ma-makinig ka lang at pagkatapos ay bumaba ka na ng kotse. I-I just wanted to get it off my chest once and for all. Bigla akong kinabahan. Ano ang gustong sabihin sa akin ni Gabriel? Titig na titig pa rin sa akin sa Gabriel nang magpatuloy siya sa pagsasalita. Gabriel: Diva, you see, I like you. I like you a lot. And I also love you. I love you not just a friend, but I also love you as someone who I can see myself spending the rest of my life with. Parang nanigas ang aking katawan matapos sabihin ni Gabriel iyon. Gabriel: I love you since the first time I met you. I thought it was just an infatuation, but I was wrong. I'm happy every time I'm with you. I'm always excited to see you. I always look forward seeing your smile, smelling your scent, hearing your voice, I love everything about you. Natulala ako matapos magsalita ni Gabriel. Mahal ako ni Gabriel? Papaanong nangyari iyon? Hindi ko namalayan kung paano akong nakababa mula sa kotse ni Gabriel. Namalayan ko na lamang na nasa loob na ako ng aking kwarto at damang-dama ko ang bilis ng pintig ng aking puso. Mariin akong napapikit sa parteng iyon ng aking alaala nang nagdaang gabi. Bakit parang tumatalon ang aking puso habang inaalala sa aking isipan ang mga sinabi ni Gabriel kagabi? Umayos ka, Diva. Tandaan mo na may Jackson ka na. Argh! Ang sakit sa ulo. ---------- to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD