GABRIEL's POV Napailing ako nang muling maalala ang pag-iyak ng aking kaibigang si Steven sa aking harapan the last time I went to his apartment unit. Talagang apektado itong si Steven sa nangyaring hindi pagkakaintindihan sa pagitan nilang dalawa ng isa pa naming kaibigang si Rafael. Dahil doon kaya mukhang walang chance na makita ni Steven si Ayla, ang babaeng pinakamamahal lang naman nito. Kung ako ang tatanungin ay sigurado akong alam na ni Rafael ang lihim na damdamin ni Steven para kay Ayla na siyang misis ni Rafael. Well, kahit sino naman sigurong lalaki could see it from afar. I mean, kung halimbawang hindi inamin ni Steven sa akin ang tungkol sa true feelings nito for Ayla, I would still find out about it just from seeing how Steven looks at Ayla every time they're together.

