Open Hearts

2317 Words
Janelle POV Ilang araw na ang lumipas mula nong nakita ako ng tiyahin koMagmula noon, di na ito bumalik na ikinatataka ko. Sa ugali non, hindi ako non tatantanan. Nagpalit na din ako ng numero dahil sa parati na ako nitong tinatawagan. Aalis sana ako ngayong araw ng Makita ko si Caspian sa labas ng dorm. May kailangan ba siya sakin o baka may kausap ito at ditto nalang nag antay. Lalapit n asana ako nang biglang lumapit yung babae na nakita ko na noon. Siya din ang kasama ni Cristoph nung isang araw. Kumunot ang nook o, sino ba siya? Bakit parang malapit siya sa dalawa? Siguro siya nga yung inaantay ni Caspian dahil umalis silang dalawa na magkasama sa isang kotse. Nakita ko namang malapad ang ngiti nito katulad noon kay Cristoph. Nagkibit balikat nalang ako saka tuluyan nang lumabas. Nung sasakay na ako sa jeep ay bigla naman may sumabunot sa buhok ko paatras. “Akala mo makakatakas ka sakin ha?” pamilyar ang boses niya, si tiya. “Tarantado ka, akala mo madadala mo ako sa lalakeng yun nna magbabawal sakin pumasok sa skwelahan nay an.” Nagtataka ako,. Si Caspian ba dahilan. Pilit akong kumakawala sa higpit nang pagkakasabunot niya sa buhok ko. Naiiyak na ako at ang mga tao ay nagsisitinginan lang. “Bitawan niyo po ako.” Pakiusap ko sa kanya. “Bitawan? Wala kang utang na loob, matapos ka naming patuluyin sa bahay ngayon mang aabandona ka dahil lang naka jackpot ka sa mayaman?” di ko aolam san ako dadalhin nito. Nawawalan na ako ng lakas sa sakit ng pagsabunot ng tiya ko sa buhok ko. Napatigil naman kami sa paglalakad ng may humarang samin. Hindi ko siya Makita kaya hindi ko alam sino ito. Si tiya lang ang nakakita sa kanya at napasinghap ito nang lumapit ito samin. “Release her kung ayaw mong damputin ka sa kulungan.” Teka, parang kilala ko yung boses nay un ah. “I said, bitawan mo siya. O gusto mong magpatawag ako ng pulis.” Binitawan ako nito saka ko lang nakita yung taong yun. Sa Malabo kong mata dahil sa luha, hindi ko masyadong maaninag sa sikat ng araw kung sino yun. Lumapit ito sakin saka kinuha ang kamay ko at hinatak ako papunta sa kotse niya. Nilingon ko ang aking tiya na may galit sa kanyang mukha. “Di pa tayo tapos, Janelle. Pagbabayaran mo ginawa mo.” Halos yakapin ko ang sarili ko bago ako sumakay sa kotse niya Humihikbi ako ng marahan sa kanyang tabi. Nakikita ko naman sa gilid ng mata ko na tinitgnan niya ako habang siya naman ay nagmamaneho. “M-maraming s-salamat.” Mahina kong sambit. “Sino ba yon?” nakilala ko na ang boses niya. “Tiya ko.” Simpleng sagot ko. Nagtanong pa ito pero pinili ko nalang manahimik. Totoo nga siguro ang sinabi ni Caspian, baka nga talagang mabait sila. Nakokonsensya ako sa ginawa ko sa kanya. Sana hindi nalang ako nagpadala sa sinabi nung tao nay un. “P-pasensiya na. P-pwede mo na akong ibaba ditto.” “No, saan ka ba pupunta?” “Sa k-kaibigan ko. Sasamahan niya akong m-maghanap ng trabaho.” “Trabaho? Para saan? Diba provided ka naman sa kailangan mo?” napalunok ako. Hindi ko puinasali ang pagkain sa dormitory ko. Almusal lang. Alam ko namang sobra sobra nay un sa ginagawa nila para sakin. Napayuko ako saka huminga ng malalim. “Para may makain ako.” Nakita ko namang kumunot ang noo niya. Nakapagtataka alam ko, pero di naman ako ganung kawalang hiya para pati pagkain koi demand ko pa. “Pagkain? Kasama nay an sa dorm ah.” Nakagat ko ang ibabang labi ko. “H-hindi ko pinasama.” Tinignan ako nito ng may katagalan bago bumalik sa daana ng tingin niya. Nakita koi tong ngumisi. “Kapal na nga ng mukha mong magdemand, bat di mo na sinulit?” napalunok ako. “Alam kong nagdemand ko kapalit ng mga nasabi ko. Pero di naman ganun kakapal ang mukha kong pati sa ganyang bagay aasa ako. Sapat nan a pag aralin ako at bigyan ako ng trabaho.” Halos maiyak ko na sabi. Bumuntong hininga ito bago itigil ang sasakyan sa isang gilid ng kalsada. Humarap ito sakin. “Then tell me, sino pa nag utos sayo na gawin mo yan?” mas lalo akong naiyak. “Magsasalita ako pero buhay ko naman ang kapalit.” Nanlaki ang mga mata nito saka ito napasandig sa upuan niya. Bigla nitong hinampas ang manibela niya bago humarap ulit sakin. “Kilala ko ba siya? Nagttrabaho ba siya sa mall namin? Sino? Kahit clue lang.” tinignan ko siya na may luha sa mga mata. “Hindi niyo siya kilala… Pero may Malaki kayong atraso sa kanya.” natahimik ito bigla. Hindi ko kinaya ang nakikita sa kanyang mga mata kaya ako na mismo ang umiwas. Ganun nalang ang pagkabigla ko nang magmadali siya sa pagmamaneho. Mukha itong kakain ng tao sa kaseryosohan ng mukha nito. Kinuha niya ang kanyang cellphone saka may denial, hindi ko alam kung sino tinawagan niya pero mas lalo akong natakot. “Kuya, We need to talk with Dad and Kuya Matt. Someone tried to attack me pero di natin kilala. I am with the girl na inutusan niya. Yes, papunta na kami ng opisina.” Saka niya ito binaba at tumignin sakin. Nakikita sioguro niya ang takot ko. Biglang lumambot ang kanyang mukha nang Makita akong lumuluha. “Don’t worry, we’ll keep you safe. As long as makikipag cooperate ka samin, I guarantee your safety.” Para itong nangangako. “Hindi, hindi niyo siya kilala. Mara mi siyang kayang gawin na ikakapahamak niyo.” “May magagawa kami at alam kong malulutas lang ito kung alam naming kung sino ang salarin sa mga to.” Umiling ako, alam kong mapapahamak lamang sila. “Trust us, trust me.” Hindi ko alam kong paniniwalaan ko siya o hindi. Tumingin lang ako sa kanya at sa labas ng bintana. Hindi ko alam kung kakayanin ko ba itong napasok ko. Minsan nagsisisi akong pinatulan koi to dahil gusto kong makawala sa tiyahin ko. Dumating ksmi sa isang building sa likod ng mall nila. Sa basement kami nagpark at sumakay ng private elevator nila. Nakilang lunok nako. Natatakot ako sa gagawin nila sakin. Nang maabot naming yung floor na pupuntahan namin, bumaba na kami saka naglakad papuntang office. Siya ang nagbukas ng pinto at nabungaran naming ang tatlong lalaking nag uusap sa may mesa. Silang tatlo ay napalingon samin nang makapasok kami. Ang pinakamatanada sa kanila ang unang nagsalita. Samantalang ang dalawa ay may nakakatakot na mukha na maihahantulad kay Cristoph, ito siguro ang mga kapatid niya. “Hija, halika, pasok ka at mag usap tayo.” Umupo ako sa tabi ni Cristoph. “Anong ibig mong sabihin kanina sa tawag?” tanong ng lalaking katabi ni Cristoph. “Napadaan kasi ako sa skwelahan kanina, I thought nandoon pa si Tiffany but looks like kasama na niya si Caspian.” Tiffany pala yung pangalan ng babaeng yun. Sino ba siya? Siguro napansin nung isang lalake ang itsura ko kaya nagsalita ito. Napatigil sila sa pagsasalita. “Tiffany, our sister, pinsan ni Caspian.” Sabi niya nang nakatingin sakin. “Anyway, I saw her sa daan na sinasabunutan ng isang ginang. I told her to release her and pinasakay ko na siya sa kotse. I was asking her questions and she eventually blurted out na ang nag utos sa kanya ay di natin kilala pero may atraso daw tayo sa kanya.” Tumingin ang tatalo sakin. Napayuko ako. “Tell us hija, ano daw ang atyraso naming sa kanya at bakit ang anak kong ito ang nagging target niya?” Tinignan ko silang tatlo at napa buntong hininga. “Nawala daw lahat sa kanya nang dahil sa inyo. At lagi siyang naroroon sa club namin. Ilang ulit nba niyang nakita sila Cristoph na pumupunta sa bar kaya nung maitable ako, ako yung gusto niyang gamitin para sa plano niya.” “Bakit ka pinapayagan itable eh menor de edad ka palang?” tanong nung katabing lalake ni Cristoph, yumuko ako ng ulo saka nagsalita. “Dahil po sa bayad nila. Hanggang kausap lang naman ang pwede nilang gawin sakin. Kailangan ko ng extrang pera para sa tiyahin ko.” “At yun yung babaeng nakita ko na sumasabunot sa kanya, tama ba? Naririnig ko kasing tawag mo sa kanya ay tiya.” Tumango ako. “So, yun ang trabaho mo sa club?” Tanong nung matanda sakin. Umiling ako. “Sa likod lang po dapat ako, nag liligpit. Bago magbukas at magsara ang club, kami po nagliligpit. Minsan lang ako ipalabas pag nagkukulang sila ng tauhan.” “Is that why you demand na papag aralin ka at makatrabaho kaagad ditto?” alam kong nakakahiya pero tumango ako. “Pasensiya na po. Gusto ko lang maka alis sa tiyahin ko. Nag aaral ako at nagttrabaho para mabuhay sila. Ilang taon ko na pong ginagawa.” “Nasaan ang mga magulang mo?” tanong nung isang lalake, umiling ako. “Wala nap o. Iniwan kami ng tatay ko saka ang nanay namatay sa TB. Mabuti nalang nga pow ala akong kapatid.” Bigla naman silang natahimik. Hindi ko alintana na tumayo pala ang matandang lalake at naglalakad lakad paroot parito. “Bakit hindi mo pwedeng sabihinkung sino siya?” tumingin ako sa kanya. “Pag malaman niyo, ako lang ang pwede niyang sisihin dahil kami lang ang nag usap. At sinabi niya na pag malaman ninyo, papatayin niya ako.” “Don’t worry, kami ang bahala sayo.” Umiling ako. “Di niyo po sya kilala pero siya maraming kilala ditto. Pag may makarinig, masasabihan siya at ako ang mayayari.” “What do you mean?” tumingin ako sa lalakeng nasa harap naming. “Masyado siyang makapangyarihan. Kahit sa club, VIP siya roon. Ang sabi nila mukhang nadali daw yung negosyo nito at kinailangan niyang magsimula ulit. Kayo daw ang dahilan nun.” Bigla namang nagtinginan silang apat. Mukhang iniisip nila sino ang nakabangga nila para maghiganti nang ganun. “Oh shit.” Sambit nung lalake na katabi naming. “Bakit, Alex?” “I think I remember na may ganung nagyari ilang taon na nakalip[as.” “What do you mean?” ”Still remember? Andrew was in a bet to get Therese. Diba nga pinabugbog nila si Andrew and that we teamed up with the military? Diba niyo naalala na may druglord noon na nakipagpustahan with them knowing it was a Montecillo na binibet nila.” “Right, I remember. Oo, yun yung time na nagpunta si Ate sa States.” “I think si Uncle Ned ang may alam kung sino ang mga tao noon doon.” Bigla namang tumayo ang balahibo ko sa kamay. Jusko alam na nil;a. Pano pag malaman niya ang tungkol ditto. Lumingon sa akin si cristoph at hinawakan ang makabila kong balikat. “Thank you, Thank you Janelle. At least nagyon may lead na kami. Don’t worry, I will let someone guard you. And you don’t have to worry about sa problema mo, please accept the food enclosed dun sa dormitory. And your tita will be dealt whith, ako nang bahala, maraming salamat sa impormasyon na binigay mo.” Humarap ito sa kanyang ama na siyang nasa harapan. “Dad, we have to make sure Janelle is safe, and we also have to talk dun sa dorm, she actually emitted to include food sa dorm na binigay natin.” “Consider it done. Please continue to help us. Maraming salamat sa mga information mo.” -- Nasa loob na kami ng sasakyan ni Cristoph pabalik sa dorm, natatakot ako, baka mamaya nito anong mangyari sakin. Pagpasok naming sa skwelahan, dumretso kami sa dorm ko. Maraming estudyante ang nakatingin lalo at galling lang ako sa loob ng kotse ni Cristoph. Pinauna niya akong pumasok saka ito sumunod. Humarap sa amin ang isang babae na siguro ang siyang bantay sa dorm. “Good morning, sir.” “Good morning, kailangan ko makausap ang head ninyo.” Nanalaki naman ang mata ng babae. “A-ah si Madam po ba, sige po, maupo po muna kayo, tatawagin ko lang po.” Umalis ito papunta sa taas. Lumingon naman ako sa kanya. Nalatingin nap ala ito sakin. “A-anong gagawin mo?” ngumiti lang ito saka ako pinaharap sa hagdan. “Umakyat ka na, may pag uusapan lang kami.” Kumunot ang nook o p[ero sumunod ako sa sinabi niya. Nang maka akyat na ako, nagvibrate naman ang phone ko. s**t yung kaibigan kop ala. Tumatawag na siguro ito dahil sa hindi ako nakapunta. Sinagot ko ang tawag nito. “Hello? Nako pasensiya ka na kas—“ “Tandaan mo, isang salita, may mangyayari sayo. Wag na wag mong kakalimutan.” Nanlaki ang mga mata ko. “B-bakit nasayo ang phone niya?” tumawa lang ito “Akala mob a ligtas ka na? Magmula nang isalba mo yung sinisiraan ko, nakalista ka na sa mga taong pina maman manan ko.” Nabato ako nang saglit sa sinabi nito. “Alam kong nang galling kalang sa kanila. Kaya sinasabi kong pag may salita ka, mayayari ka. Tandaan mo.” Saka niya pinatay ang tawag. Hindi ko alam ang gagawin ko. Napaupo ako sa kama ko dahil anginginig ang mga tuhod ko. Ito baa ng premyo sa pagmimithi kong maka ahon sa buhay? Tumingin ako sa labas ng bintana at nakitang papa alis na din si cristoph. Jusko, matutulungan ko pa din ba kayo? Ako naman ang manganganib nito. Hindi ko alam paano pero tumingala ito at nagsalubong ang mga namin. Hindi ko alam anong nakikita niya pero nanlaki ang mga mata nito. At bago ako mawalan ng malay, naramdaman ko nalang na may pumalo sa likod ng ulo ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD