At gaya ng inaasahan, ilang araw silang hindi nagpakita ni Daddy. Patuloy sa pamimilit sa'kin si Daddy ngunit wala akong ibang ginagawa kundi umiling na lang.
Sa paulit ulit niyang pagyayaya sa'kin, siya namang dalang ng pamimilit niya kay Mama.
Para bang isang tanong lang ng, "Gusto mo bang sumama?" Tapos kapag sinagot ng nakangiting iling, tatango na lang siya.
Ni wala ngang pamimikit gaya ng ginagawa niya sa'king kung hindi man ako nagkakamali ay baka oras oras o mas tama bang sabihin na halos kada segundong kumilipas sa kamay ng orasan, wala siyang ibang binabanggit kundi ang..
"Tayong tatlo lang ng Tita Sharon mo ang pupunta. Para magkaroon kayo ng oras na magka bonding at maglaro. Ayaw mo ba no'n, Anak?"
Malamang, ayoko!
Aayaw ba ako kung gusto kong makasama ang babaeng iyan?
Kung clise kaming dalawa, baka ako pa ang magyayang pumunta sa Mars upang magsama sama lang kaming tatlo, kaso.. hindi eh.
Hindi ko alam kung anong mayroon kay Tita Sharon na nagustuhan ni Daddy.
Lol, kahit na hindi siya umamin.. kitang kita sa mga mata niya kung gaano niyang kagusto at gaano karami ang adorasyon na ipinapakita niya.
Bukod sa boobs at sa same age nila ni Daddy, wala na nga yatang lalamang sa kanya kung ikukumpara ko silang dalawa ni Mama.
Mukha siyang tandang na binilad sa araw, sa totoo lang.
Eleganteng manok.
Habang inuubos ang oras ko sa pagpadyak sa bisikleta, nagpatuloy lamang ako hanggang sa makarating ako sa isang malawak na kapatagan.
Wala kami sa probinsya pero tunay ngang maipagmamalaki ko ang mga nagtataasang puno na nakapalibot sa bayan namin. Bibihira lang kasi ang ganitong klase ng tanawin sa siyudad kahit na papaano.
Dahil sa sobrang lalim ng mga salitang iniisip ko, hindi ko na napansin ang isang batang nakayuko sa kalsada at tila ba may pinupulot na kung ano.
That time ay sobrang bilis ng pagpapatakbo ko sa bisikletang sinasakyan ko kaya naman nang sandaling igilid ko ang manibela ay siya namang pagdausdos ko sa bangin na nasa gilid.
Hindi naman siya yung bangin na sobrang lalim, kung susumahin ko nga ay hanggang tuhod ko lang ito.
Pinakiramdaman ko kung buo pa ba ang sarili ko bago umupo at nandidiring binalingan ng tingin ang sariling puno na ng putik at tae ng kalabaw galing sa parang.
Maging ang bisikleta kong sinasakyan lang kanina ay nakabaliktad na ngayon at para bang nagkaroon ng sira dahil sa pagkakahagis ko sa mababaw na bangin.
Kunot noo kong binalingan ang aninong lumitaw sa harapan ko dahilan upang mag angat ako ng tingin.
Halis maestatwa ako sa pagkakaupo sa malambot na lupa nang makita ko ang lalaking may berdeng mga mata. Nakanguso siya at para bang palihim na natatawa sa ayos ko ngayon.
Tiyak kong kaedad ko lang naman ito dahil sa ayos at porma niya, alam kong malaki ang pagkaka pareho naming dalawa. At saka isa pa, nagkita kami sa loob ng school.. pero ilang buwan na rin ang nakalipas simula nang huli ko siyang makita.
Kulay berde ang mga mata nito, mapusyaw ang balat at medyo may pagka kulot ang buhok nito na tumatabig pa sa mga mata nito.
Kung hindi niya pa man iangat ang kamay sa ere ay baka kanina pa tumulo ang laway ko sa kakatitig sa kanya.
"Ayos ka kang ba?" Tanong niya dahilan upang tumango ako.
Hindi ko inaasahan ang biglaan nitong pag angat ng palad sa kamay na tila ba handa akong tulungang maka ibis sa bangin na iyon. Dahil nga sa medyo awkward kung susupladahan ko pa siya at sa halip na kumuda, tinanggap ko na lang ang alok niyang pagtulong sa'kin.
Pagkatapos niya akong tulungan at nang mahatak na niya ako palapit sa kung saan man siya nakatayo kanina, hindi ko inaasahan ang naisip nito.
Pinanood ko siyang paupong bumaba sa bangin kung saan ako nalaglag kanina.
Maging kulay puti nitong t-shirt ay nadumihan dahil sa ginawa niyang pagdausdos. Halos mamula rin ang mukha ko nang makita siyang muling itinayo ang bisikleta at inangat mula sa bangin.
"Pasensya na kung nadisgrasya ka pa nang dahil sa pag iwas sa'kin." Ani niya habang naglalakad kami patungo sa bahay nila.
Nag alok siya ng tulong na magtungo sa bahay nila upang maglinis kahit papaano ng katawan. Nag offer rin siya ng pag aayos sa nasira kong bisikleta. Hindi naman ganoon kalaki ang sira niya dahil ang pedal lamang ang nakita kong umibis mula sa pagkakadikit nito.
"Okay lang. Kasalanan ko rin naman." Nahihiya kong tugon.
Nang makarating kami sa bahay nila ay halos sigawan siya ng Mama niya dahil sa mga gusot at putik na nakuha namin mula sa pagkakahulog sa bangin. Wala naman siyang nagawa kundi tumawa na lang sa pag aalala ng kanyang nanay.
Wala sa sarili akong napatitig sa bawat kilos niya. Para bang, gustong gusto ko lahat ng mga ginagawa niya?
Hindi ko alam pero.. nakakaramdam ako ng kakaiba.
At ang kakaibang iyon ay hindi ko pa mapapalanganan sa ngayon.
Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko nang mabilis at magkasabay silang bumaling sa'kin. Kita ko ang mabilis na pamumula ng mukha ng batang lalaki at ang kagat dila nitong nanay na ngayon ay patungo na sa gawi ko.
"Mukhang galing pa sa buena familia itong nakana mo, Harper. Sasaktan talaga kita kapag may nakita akong sugat sa mga balat nito." Reklamo niya bago ang iritado niyang mukha ay nagmistulang anghel nang bumaling siya sa'kin nang nakangiti. "Hello, Iha. May masakit ba sa katawan mo?"
Mabilis akong umiling sa tinuran niya at hindi ko maintindihan pero nakaramdam ako ng takot. Marahil ay baka sa ginawa niyang paninigaw sa batang lalaki kanina.
"Sabihin mo lang sa'kin ang masakit at igaganti kita kay Harper." Ani niya bago kami magkasabay na bumaling sa batang lalaking may berdeng mga mata.
Harper. Harper pala ang pangalan niya.
Doon kami nagsimulang maging maglaibigan ni Harper. Mula sa mga araw na palagi kaming nagkakasalubong sa daan, hanggang sa naging magkaibigan kaming dalawa sa dalawang taon na lumipas.