Chapter 50

1002 Words
Saan siya magseselos? Anong ikinaseselos niya? At bakit siya nagseselos? Anong karapatan niyang magselos! Nang dahil sa sinabi ni Harper ay tila ba nabuhay ang dugo ko at hindi na rin ako nagawang dapuan ng pesteng antok. Paano ako magiging active sa class participation mamaya? May nakabinbin pa man din kaming kabi kabilang quizzes sa mga major subjects namin sa klase. Wala sa sarili at tila ba lumulutang ako nang sandaling makapasok ako sa loob ng bus. Nang dahil sa pagkalutang ko ay muntik ko nang malagpasan ang school na tiyak kong dahil sa kukulangan sa tulog o dahil ba sa hindi tamang pagkain sa oras. Hindi ko inaasahan ang biglaang pagsulpot ni Akari sa harapan ko kaya naman halos mapatalon pa ako mula sa paglalakad. Ni hindi ko nga naisip na magkakasalubong pa kami dito sa field. Hindi pa naman ganoon katirik ang araw kaya naman malaya pa kaming magbilad. Ito rin ang nakagisnan kong gawin sa tuwing maglalakad ako sa umaga. Ang sabi nila ay nakakatulong raw ang sikat ng araw sa pagpapalakas ng metablism sa katawan. I'm not sure, though. Nabasa ko lang naman sa kung anong website ang bagay na iyan. "Namumutla ka, Ms. Uson." Ngiti niya bago sumabay ng paglalakad sa'kin. Isang pilit na ngiti ang iginawad ko sa kanya dahil tila ba wala ako sa wisyo upang makipag usap sa mga oras na ito. Kulang ka na nga sa tulog, bibigyan ka pa ng mga bagay na iintindihin mo sa oras ng klase. Ni hindi na nga ako makapag focus sa klase dahil sa patuloy na pag ugong ng boses ni Harper sa tenga ko. Saan siya magseselos? Tang inang 'yan. Kung maka reklamo na nagseselos siya para namang may karapatan siya sa'kin ah? Ni hindi ko na nga siya itinuturing na kaibigan tapos magrereklamo siya na nagseselos siya. Eh wala namman akong ibang nakakasundo sa klase kahit na.. Dahan dahan akong napalingon sa mukha ni Akari na ngayon ay matamis na nakangiti habang tuwid na naglalakad gaya ko. Nang mapansin niya ang titig ko ay marahan siyang lumingon sa'kin at ngumiti. "May problema ba?" Ngiti niyang tanong kasabay ng pagtaas ng kilay dahil sa curiosity. Posible bang.. Mabilis akong nag iwas ng tingin kay Akari at nagmadali sa paglalakad. "Hey! Wait!" Kahit na anong gawin niyang pagtawag ay nagpatuloy lang ako sa paaglalakad hanggang sa nakarating ako sa main building at mabilis na nagtungo sa pathway kung saan ko madadaanan ang silid namin nila Brittany. "Pasensya na, pero kailangan kong umiwas sayo." Pikit mata kong sambit habang nakababa ang tingin sa sahig at abala sa paglalakad. Nang dahil sa paraan ko ng paglalakad ay nauntog ako sa isang katawan na muntik ko nang ikatumba mula sa pagkakatayo. Mabuti na lamang at nagawa kong humawak sa magkabila nitong braso upang kumuha ng lakas at bumalanse sa pagkakatayo. "Are you okay?" Tanong ng pamilyar na titig dahilan upang magtaas ako ng tingin sa kanya. Literal na napatalon ako sa gulat nang makita ko si Harper na kunot noong nakatayo sa harapan ko at tila ba pinagmamasdan ang reaksyon ko. "Namumutla ka, Faience-" Bago pa man niya mahawakan ang mukha ko ay mabilis ko na siyang itinulak patagilid upang makatakbo ako paalis sa harapan niya. Sa malyo at rinig ko ang paulit ulit na pagtatawag ni Akari sa pangalan ko na lihim kong ikinamura sa isip. Hindi naaging maganda ang araw ko sa mga sumunod na oras. Hindi ko alam kung dahil ba 'to sa biglaang pagbuhos ng guilt para kay Akari o dahil ba 'to sa hiyang nararamdaman ko para kay Harper. Hindi ko alam pero nababaliw na ako sa mga pinaparamdam nila sa akin! Alam kong bibisita nanaman sa trabaho ko mamaya si Akari at alam ko rin na magdamag nanamang maghihintay sa pag uwi ko si Harper kaya naman sa halip na pumasok ay naisipan ko na lang na magpaalam kay Mang Rudy na hindi muna papasok ngayon. Ang depensa ko ay umatake nanaman ang sakit ko sa paghinga kaya naman siya na rin ang nagdesisyon na hindi na muna magbubukas sa gabi lalo na at medyo mahina ang benta sa nga oras na iyon. Nagdaan ang mga araw na ganoon na lang ang ginagawa kong paraan upang hindi kami magkasalubong na tatlo sa daan. Lumalabas lang ako ng classroom kapag may kailangan at alam ko sa sarili kong magbabanggaan kaming tatlo sa pathway. Sa loob ng tatlong taon kong pananatili sa school, hindi na bago sa'kin ang pagsaulo sa mga schedule nilang dalawa. Kung tutuusin nga ay hindi naman talaga madadamay sa pag iwas ko si Akari pero yung malaman ko na siya ang dahilan kung bakit biglaang nag confess sa'kin si Harper, nararapat lang na iwasan ko siya dahil ayoko na muling marinig mula sa mga bibig ni Harper kung gaano siyang nagseselos.. pwe! Alam ng lahat kung gaano akong ka-iritable sa kanya tapos magbibitaw siya ng ganoong klase ng salita sa'kin? Hindi ba't parang nakakagago lang? Oo, nakakagago talaga! Inubos ko ang buo kong magdamag para sa pagrereview sa nalalapit naming final exam bukas sa halip na pumasok sa trabaho. Hindi ko na rin pinaglaanan ng oras na mag review sa subject ni Sharon dahil buo na ang desisyon ko na ibagsak ang test niya. Hindi naman sa bobo ako, sa katunayan nga ay madalas ko namang nakukuha lahat ng lectures niya at naiintindihan ko naman lahat bawat description at definitions ng bawat laws. Ako lang naman itong masyadong pabibo at agresibo padating sa kanya kahit na wala na rin naman siyang ginagawa sa'kin. Minsan ay nakikita ko siyang lihim na napapatingin sa'kin at kapag naman sinadya kong salubungin ang tingin niya ay wala naman siyang ibang ginagawa kundi mag iwas ng tingin at tila ba natatakot na makipaglaban ng tingin sa kanya. Wala naman akong ibang ginagawa at nananatili lang naman na tikom ang bibig ko.. unless may gawin siyang labag sa loob ko. At iyon na nga ay ang ipahiya ako sa harap ng klase gaya ng ginagawa niya ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD