Chapter 23

990 Words
Pinanood ko siyang lumapit hanggang sa huminto siya sa mismong harap ko. Taimtim kong pinagmasdan ang cake na inihain niya sa harapan ko bago nag angat ng walang emosyong titig sa kanya. Kita ko ang mahinang pagnginig ng kamay niya dahil sa tulos ng kandila na para bang sumayaw sa hangin, bagay na muli kong tinawanan sa isip. "Alam ng Diyos kung gaano kitang hinahangaan. Mahal na mahal kita, Faience. Happy Birthday, Anak.." pabulong niyang sambit sa nahuling salita. Dahan dahang umarko ang kilay ko sa salitang narinig sa kanya ngunit ginawa ko ang lahat upang maglapat lang ito, bagay na sobrang hirap palang pigilan. Alam mo ba yung feeling na, pinipigilan mo ang isang bagay na maipakita kahit na alam mo sa sarili mong tila ba gustong gusto mo itong maipakita sa lahat at lalong lalo na sa taong pinaglalaanan mo nito. Nakaka urat. "Kailan pa kita naging nanay, Sharon?" Usal ko sa isip bago sarkastikong nangiti na ikinagitla niya. Napahalukipkip ako mula sa pagkakatayo at natutuwa siyang pinagmasdan na tila ba isang tupa na bumabaluktot mula sa pagkakatayo. Habang tumatagal ang sandali, mas lalo lamang siyang nagbababa ng tingin sa harapan ko. Ramdam ko ang pagdikit at pagyapos ni Daddy sa likod niya dahilan upang mapatingala siya dito. Nakakadiri kayong pareho. Mga imoral. Bago pa man magsalita si Daddy ay nauna na akong magsalita. Alam kong papagalitan niya ako sa tinuran kong tila ba nagmukhang sarkastiko kaya naman bago pa man siya magalit, nagawa ko na siyang unahan. "Salamat, Tita Sharon." Matamis na ngiti ko kahit na alam kong masusuka din ako mamaya.  Alam kong nagulat siya sa sinambit ko kaya naman nang matapos na siyang tunawin sa bituka niya ang mga milagrong salita na sinambit ko ay nagawa niya nang mangiti sa tinuran ko. Oo, palabas lang naman ang lahat ng ito. Ito na ang una't huling beses na maririnig mong tatawagin kita ng may respeto sa pangalan mo dahil kapag natapos ang araw na ito.. hinding hindi niyo na ako magagawang hawakan, kahit na sino sa inyong dalawa. Ito ang edad na pinakahihintay ko, ang maging legal sa harap ng maraming tao at sa mga dokumentong parang kailan lang ay ginagamit pa nilang panakot sa'kin. Well, hindi niyo na magagaea iyon dahil may karapatan na akong mamili ng para sa sarili ko. At ang pipiliin kong iyon ay ang kalayanan mula sa kamay niyo na matagal ko nang inaasam. Simula nang mamatay si Mama, marami akong bagay na natutunan. Lahat ng bagay na ipinakita at itinuro sa'kin ni Mama, dala dala ko ngayon at magpa hanggang ngayon ay isinasapuso ko dahil darating ang arae na magkakaroon ako ng karapatang mamili, at ang araw na iyon ay.. ngayon na mismo. "Make a wish, Courtney." Sambit niya na ikinangiti ni Daddy. Courtney?  Ngayon ko lang naisip at narinig na medyo malaswa pala para sa tenga ng isang tao ang pangalang iyon. At saka anong karapatang niyang tawagin ako sa pangalang hindi si Mama ang nagbigay. Courtney? Pwes, hindi ako ang Courtney na inaasahan niyong susundin kayo at mahahalin kayo gaya ng ginawa at ipinaramdam ko kay Mama. Dahil para sa'kin.. iisa lang ang taong itinuturing kong magulang at si Mama ang taong iyon. Oo, mahal ko naman si Daddy. Pero naisip ko na habang tumatagal ang panahon.. mas lalo ko lang naiisip na.. kung gaanong tumatabang ang paglalambing niya kay Mama, doon na rin mas lalong tumatabang ang pagmamahal ko sa kanya bilang ama.  Hindi deserve ni Mama ang isang tulad niya at mas lalo namang hindi niya rin deserve ang pagmamahal ko sa kanya bilang isang anak. Sa halip na dibdibin ang binanggit na pangalan ni Tita Sharon at sa halip na ipakita sa kanyang labis labis na ang pait na nararamdaman ko sa mga ipinapakita niya ngayong araw, naisip ko na lamang na baliwalain iyon. Dahan dahan kong ipinikit ang mga mata ko at nakangiting humiling sa langit na sana ay bigyan ng pagkakataong maging totoo ang mga hinihiling ko. Minsan kasi ay kung ano ang hiniling ko sa kanya, yun pa ang hindi ibinibigay. Hiniling ko sa Diyos na sana bigyan pa niya ako ng pagkakataong makasama pa ng matagal ang Mama ko, pero wala siyang ibang ginawa kundi magbingi bingihan sa mga hiling ko. At sa halip na si Tita Sharon ang inuna niyang bawiin, ang tunay ko paang nanay at ang nagsilbi kong kaibigan sa matagal na panahon ang naisipan niyang bawiin. Ang unfair lang. Ang unfair ng mundo sa'kin. Ang unfair ng Diyos sa'kin. Naging masama ba ako sayo at bakit kung magparusa ka ay ganito na lang? Naging masama ba ako sa dati kong buhay at ganito ang iniwan mong pamilya sa'kin? Anong nagawa kong masama na ikinagalit mo at nagawa mo kaming paghiwalayin ng Mama ko? Sabihin mo sa'kin, anong nagawa konb mali na naging sanhi para parusahan mo ako ng ganito kalala? Sana sa susunod na magmulat ako ng mata, ang mukha na ni Mama ang nakasilip sa mukha ko. Kahit na pahintulutan niyo lang siyang bumaba rito para lang batiin ako sa kaarawan ko dahil iyon ang naging pangarap ko sa matagal na panahon.. iyon ang pinanghahawakan kong kahilingan maagpasa hanggang ngayon. Nang magmulat ako ay ang nakangiting mukha na ni Tita Sharon ang bumungad sa mga mata ko. Ipinakita ko sa kanya ang pagbagsak ng nga balikat ko sa nasaksihan at ang dismayang nararamdaman ko sa ngayon. Lord, si Mama ang hiniling ko.. pero bakit siya ang nandito? Sumpa ba ito? "Anong hiniling mo, Anak?" Tanong niya habang bakas pa rin sa mga labi ang pagkakangiti. Maging ang mga bisita ay nakatingin sa gawi namin at tila ba hinihintay ang sasabihin ko. Isang ngiti ang pinakawalan ko na mas lalo nilang ikinangiti ni Daddy. Feeling niyo ba matatanggap ko kayong dalawa sa buhay ko? Never! "Gusto mo bang malaman kung anong hiniling ko?" Ngiti kong tanong na sunod sunod nilang tinanguan ni Daddy. Hiniling ko.. na.. sana..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD