Chapter 13

1010 Words
Naging maayos naman ang dalawang taon naming pagkakaibigan. Siyam na taong gulang na siya habang ako naman ay walong taong gulang pa lang. Madalas kaming mamasyal sa mga talampas na siya mismo ang nakakadiskubre. Marami kaming bagay na naoobserbahan nang magkasama. Madalas kaming magpalipas ng oras sa mga bukid na nadadaanan namin habang magkasabay kaming nagbibisikleta. Siya rin ang nagpakita sa'kin ng iba't ibang mga bagay na ngayon ko lang nadidiskubre. Maging nga ang mga kubong nagsisilbing pahingahan ng mga magsasaka ay tinutuluyan rin naman upang panandaliang makisilong. "Taong bahay ka lang, Faience?" Tanong niya bago uminom sa tumbler na kanina niya pa pinaglalaruan. Inabot kami ng katirikan ng araw sa pagbibisikleta at pamamasyal. Habang tumatagal ang panahon at dumarami ang mga tao rito sa mundo, painit na ng painit ang temperatura ng mundo. Nababawasan at bahagya nang numinipis ang ozone layer na nagpo-protekta sa'tin sa nakakasakit na sinag ng araw kaya naman tayo rin ang nahihirapan ngayon. Nakakatawa lang. Binabawi na sa atin ang mga bagay dati na tayo rin lang naman ang may kasalanan kung bakit nagkaka ganito ang daigdig.  "Oo." Nahihiya kong sagot na marahan niyang tinawanan. Isa sa mga bagay na ikinatutuwa ko kay Harper ay ang paraan nito ng pagtawa. Yung tipong para bang hinihika na hindi mo maintindihan kung umuubo ba talaga o tumatawa. Ewan ko ba. "Minsan nakakatuwa ring maging taong bahay, Faience." Sambit niya dahilan upang mapalingon ako sa kanya. Prente niyang pinagmamasdan ang malaeak na kapatagan sa harap namin. May iilan kaming nakita na magsasaka na balot na balot ang buong katawan at abala pa rin sa pagsasaka at pagtatanim ng mga palay. "Paano mo nasabi?" Nguso ko dahilan upang magbaba siya ng tingin sa'kin at ngumiti nang hindi ko inaasahan. "Kapag nasa bahay ka, malayo ka sa kutsya ng iba. Malayo ka sa diskriminasyon. Malayo ka sa mga bullying. Malayo ka sa mga bagay na alam mong ikakasakit mo." Dagdag niya na mabilis kong nakuha. Matagal na niyang naikwento sa akin na madalas siyang apihin nang dahil sa mga berde niyang mga mata. Minsan ko na ring nakita ang mga mata ng Mama niya at maging ang Papa niya. Lahat ng mga mata nila ay pinaghalong itim lang at kayumanggi. Kaya naman ang magkaroon ka ng mga matang alam mong kakaiba na hindi mo alam kung saan nga ba nanggaling, alam mo sa sarili mong makakarinig ka ng mga masasakit na sa salitang galing sa ibang taong nakakasalamuha mo. I mean, hindi na bago sa mundo natin ang nagkatoon ng mga taong nandiyan lang sa tabi mo, hindi para tulungan ko pero hihilahin ka lang pababa.  Wala silang ibang ginagawa kundi manira ng puri ng ibang tao, punahin ang kakaiba sa mga ito. Maging nga ang kulay ng balat ay nagagawa nilang ihiwalay. Nakalimutan kong banggitin nung una pa lang na, karamihan sa mga taong nakakasalamuha natin sa pang araw araw, mga perfectionist na. Hindi ko alam kung tama bang tawagin silang perfectionist, mapanghusga o mas tama bang tawagin na lang silang mga labandera. Hindi ba't ugali naman ng isang labandera ang ipinapakita nila? Madalas ko silang marinig na humuhuni sa kung saan. Para silang mga bubuyog na panay sa paniningin sa gawi namin ni Harper sa tuwing dumadaan kaming dalawa sa talipapaan. "Ang ganda ng mga mata niya. Siguro may lahi siyang Amerikano?" Hagikgik ng mga tinderang napapatingin sa gawi namin. Nang sandaling bumaling ako kay Harper ay nakababa na ang tingin nito sa lupa. Nang maramdaman niya ang titig ko ay mabilis niyang pinakitan ng ngiti ang lungkot na bumabalot sa kanya kanina. Ito ang mga bagay na hinahangaan ko kay Harper sa tuwing magkakasama kaming dalawa. Kaya niyang baguhin ang ekspresyon niya kapag nakikita niyang may umaaral sa emosyon niya gaya ng ginagawa kong pagmamasid sa bawat pagpapalit niya. Ewan ko ba sa mga tindera dito sa talipapaan at sa mga taong nakakasalubong namin. Like, hello?  Minsan ka na nga lang pumuri, may kasama pang diskriminasyon. Minsan ka na nga lang lumabas ng bahay, kung makatitig naman sayo sa tuwing magkakasalubong kayo ay parang gulat na gulat naman. Minsan ka lang bang makakita ng tao, Ate? Baka naman gusto mong makita ang kagandahan ko? May libre akong trip to house kasama si Tita Sharon. Take home mo na rin si Tita Sharon kung gusto mo, 'no? Si Harper ang naging sandigan ko sa tuwing may problema ako. Ako rin ang nakakausap niya sa tuwing may problema siya. Minsan ko na ring nakitang bumuhos ang mga luha niya nang masaksihan ko ang pinaka malagim na aksidenteng kinaharap niya nung sampung taong gulang na kami. Galing kami sa bukid ni Harper no'n at pasado alas sais na nang makarating sa bahay nila. Hindi rin kasi biro that time ang inutos ng Papa ni Harper saming dalawa lalo na at sa kabilang bayan pa kami nagtungo gamit lamang ang tig isa naming bisikleta. Saksi ako sa kabi kabilang sakit na nararanasan ng mga taong nasa paligid ko, kabilang na roon ang pag iyak at paghagulgol. Ngunit masasabi at ramdam ko ang hinanakit ni Harper sa sarili niya nang makita namin ang kumpulan ng mga tao sa harap mismo ng bahay nila na tinutupok na ng malaking apoy ngayon. Nagkaroon ng sunog sa katabing bahay nila at hindi inaasahang madadamay ang bahay nila, kabilang sa mga natupok na gamit ay ang labi ng dalawang taong alam kong importante sa puso ni Harper. Alam kong lubos ang paninisi ni Harper sa sarili niya dahil sa nangyari sa mga magulang niya. Kung bakit naman kasi sa sobrang dami ng pagkakataong at sa dinami dami ng araw na palagi kaming nakatambay sa bahay nila, bakit ngayon pa? Alam kong may plano ang Diyos para kay Harper at sa mga magulang niya na ngayon ay nasa langit na. Kahit na naaawa ako sa kanya, tanging ang ipagdasal na lang siya ang tangi kong paraan upang kahit papaano ay makatulong sa kanya. Dahil alam ko ang pakiramdam ng taong pinapabayaan na lang. Although kumpleto pa naman ang parents ko, pero sa loob ko.. may kakaiba na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD