Kapag may problema ka, wala ka nang ibang aasahan kundi ang sarili mo. Wala kang ibang hihingian ng tulong kundi ang sarili mo.
Ganoon naman talaga, hindi ba?
Hindi na rin ako magtataka kung bakit marami anag nagdedesisyon na magpatiwakal nang dahil sa isang problema. Kapag naman naisip mong mag-share at humingi ng tulong sa iba, wala silang ibang ginagawa kundi kumuda nang kumuda kung gaano ka raw kahina, kung gaano ka ka-inarte, kung gaano ka-bobo sa isang bagay.
People nowadays. Sobrang pangit ng gawain at paniniwala niyo. Hindi kayo masarap ka-bonding, promise.
Hindi mo rin masisisi yung iba kapag nagagawa nilang maglihim ng saloobin nila. May iba kasing natatakot na magsabi o kaya naman ay nahihiyang mag share sa iba. Sa halip kasi na tulungan ka, pagtatawanan ka. Sa halip kasi na damayan ka, iinsultuhin ka pa.
Ang sabi nila, ang depression daw ay gawa lang ng tao.
Oo, actually gawa lang siya ng tao.
Pero ito ang sasabihin ko, ha?
Ang definition niyan ay gawa lang ng isang tao, gawa ng isang matalinong tao.
PERO
Pero ang sakit at pagkalitong dala niyan ay hindi lang basta gawa ng tao.
Uulitin ko ha.. para malinaw.
Ang definition ng depression ay gawa lang ng tao, pero ibang usapan na ang pagkalito at pagka balisang dala nito. Maraming nagsasabi na kalokohan lang ang bagay na iyan. Na kalokohan lang para sa iba ang pagpapatiwakal nang dahil sa sakit na iyan.
'Yan ang pahayag ng mga taong kulang sa karunungan pagdating sa usapang may kinalaman sa kalusugang pang mental.
Gawa gawa?
Marami sa atin ang nakakaranas ng sakit na katulad nito. Or, sakit nga ba ito? Nakakalito hindi ba?
Basta ang alam ko lang ay ang bagay na ito ay hindi ginagawang biro at nila-Lang na lang. Importante ang pagiging matiwasay ng pag iisip natin sa lahat ng bagay.
Ang labis na pag iisip sa maraming bagay ay nauuwi sa pagkakaroon ng anxiety o mas tama bang sabihin na pwede itong mauwi sa labis na pagkabalisa. At alam niyo ba ang nagiging epekto ng pagkabalisa sa isang tao?
Nakaka apekto at labis na nakaka apekto ang pagkabalisa sa araw araw na gawain ng isang tao. Bawat paglalakad mo ay natatakot ka sa maaaring mangyari sayo sa daan. Bawat pagnguya mo ay may karamoatang takot dahil naiisip mo na paano kung mamatay at mabulunan ka nang dahil sa pagkaing kinakain mo ngayon.
At ang pagkabalisa na tinutukoy ko ay maaaring mauwi sa depression. Mahihirapan kang makisama sa lahat ng taong nakakasalamuha mo sa oang araw araw. Bawat paglalakad mo ay natatakot ka. Ito rin yung cycle na para bang nagagawa mong ngumiti at tumawa sa harap ng iba pero pagdating sa loob ng kwarto at naisip mong mag isa ka lang.. dito mo na unti unting nararamdaman ang pagsipa ng epekto nito sa utak mo.
May nagmamahal nga ba sa'kin? Malamang, wala. May maghahanap ba sa akin sa oras na mawala ako sa paningin niyong lahat? Marahil ay wala.
Ito ang mga tanong na kadalasang pumapasok sa pag iisip ng isang taong nawawalan ng pag asang mabuhay sa mundo.
Sino nga bang gaganang mabuhay sa isang mundong hindi perpekto at walang permanente?
Lahat ng bagay sa mundong ito ay may limitasyon. Pera, alahas, kapangyarihan sa gobyerno at mas lalong lalo na ang buhay.
Ang buhay na paulit ulit kong sinasabi sa buong kabanata na ipinahiram lang sa atin at kailangan nating ibalik nang may pag iingat, although mamamatay ka ng may bitbit na sakit sa puso mo.
Tahimik lamang akong nakaupo sa gilid ng puno kung saan nakahilig ako sa malaking ugat nito na pwedeng paghigaan.
Malamyos ang ihip ng hangin mula sa parang na lihim kong ikinangingiti kahit na kung ano anong mga bagay na ang tumatakbo sa isip ko.
What if..
What if kuhanin ko ang sarili kong buhay ngayon? Paano kung maisipan ko na lang na magpakamatay upang makaalis at makatakas na sa mga problema kong ito?
Magagawa kaya nila akong isipin? Pakiramdam ko kasi ay mag isa na lang akong lumalaban sa buhay ngayon.
Wala na si Harper, wala na si Mama, wala na si Daddy, wala na silang lahat.
Hindi ko na rin magawang lapitan si Mapple dahil tiyak kong busy siya ngayon sa pag aaral.
Madalas naman kaming magkita sa campus pero madalang lang kaming magpansinan dahil may kasama siyang iba.
Ganon rin naman si Aling Susan na nagiging busy na yata sa ibang bagay. Nalulungkot na nga lang ako sa tuwing maaalala kong hindi niya man lang binigyan ng pagkakataon si Mang Rudy na patunayan sa kanya kung gaano siya nitong kamahal.
At siyempre, isang basted lang kay Mang Rudy ay nawalan na siya ng ganang maghabol sa kanya. Siya na rin yata ang nagdesisyon na isarado na muna pansamantala ang negosyo niya dahil tuluyan na siyang nawalan ng pag asa.
Isa rin ito sa mga dahilan kung bakit mag isa ko na lang na itinataguyod ang sarili ko sa pamamagitan ng pagnanakaw ng mga ptaka sa talipapa.
Kung alam ko lang na titigil na sa pagnenegosyo si Mang Rudy, edi sana ay nagpatuloy na lang ako sa pag iipon at pagpasok at tuluyan nang binalewala ang paulit ulit na pagbisita ni Harper at Akari sa shop na lihim ko pang ikinakahiya sa tuwing magkakasalubong kaming tatlo.
Tahimik ko lang na iniyuko ang ulo ko sa mga tihod at doon tahimik na umiyak upang ibuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko mula sa sagutan namin ni Sharon kanina.
Hindi ko alam kung saan ba nagmumula ang sakit na ito gayong para sa kanya lang naman lahat ng mga salitang binitiwan ko.
Patama rin ba ito sa sarili ko?
Tahimik rito sa pinakadulo at tagong bahagi ng school garden kaya naman dito ko naisipang magtago at naglabas ng luha.
Ang akala ko ay magiging tahimik na akong makakapag isip ng nga problema ko sa ngayon pero agad akong napabalikwas sa pagkakayuko nang marinig ko ang isang boses di kalayuan sa kinauupuan ko.