Kahit na ulit ulitin ni Mama na hindi magiging kabit ni Daddy si Tita Sharon, hindi ko pa rin kayang maniwala.
Hindi ba paglalandi para kay Mama ang magyakapan? Nang nakaharap siya? Naglalambingan? Sa mismong harap niya?
Ano nga ba ang tunay na depinisyon ni Mama sa pagiging malandi ng isang babae? Alam ko naman na nag aral si Mama. Nagkaroon siya ng disenteng trabaho at kabi kabila ang mga awards at medalya na nakukuha niya sa trabaho na maging sa eskwelahan ay inabot niya.
Kaya naman napaka imposibleng malaman mula sa kanya na maging siya ay hindi naniniwala sa paglalandian ng dalawa.
Kilala ko ang ugali ni Mama, kaya niyang magbulag bulagan kung ang ikabubuti ko lang naman ang pag uusapan.. pero magandang bagay nga ba ito para sa'kin?
May mabuti bang maidudulot ang pagtatago ng mga ganutong kontrobersyal na bagay para sa isang anim na taong gulang na batang kagaya ko.
Oo. Masyado pa akong bata para sa mga ganitong klase ng bagay pero.. hindi naman sapat na dahilan ang maglihim at magbulag bulagan na lang sa isang kasakiman ng minamahal mo kahit na nagagawa ka na niyang saktan hindi ba?
Hindi na pagiging mabuti ang tawag doon eh, mas lalong hindi pagbubulag bulagan at mas lalong hindi pagiging mabuting ina.
Pagiging martyr ang tawag sa bagay na iyon at hindi nakakabuti sa isang tao iyon. Hindi nagiging mabuti para sa isang katulad ni Mama ang bagay na iyon.
At hindi ko tin hahayaang masaktan si Mama nang dahil sa pagtataksil ng Daddy ko at ng babaeng minsan ko lang na nakilala sa tanan ng buhay ko.
Ninang? Ninang na ba ang panibagong tawag sa mga babarbg kumakalantaryo ng lalaking alam niyang may anak at pamilya na?
Ninang na ba ang tawag sa kabit?
Kasi kung oo, mas mabuti pang sa simula pa lang ay itakwil ko na siya.
Kahit ilang beses na sabihin ni Mama na imposible lahat ng naiisip ko, hindi ko pa rin naiwasang mangamba.. hindi para sa sarili ko kundi para sa taong minamahal ko.
At si Mama ang taong iyon.
Magagawa mo bang manakit ng damdamin ng isang tao lalo na kung alam mo sa satiri mong mahal siya ng taong importante sayo?
Magagawa mo bang sikmurain na may isang babarng nalulugmok sa kalungkutan nang dahil sa pagiging masaya mo?
Para sa pinakamaganda at angkop na katanungan para sa mga kabit d'yan..
Magagawa mo bang maging masaya kahit na may unti unting nang namamatay nang dahil sa mga ngiti mo? Nasisikmura mo? Ang tanong, may konsensya ka ba kahit na papaano?
Dito na unti unting lumalabo ang mataas na tingin ko dati kay Tita Sharon. Parang kailan lang ay paunti unti na kitang natatanggap, pero sa loob ng halos kalahating taon kong pakikisama sayo at pakikisama mo sa pamilya namin.. unti unti kong nakikita ang tunay mong ugali.
Hindi ka bumabawi sa'kin. Like, hello? Faience, nung una pa lang sinabi ko na sayo na may naaamoy akong kakaiba sa babaeng iyan pero anong ginawa mo?
Nagawa mong tumanggap ng mga regalong galing sa kanya kahit na alam mo sa sarili mong hindi ikaw ang binabawi niyan.
Wala siyang binabawi sayo dahil may isang bagay siyang palihim niyang kinukuha sayo. Isang bagay na alam niyang pagmamay ari mo..
At ang bagay na iyon ay ang Daddy mo.
Naging masama ang titig ko sa garapon ng gamot na nakita kong nakakalat sa kwarto ni Mama. Nakita ko itong walang laman, walang label at kahit na anong papel na nakadikit sa labas nito ay wala akong nakita.
Tila ba sinadyang hindi lagyan ng pananda dahil para bang may itinatagong kung ano.
At ang bagay na iyon ay hindi ko mahihinuha muna sa ngayon.
Natigil ako sa paninitig sa garapon nang makarinig ako ng magkakasunod na yapak patungo kung saan ako nakaupo.
Bakas pa lang at tunog ng swelas nito ay halata mo na kung sino ang pesteng papalapit sa gawi ko.
"Goodmorning, Baby Girl." Bati niya bago bumeso sa'kin.
Kalahating taon na ang nakalipas simula nang dumating siya sa buhay ko. At kalahating taon na rin akong nakikiplastik sa lahat ng ginagawa niya.
Alam kong ganoon rin siya sa'kin kaya naman sa halip na magpakainggrata ay nagagawa niya namang kumilos ng normal.
Dapat lang dahil nasa pamamahay namin siya.
Anim na buwan lang ang idinagdag ng buhay ko pero para bang nagmature na ang lahat kahit na six months ko pa lang siyang nakakasama sa bahay.
Ganon naman talaga siguro di ba?
Magmamatured ka sa buhay kung may kasama kang isip bata.
Matututunan mong mag isip ng tama kapag alam mo sa sarili mong may mali sa bawat galaw ng mga taong nasa paligid mo.
At iyon ang naging dahilan upang maging tahimik ako sa buhay.
"Three days kaming mawawala ng Daddy mo dahil may business meeting kami sa Tagaytay. Gusto mo bang sumama?" Maaliwalas niyang tanong.
Pinanood ko siyang prenteng umupo sa sofang kaharap ko at pumiraso ng tinapay na nakalapag sa mesa. Maging ang pagnguya niya ay may halong arte na palihim kong inirapan.
Sa halip na sagutin siya ay ibang tanong ang sumagi sa isip ko.
"Nagpaalam ka na po ba kay Mama, Tita?" Tanong ko habang pinagmamasdan siya.
Kung dati ay para ba siyang nasasaktan sa mga inosente kong patutsada sa kanya, ngayon naman ay parang wala ng epekto sa kanya lahat ng patutsada ko kahit na may kahulugan na iyon para sa'kin.
Kung kelan mo natutinang maging titoo, saka naman naging plastik lahat ng taong nakapaligid sayo. Nakakagago lang, promise.
Walang reaksyon ang mukha niya ngunit kahit papaano ay nakikuta at nababakas ko doon ang sakit mula sa mga salitang, as usual, lumabas sa bibig ko na alam kong hindi niya inaasahan.
"Hindi mo na rin siguro kailangang magpaalam sa mga bagay na alam mo namang may karapatan ka, hindi ba?" Ngiti niya bago naglaho iyon at prente nang tumayo bitbit ang tinapay na pinipiraso niya kanina.
Karapatan?
Anong karapatan ang sinasabi niya?
Ang pagiging magpinsan ba nilang dalawa ni Mama?