"Ms. Uson, stand up." Seryosong utos niya dahilan upang tatamad tamad kong binuhat ang sarili at gaya nga ng sinabi niya ay tumayo ako.
Ngayon ang nakatakdang petsa kung saan ibabalik sa amin ang mga papel na sinagutan namin noong nakaraang linggo.
"Goodmorning, Maam!" Sigaw ni Brittany dahilan upang mapabaling sa kanya ang atensyon ng mga kaklase namin.
Pwera sa aming dalawa ng babaeng halos kahawig ko na sa tuwing lilipas ang panahon. Para bang kapag lalong tumatagal ang panahon, mas lalo kong nakikita ang sarili ko sa kanya.
Hindi ko alam pero kinikilabutan ako sa tuwing maiisip kong malaki ang pagkakapareho naming dalawa.
Yung makita ko pa nga lang siya na unti unti kong nagiging kahawig ay ikinakataas na ng mga balahibo ko, yung maging nanay ko pa kaya siya?
No f*****g way!
Alam ng Diyos kung gaano ko siyang kinasusuklaman sa pagsira sa napaka gandang relasyon ng mga magulang ko. Siya ang dahilan kung bakit nasira ang pamikyang pinapangarap at hinahangad naming dalawa ni Mama simula pa nung una.
Simula nang makita ko siya, simula nang makilala ko siya, simula nang dumating siya sa buhay namin, simula nang tumira siya sa bahay at sirain ang pagsasama nila Mama at ni Daddy.. doon ko lang narealize na walang nagtatagal sa isang relasyon kasal man kayo o hindi kung may isang makapal ang mukhang ahas na nagbabalot bilang isang tao.
Ang kapal ng mukha niyang makisama pa sa pagsasama namin.
Yung palagi siyang nagpapasama kay Daddy sa bawat lakad niya ay nagawa kong tanggapin kahit na nabuburyo na ang kaiisip ko sa kanilang dalawa nung mga panahong halos magdamag silang hindi umuuwi sa bahay. Yung pagdadala niya sa'kin nung mga panahong tatlo kaming umaalis nila Daddy at tanging si Mama lang ang iniiwang mag isa sa bahay ay nagawa kong unti unting tanggapin.
Pero yung makuha niya na ang lahat ng bagay na maging ang taong importante saming dalawa ni Mama ay hindi ko makakayang lunukin at tanggapin na lang basta basta.
Kahit na nawala na si Mama ay hinding hindi ako mahuhulog sa patibong niyang pati ako ay may binabalak siyang nakawin.
Pwes, hinding hindi ko siya bibigyan ng pagkakataong maisakatuparan ang mini-mithi niyang iyon.
"Gusto ko lang namang magkaroon ng isang simple at kumpletong pamilya." Sambit ni Mama habang abala sa pagsusuklay sa mahaba kong buhok.
Nakasandal ang likod ko sa mga hita niya at prenteng nakaupo sa sahig habang siya naman ay sa sofa nakaupo at abala sa pagsusuklay sa malambot kong mga buhok na alagang alaga niya nung mga panahong iyon.
Inosente akong nag angat ng tingin sa kanya na bahagya niyang ikinangiti at yumuko upang maglevel ang tinginan naming dalawa.
"Kayong dalawa ng Daddy mo ang nagpa kumpleto sa buhay kong unti unting nadudurog simula nang mawala silang dalawa." Dagdag niya pa na nagpa isip sa'kin.
Sinong sila?
"Sobra sobra po ba ang pagmamahal mo kay Daddy, Mama?" Inosente kong tanong ngunit may bakas ng pagkakangiti sa tanong na naisip ko.
Bahagya siyang napaisip sa tanong ko bago nagdesisyong tumango ng pilit at ngumiti sa akin uoang ipakita lang na maayos lang ang pagkakatanong ko.
"Sobrang mahal ko ang Daddy mo, Faience. Para ko na rin siyang kapatid."
Hindi ko alam pero para bang may mali sa mga sinasabi ni Mama.
Para mo na siyang kapatid pero ikinasal kayong dalawa at nakatira sa iisang bahay?
Nakakalito, hindi ba?
"Habang tumatagal ang panahon na magkasama kaming dalawa, mas lalo ko lang napapatunayan sa sarili ko na tama lang ang naging desisyon ni Sharon. Nagkaroon ako ng pagkakataong makaranas ng isang kumpletong pamilya.. kahit na ako ang linyang nakaharang sa inyong tatlo."
Hindi ko alam pero ang nga katagang iyan ni Mama ang tila ba bumaon sa isip ko na magpa hanggang ngayon ay wala pa ring sagot sa mga tanong na iniwan niya.
Saksi ako sa kung paanong ipinakita at ipinaramdam ni Daddy ang pag aalaga at labis na pagmamahal kay Mama. Okay naman ang pagsasama nila kung hindi lang dumating sa buhay namin si Sharon.
Simula nang dumating siya, tuluyan nang nawalan ng oras saming dalawa ni Mama si Daddy. Mas lalo lang rin na naglaho at tuluyang nawala ang respeto ko sa kanilang dalawa nang makaamoy ako ng isang masangsang na amoy na tiyak kong nanggagaling sa relasyon nilang dalawa.
Yung pasikreto nilang pagmamahalan na itinago nila kay Mama ay labis kong ipinagda-dalamhati. Mas masakit rin para sa side ko kung paano silang maglandian sa mismong harap pa ni Mama.
Kung ikaw ang tatanungin at kung ikaw ang nasa kalagayan ko, magagawa mo bang mapatawad ang dalawang taong nagtaksil sa pinaka pinapahalagahan mong tao sa buhay?
Na nang dahil sa pagdadalamhati ay nagkaroon siya ng sakit. Na hindi niyo man lang nagawang tanungin kung ayos lang ba siya dahil naging abala kayong dalawa sa pansarili niyong kaligayahan?
Hindi di ba?
Yung sayang nakikita ko sa mga mata niya nung silang dalawa pa ni Daddy ang magkasama, hindi ko na iyon muling nasilayan nang makita at malaman niya ang relasyon nilang dalawa ni Sharon.
Hindi ko alam pero magpasa hanggang ngayon ay bitbit ko pa rin ang galit na naririto sa puso ko para sa kanilang dalawa.
Alam kong alam na ni Daddy kung nasaan ako ngayon dahil narito na sa harap ko at malayang nagpapalabuy laboy sa harapan ko ang pinakamamahal niyang asawa.
Ang babeng pinagpalit niya saming dalawa ni Mama na halos walong taon niya rin namang nakasama sa buhay.
Ganon siguro talaga ang cycle ng relasyon di ba?
O, ganon rin naman ang kahihitnan ng pagsasama ng mag asawa lalo na kung may dumating na inggrata sa buhay nilang dalawa.
Labis ang naging panglulumo ko sa desisyon ni Daddy.
Nagawa lang naman niyang ipagpalit ang walong taon na masaya naming pagsasama para lang sa dalawang taon niyang babae na bihira at noon niya lang nakita.
Sobra ang sakit na pinalasap niya saming dalawa na Mama.. na kahit tumagal pa ang napakatagal na panahon, hinding hindi ko na siya magagawang mapatawad pa.