Chapter 10

989 Words
Daglian kaming napalingon sa likod ko at halos magkasabay na napaawang ang bibig namin ni Mama nang makita namin si Tita Sharon na namumutla at animong ginulat dahil sa ekspresyon ng mukha niya ngayon. Nakaangat ang palad niya sa ere at halos mapaawang ang bibig ko nang makita ko itong may hiwa at naliligo sa dugo. Sa ibaba at paanan niya ay nagkalat ang maliliit na bubog at nagkalat ang pinong pulbos nito sa sahig na kung hindi niya magagawang linisin ng agaran ay baka masugatan pa siya. "Sharon!" Pag alingawngaw ng boses ni Daddy bago tumakbo sa gawi ni Tita Sharon. Humaplos ang kaliwa niyang palad sa likod ni Tita Sharon habang ang kanan naman ay nakahawak sa kanan nitong braso kung saan siya may sugat. Nang sandaling suriin ito ni Daddy ay dun ko lang napansin ang panginginig ng kamay niya marahil siguro sa hapding unti unti niyang nararamdaman sa kalamnan niya. "Hindi ka nag iingat, Sharon!" Reklamo ni Daddy bago dumampot ng panyo na hindi ko man lang nakita kung saan niya nadampot dahil natuon ang atensyon ko sa ginagawa niya kay Tita Sharon. "Masakit pa ba? Ipapatahi na ba natin? Gusto mo bang dalhin na kita sa ospital?" Mas kinakailan, madaling maburyo sa nga simpleng bagay itong si Daddy. Letche! Para lang sa isang simple ngunit malalim na sugat, nagpapaka buryo siya. "O-Okay lang ako, Orlan.." mahina niyang sambit habang panay pa rin sa panginginig. Kita ko ang mga mata niyang tila ba nanunubig. Well. Sino nga bang hindi maiiyak sa kirot kapag nasugatan ka sa palad dahil sa katangahan mo? Yan ang iniisip ko ngayong malaki ang galit ko kay Tita Sharon pero.. Mabilis akong naglakad patungo sa kanya na mabilis rin naman niya akong itinulak. Hindi naman sa tulak na para bang may galit siya. Marahan lang ang pagkakatulak niya sa'kin na para bang sinasabi niyang wag akong lalapit sa gawi nila dahil naroon pa rin ang mga bubog sa sahig. "Ayos lang po ba kayo, Tita?" Inosente kong tanong habang nagpapalit ang tingin sa kamay niyang patuloy pa rin sa pagdudugo at sa mukha nitong tila ba namumutla. "Masakit pa po ba?" Malamang. Nonsense ka namang magtanong, Faience. Nonsense kang bata ka. Bahagya silang nagkatinginan ni Daddy bago muling lumingon sa'kin at magkakasunod na tumango sa tanong ko. Kita ko ang pagkislap ng tubig sa gilid ng mata niya bago ko napansin ang mabilis na pagdaloy ng luha na nanggagaling sa mga mata nito. Lumipas ang mga araw na naging ganoon ang set up. Madalas na magkasama si Daddy at Tita Sharon habang si Mama naman ay naiiwan sa bahay kasama ko while doing household chores.  Alam kong mali dahil sa halip na si Mama at si Daddy ang magkasama ay si Daddy at si Tita Sharon ang madalas kong makita na magkasama. Minsan ay hindi ko rin sila inaasahang makikitang abala sa.. ano nga bang tawag sa bagay na iyon? Paglalampungan ba? "D-Daddy?" Tawag ko. Mukhang naistorbo ko pa silang dalawa sa pagkikilitian sa sofa. Nakahiga sa sofa si Daddy habang si Tita Sharon naman ay nakapaibabaw sa kanya. Oo. Naglalampungan sila sa mismong bahay namin. Ni hindi ko nga makuha kung bakit palaging nandito si Tita Sharon. Oo. Alam kong bumabawi siya sa'kin dahil nga sa marami siyang taon na sinayang sa halip na magkasama kaming dalawa. Ni hindi ko nga makuha ang ipinupunto nilang dalawa ni Daddy eh. Bakit kailangan pang bumawi? Paulit ulit rin nilang sinasabi na marami silang pagkukulang na dalawa sa'kin. Ni ako nga na bata ay hindi alam kung anong ipinupunto nila. Wala namang problema sa'kin kung bumawi sila.. ang sa'kin lang, ilugar naman sana nilang dalawa ang araw araw nilang pagsasama. Ni si Mama nga ay hindi ko magawang matanong kung may napapansin ba siya sa dalawa. Palagi silang wala sa bahay. Kapag naman tinanong mo ang sasabihin nila nasa trabaho lang at may inaayos na papeles. Gaano ba karami ang sako ng papeles na ginagawa nila at halos magdamag na hindi umuwi si Daddy? Para ba silang mag asawang matagal na nawalay sa isa't isa na ngayon lang nagbabawi ng oras na sinayang nila. Hindi ba dapat ay si Tita Sharon na rin sana ang maisipang dumistansya? I mean, may asawa na yung lalaki. Pinsan mo pa yung asawa niya. Tapos ang lakas ng loob mong magtungo sa bahay para lang pumatong sa kanya kapag nakita mong hindi nakaaligid ang asawa niya. Okay lang yung makikain ka, makiligo ka, makikwentuhan ka, okay lang. Yung makita kitang palabuy laboy sa bahay, okay lang. Yung paggamit mo ng cr sa kwarto ni Daddy, sige.. okay lang. Yung makitulog ka sa kwarto niya, sige pag iisipan ko.. pero sige, okay lang. Pero yung makita kitang abala sa paghimas himas sa katawan ni Daddy habang nakapatong ka sa kanya.. sa mismong sala at wala sa pribadong kwarto, medyo nakakagago naman yata iyon para sa part ni Mama? "Nand'yan ka pala, Anak." Ngiti ni Daddy ngunit hindi ko na siya pinansin at tumalikod na ako. Ayokong masikmura siyang nakikitang nakikipaglampungan sa iba. Yung silang dalawa nga ni Mama ay ni minsan hindi ko man lang nakita ang sweetness nila sa isa't isa.. tapos may paganito siya sa ibang babae? At hindi lang basta bastang babae dahil ang babaeng iyon ay Tita ko. Pinsan ng Mama ko at higit sa lahat ay Ninang ko pa sa mismong binyag ko. Malalim na ang gabi ngunit hindi ito ang naging dahilan upang mahinto ako sa pagtuloy tuloy sa kwarto ni Mama. Naabutan ko siyang nakaupo sa vanity table at sa table na nasa harap niya ay may iilang plastic ng tableta na hindi ko man lang alam kung para saan. "Makikitulog ka nanaman ba, Faie?" Ngiti niya na tatango tango kong nginitian. Isang yakap ang iginawad niya sa'kin nang sandaling makahiga kaming dalawa sa malambot niyang kutsyon. "Mama, kabit po ba ni Daddy si Tita Sharon?" Tanong ko na ikinatigil niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD