Alas kwatro pasado na nang dumating si Mang Rudy. Gaya ng madalas kong makita sa kanya ay bagong ligo nanaman ito at mukha pang pormal sa kanyang kasuotan.
"Pasensya na at ngayon lang ako nakapasok. May kinausap pa kasi ako d'yan sa labas." Halakhak niya na nangingiti kong nginusuan at tinukso siya sa pamamagitan ng tingin na alam kong nakuha niya agad. "Wag kang mag alala dahil wala akong ibang babae sa ngayon. At isa pa, lalaki yung kausap ko kanina d'yan sa labas."
Agad akong napaisip sa sinabi niya at sa halip na magsalita ay nagpasya na lang ako magpaalam at magbihis na para maaga ring makauwi at makatulog kahit na dalawang oras na lang ang natitira sa'kin.
Ilang iras rin akong magdamag na nakatayo sa counter at naghihintay sa pagpasok ng mga customer.
Dahil nga sa nightshift ay walang gaanong naging customer which is nakabuti sa'kin dahil nagkaroon ako ng pagkakataong magreview para sa nalalapit na exams.
Tanging ang Law subject lang naman ang hindi ko pinaghahandaan dahil kung ang pagpapabagsak lang naman ang natitirang paraan para hindi ko na muling masilayan ang pagmumukha ni Sharon.. gagawin ko.
"Salamat po ulit sa kimchi rice at kani rolls, Mang Rudy!" Paalam ko muli sabay bitbit ng paperbag na naglalaman nanaman ng faves ko.
"Welcome, Anak." Sambit niya sabay kaway at paglalapirot sa counter top. "May sundo ka nga pala d'yan sa labas."
Agad akong napalingon sa kanya at nagtaas ng kilay mula sa bilin niya.
Sundo? May sundo ako?
"Sino pong susundo sa'kin?" Taka kong tanong na nginitian niya.
"Yung future husband mo raw." Halakhak niyang biro na inirapan ko.
Hindi na rin ako nagsayang ng oras na makipagkwentuhan pa sa kanya dahil nalalabi na lang ang oras na itutulog ko mula sa halos kalahating araw na pagkakamulat ng mata ko sa pabagsak na niyang negosyo.
At ano namang pakialam ko sa sundong sinasabi niya?
Future husband - future husband.. tanginang 'yan.
Paglabas ko ng glass door ay siya namang pagtalon ko nang dahil sa gulat sa lalaking nakapamulsang nakahilig sa pader dalawang dipa lang ang layo sa'kin.
Sa loob ay rinig ko ang paghalakhak ni Mang Rudy dahil sa reaksyon ko ngunit hindi na sa kanya natuon ang atensyon ko dahil nakuha na ito ni Harper na ngayon ay tuwid nang nakatayo sa harapan ko.
Kahit na dalawang dipa ang layo niya sa'kin ay ramdam ko pa rin ang inis na namumutawi sa katawan nito.
Kung ano ang suot niya kanina noong pumasok siya sa shop kanina kasama ni Akati ay iyon pa rin ang suot niya magpa hanggang ngayon.
Pinanood ko ang paglapit niya patungo sa gawi ko. Nang makabawi sa pagkakatulala sa kanya ay siya namang pagtalikod ko sa gawi niya upang maglakad palayo.
Willing akong umikot sa kabilang kalsada, wag lang kaming magkaharap ng lalaking 'yan!
Hindi pa man ako nakaka tatlong hakbang palayo ay naramdaman ko na ang kamay nitong humawak sa siko ko at tila ba pinipigilan ako sa pag ambang paglalakad palayo sa kanya.
No choice ko siyang pinagmasdan na umikot at tumayo sa harapan ko upang salubungin ang matalim kong titig sa kanya.
Hayst. Naririto nanaman ang mga mapang akit niyang berdeng mga mata na madalas niyang ginagamit upang ma hipnotismo kung sino man ang nakatayo sa harapan at kausap niya.
"Ano bang ginagawa mo dito, Harper?" Asik ko bago napabuntong hininga sa naisip.
Wag niyang sabihing hinintay niya akong mag off sa duty ng ilang oras? Kung totoo nga ang naisip ko.. posibleng hinintay niya ako ng walang oras?
Nang wala man lang upuan sa kinatatayuan niya kanina?
Alam kong alam niya kung anong umiikot sa isip ko kaya naman bago ko pa man nadugtungan ang nais kong sabihin ay dumiretsyo na siya sa kung anong kailangan niya sa'kin.
"Hinintay kita, Faience.."
"Para saan?" Kunot noo kong tanong na ikinalunok niya ng laway. "Dumiretsyo ka na sa gusto mong iparating at sabihin, Harper. Wala na akong oras na dapat sayangin. Wala pa akong tulog at mas lalong wala pa akong pahinga.."
Nang dahil sa sinabi ko ay dahan dahan niyang ibinaba ang kamay niyang parang kanina lang ay mahigpit pang nakahawak sa magkabilaan kong braso.
"I just want to clear some things sa'ting dalawa, Faience.." buntong hininga niya.
Para saan?
"Para saan?" Tanong ko.
Ito na ba yung sinasabi ni Akari na closure?
"Para sa pagkakaibigan nating dalawa.."
Mukhang tama nga si Akari sa sinabi niya kanina sa'kin. He wants a f*****g closure.
Kung iyon ang gusto niya.. then fine!
Hindi ko ibibigay sa kanya ang bagay na iyon kahit na lumuhod pa siya sa harapan ko.
"I'm totally fine, Harper. Hindi mo na kailangang humarang pa sa daraanan ko para sa mga simpleng bagay na ganyan.."
Kita ko ang bahagyang pagkunot ng noo niya sa sinabi ko bago ko narinig ang sarkastiko nitong tawa na yung tipong kaming dalawa lang ang nakakarinig.
"Simpleng bagay? Simpleng bagay na lang ba para sayo ang pinagsamahan nating dalawa?"
Kung makapagsalita naman ito, parang may nasabi akong mali na ikinadurog ng ego niya ah?
Kung tutuusin nga ay ako dapat ang magalit sa kanya dahil nagawa niya akong talikuran nang sinabi ko sa kanyang nagpagamit ako sa maraming lalaki para sa posisyon ko ngayon.
Sana, nagawa niya man lang tanungin ako kung bakit ko nagawa ang bagay na iyon, kung bakit ako humantong sa bagay na iyon. Kung tutuusin nga ay mas malaki ang hinanakit ko sa kanya nang dahil sa ginawa niyang pag iwas.
Yung tipo ba naman ng pag iwas niya ay para bang may nakakahawa akong sakit na kapag nagawa niyang lumapit sa'kin ay posibleng mahawa ko siya.
"Bakit ka pa ba nandito?" Reklamo ko na ikinatigil niya. "Wag mong ugaliing mangielam sa buhay ng iba dahil ang pangit tingnan niyan." Ngisi ko bago siya nilagpasan.
Hindi pa man ako nakaka apat na hakbang ay napatigil na ako sa paglalakad nang marinig ko ang sinabi niya.
"Nagseselos ako, Faience." Sambit nito na ikinalakas ng pintig ng puso ko.