Chapter 59

1004 Words
Pagkatapos naming mag usap ni Akari ay nagdesisyon na akong bumalik sa building. Siya naman ay naisipang bumalik sa klase at kaharapin ang parusang pagharap sa council kasama ng subject teacher dahil sa hindi nito pagpapakita sa klase. "Di ba I already told you na kailangan niyong pumasok sa klase ko? Lalong lalo ka na Akari dahil varsity ka pa man din ng basketball team!" Duro ng lecturer sa kanya. Napanguso ako sa paghiyaw nito at patuloy sa pagrereklamo saming dalawa ni Akari. Wala namang nagawa si Akari kundi tatawa tawang tinanggap lahat ng rants ng subject teacher niya. "Oo na po, Miss. Pasensya na." "Pasensya-pasensya." Bubulong bulong na nguso ng lecturer habang namumula. Wala akong nagawa kundi mapangiwi sa naging reaksyon niya. Isang lecturer nanaman ang nahulihang nahuhumaling sa isa sa mga estudyante niya.. I wonder kung magkakaroon rin ba ng story itong dalawang nasa harapan ko. "Do the ten laps!" Duro niya sa field kay Akari bago lumingon sa'kin. "And you! Go back to your class! Kababaeng tao, nagagawang mag cutting sa klase!" Irap niya. Isnag ngiwi ang iginawad ko sa sarili bago pinagmasdan ang balingkinitan niyang katawan na ngayon ay naglalakad na pabalik sa klase kung nasaan ang mga kaklase ni Akari. Kung tutuusin ay halos magka sing edad lang siguro silang dalawa ni Akari, hindi na rin ako magtataka kung sakaling magkagustuhan silang dalawa kapag dumating ang araw. "Ano? Masarap ba ang ten laps?" Ngisi ko habang pinagmamasdan si Akari na nagmimistulang naghihingalo na pagkatapos ng ginawa niyang pagtakbo. Isang ngisi ang pinakawalan niya habang naghahabol pa rin sa paghinga nang dahil sa pinagawa ng lecturer niya sa klase. "Medyo.." halakhak niya. Hindi namin inaasahan ang galit na pagbaling nanaman ng lecturer niya na ikinatahimik naming pareho. "Hindi ka pa ba nadadala sa pinagawa ko sayo, Chua? Baka gusto mong dagdagan ko ulit?" Paglapit niya saming dalawa. "Wag naman, Miss.." Isang irap ang pinakawalan niya kay Akari bago lumipad ang tingin sa'kin. "Ang you, ano pang ginagawa mo dito? Binabantayan mo ba si Chua? Baka gusto mong pagbuhulin ko kayong dalawa?" Angil niya habang nakapamaywang. Nang hindi ko nagawang sumagot ay isang matinding irap nanaman ang ginawa nito bago tumalikod sa gawi naming dalawa. "May saltik ba yung babaeng 'yon?" Sinadya kong lakasan ang boses upang marinig niya sana ngunit agad na tinakpan ni Akari ang bibig ko. "She's arrogant, sometimes. Pero believe me, mabait 'yan." Kundat niya sa'kin na inirapan ko. Di kalaunan ay nagpaalam na rin ako kay Akari at nagdesisyong maglakad patungo sa building, hindi para bumalik sa klase kundi para umakyat sa pinaka tuktok ng building. Halos lahat ng babaeng napapalingon sa'kin ay binabati ako. Ilang araw na rin akong wala sa posiayon at alam ng lahat ng miyembro ng sorority ang bagay na iyon. Ni hindi na nga nila nagawang kwestyunin ang desisyon kong pag alis at pagpapasa ng responsibilidad kay Brittany. "Sinabi ko na na ayaw kong tumanggap ng responsibilidad, di ba! Ayoko niyang posisyon mo!" Duro niya sa'kin na sininghalan ko. Magpa hanggang ngayon ay naririnig ko pa rin ang boses niyang tila ba kumukulog dahil sa labis na pagtanggi sa sinabi ko, pero parang nakatanggap ng regalo sa pasko nang makita ko ang pagkinang ng mga mata niya ilang oras lang ang lumipas. Pero kahit na wala na ako sa posisyon ko ay naroon pa rin ang respeto nila sa akin at sa desisyon ko. May karapatan naman akong bumalik at willing naman silang muli akong tamggapin pero.. Mukhang uto na rin ang huling araw ko upang salubungin ang lahat ng estudyanteng miyembro ng sorority. Nakakalungkot lang dahil sa ganitong paraan lang magwawakas ang buhay ko. Ako ang may gusto nito dahil ito lang yata ang natatanging paraan upang mawala sa'kin ang mga problemang ipinatong sa balikat ko. Sinabi ko na sa kanya na hindi ko kaya ang ganitong klase ng mabibigat na problema pero sa halip na pakinggan at tulungan ako.. wala siyang ibang ginagawa kundi magbingi bingihan at mas lalo pang dagdagan ang pasakit sa'kin. Nakakainis. Hindi naman ako ganito katapang at kalakas upang harapin ang lahat. Wala na ba siyang ibang pwedeng pahirapan bukod sa'kin? Kasi, ako.. Hindi ko na kaya. At ang pagpapatiwakal na lang yata ang natitirang desisyon na alam kong aangkop upang mawala na sa'kin lahat ng problemang ibinigay at pinapa-pasan niya sa'kin. Gaya ng inaasahan ko ay tahimik sa taas ng palapag ng building kung nasaan ang klase ko. Ramdam ko ang pagdampi ng malamyos na hangin sa balat ko habang ang araw naman ay tila ba nagkukubli sa makapal na ulap sa himpapawid. Sobrang lungkot ng panahon ngayon di katulad kanina na sumisilay pa ang sinag ng araw. Tila ba nakikiramdam at nakikiramay rin para sa namamatay kong pananamapalataya ang panahon at desisyon na gagawin ko ngayon. Ngayon ko lang napatunayan sa sarili kong hindi sapat ang mga taong nand'yan sa tabi mo at handang makinig sa mga sasabihin at ikukwento mo. Hindi sapat ang pakikinig sa problema dahil nararapat lang talaga na solusyunan ang mga proboema, hindi ba? At ang pagpapatiwakal ang naiisip kong isa sa napaka gandang solusyon na pumasok sa isip ko upang wakasan ang lahat. Alam kong hindi magiging maganda ang kalalabasan ng mukha ko sa oras na tumalon ako sa apat na palapag ng building kung nasaan ako ngayon. Nagkalat rin naman ang mga bakal sa di kalayuan at paniguradong nakatambak lang pero tiyak kong hindi sasapat iyon upang tuluyan na akong mawala sa mundo. Kahit na hindi magiging maganda ang mukha ko sa loob ng kabaong kung sakaling tumalon ako mula rito at mamatay sa pwesto ko sa baba mamaya, atleast ay isahang salit na lang ang mararamdaman ko hindi ba? Nang sandaling sumilip ako sa baba ay marami nang nakatingala sa pwesto at gawi kung nasaan ako. Hanggang sa ang kokonting bilang ng mga estudyanteng nakatingin sa'kin ay unti unting nadagdagan. Tama.. isang pagtalon lang ay mawawala na ang lahat ng hinanakit ko. Isang talon lang naman at mawawala na ako sa kung nasaan man ako ngayon..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD