Chapter 24

1006 Words
"Anong hiniling mo, Anak?" Tanong niya na ikinangiti din ni Daddy. Hinay hinay sa pagtawag ng anak sa'kin dahil baka makasanayan mo ang tawag na iyan. Hindi mo lang alam kung gaano akong nandidiri sa sarili ko sa tueing maririnig ko ang salitang iyan na lumalabas sa bibig mo. Dahan dahan kong nginitian ang mga bisitang pumapalakpak na ngayon at tila ba tuwang tuwa sa ka-engotan namin rito mismo sa harap at taas ng stage. Ang gandang eksena lang para sa mga katulad ni Sharon na walang ibang ginawa kundi magpaka bida. Well, dito lang naman yata siya sumasaya kaya naman hahayaan ko lang muna siya.. sa ngayon. Dahil kapag dumating ang araw na magkaroon ako ng lakas ng loob na umalis sa pamamahay na ito.. hinding hindi na nila ako mahahawakan at iyan ang kailangan nilang utanim sa baga nila. Prente akong lumingon sa kanya na mas lalo niyang ikinangiti. Isang sarkastikong ngiti ang pinakawalan ko kaya naman ang malumanay niyang pagkakangiti ay para bang unti unting naglalaho at napapalitan ng isang peke at pilit na ngiti na lang. Maging ang pagkakangiti ni Daddy ay para bang nabitin sa ere nang dahil sa isinukli kong ngiti. "Gusto mong malaman kung anong hiling ko?" Nakahalukipkip at sarkastiko kong tanong sa kanya. "Gusto kong mawala ka na sa landas kung nasaan man ako at iyon ang kahilingan ko." Sambit ko bago hinipan ang kandila. Natigilan siya sa mga salitang narinig mula sa'kin na hanggang sa tumuwid ako sa pagkakatayo ay nanatili siya sa pagkakamaang ng bibig at nagugulat na tumitig mismo sa mga mata ko. Sarkastiko akong natawa sa tila ba nanunubig nitong mga mata bago ko narinig ang marahas nitong singhal. "What did you say, Faience?" Galit na tugon ni Daddy bago umabante ng hakbang. Sa halip na umatras ay mas pinilit kong taas noong nanatili sa pagkakatayo at prenteng hinintay ang paglapit niya sa gawi ko. Kita ko ang pag awat ni Tita Sharon sa braso niya ngunit tinabig niya lang ito. "Anong karapatan mong hilingin 'yan sa Mama mo? Pinalaki ba kita ng ganyan? Bastos ka ah!" Sigaw niya. Halos mapigtal na ang litid niya sa leeg dahil sa galit at pagkasuklam sa narinig na salita mula sa'kin. Hindi ko naiwasang matawa kaya naman maging siya at si Tita Sharon ay natigilan. Alam nilang hindi ako lumalaban sa kanila kahit na pitong taon na rin akong nasa puder nilang dalawa. Kaya naman ang makita nilang nakakapagsalita ako ng mga ganitong klase ng bagay sa kanilang dalawa, expected ko nang magugulat sila sa bagong bagay na ito. "Mama ko? Matagal nang patay ang Mama ko-" Hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko ay isang lumalagapak na sampal ang iginawad sa'kin ni Daddy. Ito na ang pangalawang beses na pinagbuhatan niya ako ng kamay kaya naman sa halip na manubig ang mga mata ay hindi ko naiwasang mapangiti ng may pait sa mga labi. Talagang nagagawa niya na akong saktan sa harap pa mismo ng babaeng iyan, at ang pinakamalala sa lahat, sa harap pa mismo ng mga bisitang dumalo sa kaarawan ko. Kaarawan ko nga ba o sa anibersaryo ng pagkawala ni Mama. Ramdam ko ang gulat ng lahat at hanggang sa pwesto namin sa taas ay rinig ko na ang samut saring bulungan ng mga taong saksi sa pananakit sa'kin ni Daddy. Nanatili sa kanang bahagi ko ang mukha ko at sinadyang patagalin iyon ng ilan pang sandali bago hinawakan ang pisngi at madilim na tumitig sa lalaking nasa harap ko. "Mali kami sa pagdedesisyong ilihim sayo ang lahat, Faience. Mali kaming tatlo sa paglilihim ng katotohanan sayo.." Isang tawang pang kontrabida ang pinakawalan ko na ikinatigil niya sa pagsasalita. "Anong katotohanan? Ang pagkakaroon ng sakit ni Mama? Ang paglilihim niyong dalawa sa'kin na naghihirap sa cancer si Mama? Anong lihim nga ba, Daddy? Ang pagkakaroon niyo ng lihim na relasyon ng babaeng nandito sa harap nating lahat-" "Courtney-" sabat ni Tita Sharon na mabilis kong pinutol ng sigaw ng ikinatigil niya. "Wag na wag mo 'kong tatawagin sa pangalang hindi ko pagmamay ari, Sharon!" Nagdidilim ang matang duro ko sa kanya. "Wala kang karapatang hawakan ako sa leeg. Wala kang karapatang tawagin ako sa pangalang hindi ko pagmamay ari. Wala kang katapatang tawagin akong anak at mas lalong wala kang karapatang angkinin ako bilang isa sa pagmamay ari mo!" Halos mapigtal ang litid ng leeg ko sa kakasigaw at duro sa kanya. Wala na akong pakialam kahit na magmukha na akong tanga rito sa kakasigaw sa kanya. Wala na rin akong pakialam kung taeagin nila akong bastos dahil maski kailan ay hindi nila naramdaman ang sakit na ilang taon ko na ring binibitbit. Kung tutuusin ay magiging maayos ang relasyon naming tatlo kung nanatili lamang sa linya niya si Sharon at hindi iya man lang nagawang tumapak sa linya ng relasyon ni Daddy at ni Mama. Kung tutuusin nga ay wala siyang karapatan. Abogado pa ang babaeng iyan? Ni hindi ko nga alam na allowed ba talaga ang pagkakaroon ng kabit kung abogado ka. Para saan pa ang iniingatan mong propesyon kung sa ganitong klase pa lang ng case.. ligwak ka na? "Kung nahawakan mo sa leeg si Mama at laling lalo na si Daddy, hinding hindi mo ako magagawang hawakan gaya ng ginawa mo sa kanilang dalawa.." Hindi ko inaasahan ang pagbagsak ng mga luha sa mata niya at kasabay no'n ay ang paghikbi na hindi ko inaasahang lalabas sa kanya. Walang emosyon ko siyang pinagmasdan kahit na nakakaramdam na rin ako ng sakit at kirot sa mga salitang nasabi ko sa kanya. "Wala kang alam, Anak.." dismayadong iling na sambit ni Daddy na maging siya ay nahihirapan na ring lumunok dahil sa kirot na tiyak kong nagbabara sa lalamunan niya. Sana nung una pa lang ay naisipan na nilang magsabi sa'kin, pero alam ko sa sarili ko na kahit sinabi na nila ito nung una pa lang.. hinding hindi na magbabago ang isip at paniniwala ko. Kahit na alam ko sa sarili kong hindi ko alam kung anong papaniwalaan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD