"Maraming solusyon sa problema, Faience. At sa mga solusyong iyon ay hindi kabilang ang pagpapakamatay." Ani niya bago sumandal sa puno. Sandali akong napaisip sa sinabi niya pero ang katagang iyon ay hindi man lang nanalantay sa utak ko. Para bang ako ang may ari ng katawang ito at desisyon ko pa rin ang masusunod sa kung anong binabalak kong gawin. Sabihin na nating ipinahiram lang sa atin ang katawang ito.. pero may magagawa ba sila kung ayaw ko nang mabuhay? Ni hindi nga sila gumagawa ng paraan para lang mapanatili nila ako sa tabi nila. Nakakairita ang mga ganitong klase ng bagay at problema. Kung pwede lang sanang papiliin.. mas gusto ko pang manatili na lang sa bahay bata ng nanay ko kaysa sa bigyan ng pagkakataong mabuhay sa mundong ito. Ni hindi ko nga alam kung.. may point p

