Faie? Tinatanong niyo kung bakit big deal sa'kin ang pagtawag na iyan?
Well, Oo. Bigdeal 'yan dahil parte ng pagkatao ko iyon at mahalaga rin para sa'kin ang taong nagpalayaw sa'kin niyan.
Magiging big deal din sa inyo ang isang bagay kung alam niyo sa sarili niyong importante ito sa pagkatao niyo, tapos yuyurakan lang ng mga intrimiditang pumapapel na sa bahay niyo.. hanggang sa buhay ba naman ng Daddy ko, pumapapel pa rin.
Nakakasuka!
Bakuran pa lang ng bahay nila ang nadudungawan ko mula sa pagpepedal ko pero grabe grabe na ang tahip ng puso ko sa sobrang takot, inis at pangambang tila ba pinaghalu halo nang dahil sa sulat ni Harper.
Bakit kasi Harper, anong problema mo!?
Halos pabato kong itinapon sa gilid ang bisikleta nang makaalis ako roon at nagmamadaling nagtungo sa harap ng bahay nila.
Halos tumulo ang pinaghalong uhog at luha ko nang makita ko itong sarado. Tiyak ko ring wala na ring tao mula sa loob nito dahil maging ang mga bintana sa mga gilid ay nakasarado at tila ba hinaharangan na rin ng maraming pinagdugsong dugsong na kahoy.
Sa karatula pa lang na nakadikit sa papel ng pintuan nito ay alam ko na na may mali.
Alam ko rin sa sarili kong ni minsan ay hindi man lang pumasok sa isip ni Harper ma kahit papaano ay kailangan niyang magpaalam sa'kin na aalis siya.
Kahit isang, "Hoy, aalis na ako", lang ang sabihin niya.. okay na ako.
Hindi niya na kailangang magpaalam at iyakan ako dahil mukha namang hindi naging importante sa kanya ang pagsasama naming dalawa.
Rest in peace sa pagkakaibigan naming tila ba inamag na dahil sa hindi niya pagpapaalam sa'kin.
Nakasaad sa sulat niya na kinakailangan niyang umuwi ng probinsya upang doon magpatuloy ng pag aaral. Tanging ang kaisa isang Lolo niya na lang ang nagboluntaryo upang kuhanin siya at pag aralin gaya ng hiling ng mga magulang niya na makapagtapos siya ng pag aaral.
Kaisa isang anak lang siya kaya naman mapagtatapos rin naman siya ng Lolo niya kahit na papaano.
Ilang buwan lang ang nakalipas simula nang nawala siya, nagpatuloy ako sa normal kong buhay.
Normal nga ba?
Normal naman kami ni Mama, pwera lang sa dalawang nasa harap namin na tiyak kong tuwang tuwa sa usapan nilang walang kabuluhan.
Namumutla sa kinauupuan si Mama at tila ba walang lakas na ngumuya ng pagkain habang nakikinig sa dalawang malanding nagbubulungan.
Si Daddy ang nasa kabisera ng hapag habang nasa kanan niya si Tita Sharon. Nasa kaliwa naman ni Daddy si Mama na tahimik lang na naglalaro ng pagkain habang nakikinig kay Tita Sharon na ngayon ay abala pa rin sa paghagikgik.
"Bigla ko tuloy naalala yung mga panahong nag umpisa kang manligaw sa'kin-"
Pabagsak kong ibinaba ang mga kubyertos at isang nakakalokong singhal ang pinakawalan ko dahilan upang nagugulat silang mapabaling sa gawi ko.
Halos mabasag rin ang pinggan na nasa harap ko dahil sa lakas ng pagdadabog ko sa usapan nilang dalawa.
Tama ba yung narinig ko?
Niligawan siya ni Daddy?
Ah. Now I know. Kaya pala sobrang lakas ng loob at kapal ng mukha niya kung makalingkis sa lalaking alam niyang pamilyado na.
Ang kapal talaga ng mukha.
"Tama bang pag usapan ang mga ganyang klase ng bagay sa harap mismo ng hapag, Tita Sharon?" Sarkastiko kong tanong na ikinagulat at nagpalaki sa mga mata niya. "Sa harap ng hapag at sa harap mismo ng asawa ng lalaking nilalandi mo?"
Natawa siya sa biglaang pag usbong ng galit ko sa kanya kaya naman hindi ko rin naiwasang mapataas ang kilot dahil tila ba may bahid ng pagka sarkastiko ang tawa nito.
"N-Normal lang ito, Faience.."
Alin ang normal? Normal na pala siya ng lagay na iyan?
Normal ang ganyang panglalandi? Tang inang ka-normalan 'yan.
Nakaka normal!
"Hindi normal 'yan!" Biglaan kong sigaw habang nakaduro sa kanya.
Agad na napatayo si Daddy nang naisipan kong dakmain sana sa buhok si Tita Sharon ngunit sadyang mabilis siyang umiwas sa mga nanggagalaiti kong mga kamay.
Maging si Mama ay napatayo at napahawak sa balikat ko upang pakalmahin sana ang sumisibol kong galit ngunit kahit na siya ay walang nagawa upang mapigilan ako sa galit na ipinapakita ko ngayon.
Alam ko na nagulat silang tatli dahil sa loob halos ng ilang taon kong pakikisama sa babaeng iyan sa loob ng bahay, ngayon ko lang nagawang lumaban ng salitaan ng ganito sa kanya.
Ganito ang galit ko dahil putang ina niya.
"Ang kapal ng mukha mo, sa totoo lang." Tawa ko kahit na wala namang nakakatawa.
"Faience.." babala ni Daddy ngunit nanatili lamang ang galit kong titig kay Tita Sharon na ngayon ay nasa mesa na lang ang titig.
Pinaghalong inis at sakit ang nakikita ko sa mga mata niya ngunit nanatili lamang akong galit sa kanya, ni hindi man lang gumagawa ng paraan upang tuluyang mawala ang galit ko sa ngayon.
"Mukhang wala kang alam eh, pero.. hayaan mong sabihin ko sayo ito." Sambit ko bago umayos sa pagkakatayo. "Itong babaeng nasa gilid ko.." panimula ko habang nakaduro kay Mama. "Ay asawa ng lalaking nandyan sa gilid mo!" Duro ko naman kay Daddy.
Kita ko ang lihim na singhal ni Daddy na para bang frustated sa sinabi ko. Tama naman ako di ba?
"Stop it, Faience.." banta ni Daddy na tinawanan ko. "Masyado ka pang bata para sa mga ganitong klase ng bagay.."
"Bata?" Sarkastiko kong tawa. "I'm already eleven na! At hindi ako ganoon kabobo na ginagawa mong palaman sa iisang tinapay ang dalawang babae na nasa harapan mo ngayon-"
Hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko ay natigil ako nang lumagapak ang sampal ni Daddy sa'kin na halos ikamanhid ng buo kong pagkatao.
"Hindi kita tinuruan ng ganyang klase ng pananalita, Faience!" Sigaw niya na umalingawngaw sa buong hapag.
Naluluha akong lumingon sa kanya na ikinagitla niya. "Nagagawa mo na akong pagbuhatan ng kamay nang dahil sa babaeng iyan?" Tanong ko bago tumango at naglakad na paibis ng hapag na iyon.