Chapter 7

996 Words
"I want my Mama, Tita Sharon." Matamis na ngiti ko sa kanya. Ang nakangiti at maaliwalas niyang mukha kanina ay tila ba unti unting nalusaw at napalitan ng isang pekeng pagkakangiti. "A-Aside from that, Honey." Aniya kasabay ng pag ayos ng buhok ko at prenteng inilalagay iyon sa likod ng tenga ko. "Kaya kitang bilihan ng mga bahay na gustong gusto mo, Faience. Name it. Name your price. Ibibigay ko sayo kahat ng hihilingin mo ngayon." Ngiti niya pa. Ramdam ko ang pag ayos ng pagkakatayo ni Daddy sa likod ko at maging ang pagsinghap nito ng marahas na pagbuntong hininga ay hindi nakatakas sa pandinig ko. Sa halip na balingan siya ng tingin ay nanatili lamang ang tingin ko sa babaeng nag iiwas na ngayon ng tingin sa inosente kong mga mata. "Gusto ko pong makasama si Mama. Ito po ang first day ko sa school, gusto ko pong isa rin siya sa susundo sa'kin." Sambit ko sabay pilit ng ngiti. Marahas siyang nagbuntong hininga bago umangat upang makatayo at puma-mewang sa harap ko. "Puro ka na lang Mama. Mama. Mama. Wala ka na bang ibang bukambibig kundi 'yang Mama mo, Courtney? Nandito naman ako ah?" Paulit ulit niyang sambit dahilan upang sumibi ako mula sa pagkakarinig sa mga salitang binitiwan niya. "Nandito na ako sa harapan mo. Handang handa na akong bumawi sa mga pagkukulang ko sayo. Nandito na ako. Bakit naghahanap ka pa ng iba?" Sambit niya bago nagpakawala ng marahas na pagbuntong hininga. "Hindi kita Mommy." Sambit ko bago ngumawa. Ramdam ko ang dagliang paglapit ni Daddy sa'kin kasabay ng pagpupunas ng panyo sa mga luhang dumaloy sa pisngi ko nang dahil sa sinabi ni Tita Sharon. "Stop na, Baby." Pang aalo ni Daddy ngunit nanatili lang ako sa paghikbi. "Masyado mong tinakot ang bata, Sharon." Giit niya sabay yakap sa'kin at patuloy lang sa pagpapatahan. Tila ba hindi nakikisama ang mga luha ko dahil nagpatuloy lang ito sa pagbuhos kaya naman wala na akong ibang nagawa kundi punasan na lang ito gamit ang likod ng palad ko. "G-Gusto ko si M-Mama, Daddy.." hikbi kong pakiusap kay Daddy na tinanguan niya kasabay ng pagtapik sa likod ko habang nananatili lamang akong nakayakap sa kanya. "A-Ayoko kay T-Tita Sharon.." "She's not your f*****g Mom!" Bulalas ni Tita Sharon na mas lalo kong ikinaiyak. Well, hindi ko pa masyadong alam ang mga ganitong bagay. I'm just a pre schooler for f*****g sake!  Dahil sa galit ni Tita Sharon ay ito ang unang dahilan na pumasok sa isip ko. Pwedeng nagalit siya dahil sa paghahanap ko kay Mama o kaya naman ay naiirita na siya sa kakatawag ko sa taong alam ko namang wala rito. Mas lalo akong umiyak sa pagsigaw niya kaya naman may iilang napapatingin na sa gawi namin. Kita ko rin ang biglaang pagputla ng mukha ni Tita Sharon bago siya nagdecide na yumuko sa'kin at iharap sa kanya mula sa pagkakayuko ko sa dibdib ni Daddy. "I-I'm not mad, Courtney.. ah." Sambit niya kasabay ng pagpikit ng mariin dahilan upang mag angat ako ng naluluhang tingin sa kanya. "Hindi ako nagagalit sayo, Faience. Gusto ko lang namang maglaan ng oras para sa'ting tatlo ng Daddy mo.." "He's not your husband naman, Tita. Bakit ikaw ang nandito?" Hikbi ko na ikinatigil niya. "I want my Mom here. Not you!" Iyak ko pa bago umalis sa paagkakayakap ni Daddy at dumiretsyo na sa loob ng kotse. Doon ko binuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Sobrang sakit ng sinabi niya. Nang natagumpay kong napatigil ang pag iyak ay marahan akong bumaling sa bintana at hihikbi hikbi silang pinagmasdan. Nakatalikod sa gawi ng bintana kung nasaan ako si Tita Sharon. Mukha itong lantang bulaklak na hindi nadiligan dahil bahagya itong nakayuko. Hindi ko naman inaasahan ang biglaang paglapit sa kanya ni Daddy at halos manlaki ang mga mata ko nang makita ko siyang niyakap si Tita Sharon. Saksi ako sa kung paano niyang ibinaon ang mukha ni Tita Sharon sa dibdib niya at ang marahan nitong paghaplos sa likod na tila ba gaya ko kanina ay pinapatahan siya sa pag iyak. Sandali nga lang, normal ba 'yan? Nakita kong nagyayakapan ang Ninang ko at ang Daddy ko? Normal lang ba 'yon kahit na may asawa na si Daddy? Anong mangyayari kay Mama kapag nalaman niya ang mga bagay na ito? Naging tahimik ako sa daan pauwi. Kung gaanong naging tikom ang bibig ko ay siya naman isinigla ni Tita Sharon. Hindi ko nga malaman kung bakit sobrang saya niya ngayon kahit na ipinagdikdikan ko naman sa kanyang hindi siya ang Mommy ko kanina. May saltik ba itong babaeng ito? Dahil nga sa inosente pa ang bata kong utak nung mga panahong iyon, hindi ko na iyon masyadong inintindi at nagpatuloy na lamang sa pakikinig sa mga kwento niyang maski ako ay walang kaalam alam. "Alam mo bang nagkakilala kami ng Daddy mo sa isang resort malapit sa rest house namin sa Tagaytay." Maligalig niyang kwento na hanggang ngayon ay hindi ko pinagtutuunan ng pansin. "Doon kami nagsimulang magkaroon ng kwento." "Eh yung kwento po nila ni Mama?" Ngiti kong baling na ngayon lang sumabat. Tutal ay patuloy ka sa pagkukwento sa naging istorya niyo ng Daddy ko. Bakit hindi na lang ang istorya nilang dalawa ni Mama? Tutal, silang dalawa lang naman ang nasa relasyon at hindi kayong dalawa. Gets? Inosente pa ang pag iisip ko nung mga panahong iyon kaya naman hindi ko muna masyadong napag iisipan ang mga sinasagot ko kahit na alam kong ikakasakit rin nila iyon, balang araw. "Hindi sila nagkaroon-" "Don't tell her, Sharon." Giit ni Daddy sabay baling ng nagbabantang tingin kay Tita Sharon. "She's too young.." "Hindi ba dapat bata pa lang, pinapaintindi niyo na sa kanya?" Reklamo ni Tita Sharon dahilan upang sa kanya naman ako mapabaling ng tingin. "Gusto kong mag usap tayong tatlo nila Gwyneth mamaya, Orlan. Ayoko ng ganitong klase ng set up." Dagdag pa niya na sikreto kong nginusuan. Set up?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD