"Panggugulo na ba sayo ang pag aalalang ginagawa ko?" Tawa niya na tila ba nagmukhang sarkastiko nang muli kong maaninag ang galit sa berdeng mga mata nito. "Pag aalala? Baka pangingielam ang ginagawa mo?" Sarkastiko kong dagdag. Pinanood ko siyang umayos sa pagkakatayo habang nakapamulsang nag iwas ng tingin na bitbit pa rin sa mukha ang sarkastikong ngiti na iginawad niya sa'kin kanina. "Habang tumatagal ang araw na wala ako sa tabi mo.. mas lalo kong nakikita na napapariwara ang buhay mo." Baling niya muli sa'kin. Ako naman ngayon ang gumaya sa kilos niya kanina na alam kong ikinairita niya dahil muli ko nanamang mababakas sa itsura niya ang galit. "Nasaan ka nga ba nung mga panahong nawawala ako sa sarili ko?" Ngisi ko. Taas noo niyang ginantihan ang tingin ko na mas lalo kong i

