Chapter 44

991 Words
Yung paraan pa lang ng pagtapak niya sa loob ng klase. Yung tunog pa lang ng high heels niya sa tiles ng classroom. Yung mga nagugulat at napapamaang na tingin pa lang ng mga kaklase ko.. masasabi ko na hindi lang ako ang nagulat sa presensya niya ngayon rito sa harapan naming lahat. Sa loob ng dalawang taon kong pagkakawala sa harapan niya, para ba akong isang batang gulat na gulat sa taong nasaksihang nakatayo sa harapan ko. Bakas sa mukha nito ang pagiging high class at elegante. Yung porma niya dati na parang modelo lang, ibang iba na sa porma niyang tila ba propesyunal at iginagalang ng lahat. Pormal ang tindig nito, may mga light make up rin akong nakikita at nasasaksihan sa mukha niya kahit na ilang dipa ang layo niya sa'kin. "Good morning, Everyone." Bati niya dahilan upang tumayo ang buong klase bilang pagbati sa kanya. Alam kong kailangan kong tumayo upang batiin sana ang bago naming professor pero tila ba nawalan ako ng lakas ng loob nang masaksihan ko siya ngayon na buhay na buhay sa mismong harapan ko. Nanatili lamang ako sa pagkakaupo at tiyak kong ako lang ang naiwang nakatayo at magpa hanggang sa ngayon ah nagugulat pa rin sa presensya niya. Nang dahil sa pagkakabigla ko at pananatili sa pagkakaupo, nakuha ko agad ang atensyon niya na di kalaunan ay ang atensyon rin ng mga kaklase ko. Tila ba nagningning ang mga mata niya nang magtama ang mata naming dalawa. Hindi rin naman naging matagal ang pagningning na iyon nang umayos siya sa pagkakatayo at tumikhim. "It seems like may ayaw sa presensya ko rito sa harap niyo, Class." Sambit niya kasabay ng paghalukipkip. "May problema ka ba na nandito ako ngayon sa harapan mo, Ms. Uson?"  Nang dahil sa pagbanggit niya sa buong pangalan ko ay nakuha niya ang atensyon ng mga kaklase ko. Rinig ko na ang kabi kabilang bulungan na mahina kong nginisian at tinawanan. "Kilala mo ba siya, Faience?" Bulong ni Mikaela na alam kong narinig niya dahil kita ko ang pag arko ng kilay niya. "Faience pa rin pala ang pangalang ginagamit mo?" Tikhim niya na tila ba nainsulto sa pangalan ko. Wala naman akong nagawa kundi sarkastikong umirap at wala sa wisyong tumayo upang batiin siya. Batiin siya ng wala man lang lumalabas na salita mula sa bibig ko.  "Nagtataka lang ako kung paano kang nakapasok sa university na ito kung Courtney naman ang pangalang nasa birth certificate mo, Ms. Courtney Uson." Sambit niya. Ibinaling niya ang tingin sa mga papel na hawak at para bang may papel na hinahanap. Isang sarkastikong ngiti ang iginawad ko sa kanya na hindi niya naman napansin pero tiyak kong nakita ng mga kaklase ko. "Ano ba 'to? Klase ito, Sharon. Wala ka sa korte para maghanap ng mga walang kwentang ebidensya." Iling kong tawa na ikinatigil niya at sinalubong ang titig ko. "Gawin mo na lang ang trabaho mo. Don't meddle with my personal things and issues, Ms. Sharon." Sambit ko. "Bastos ka pa rin talaga, Faience." Ngisi niya. Ramdam ko ang pagpapalitan ng mga tingin ng mga kaklase ko saming dalawa na tila ba kaming dalawa lang ang nag uusap sa kwartong iyon. "Anong nakakabastos sa pagre-remind sayo kung nasaan ka?" Inosente kong tanong bago tumawa at tumango. "Ah oo nga pala." Dahan dahan kong inilagay sa dibdib ko ang kanang kamay at yumuko na para bang isang maharlika ang nasa harapan ko. Nang dahil sa ginawa ko ay rinig ko ang papalakas na pagbubulungan ng mga kaklase ko. "Welcome sa klase namin, Ms. Sharon. Please teach us well ng mga bagay na alam mong magagamit namin sa pang araw araw." Hagikgik ko bago tuluyang pinaglaho ang emosyon at padabog na umupo sa sariling upuan. Pinagsalikop ko ang mga binti ko at tinitigan siyang magpa hanggang ngayon ay nagitla sa sinabi ko. Nang makita kong wala siyang balak na magpatuloy sa pagdi-discuss ay sinenyasan ko na siyang magpatuloy habang may ngiti sa labi. Isang iling ang pinakawalan niya bago sumenyas na umupo na sa mga estudyanteng nasa harap niya at nananatili pa rin sa pagkakatayo at abala sa pagpapalitan ng tingin saming dalawa. "I'm Sharon Michella Uson.." pakilala niya na agad na naputol dahil sa pagtawa ko. "Talagang pinanindigan mo ang pagpapakasal sa kanya ha." Hagikgik ko bago muling sumenyas na magpatuloy siya. Alam kong nagtitimpi lang siya sa mga ikinikilos ko. Dapat lang dahil siya ang bago dito at siya rin ang dapat na makisama sa mga estudyante niya. Ganyan dapat ang isang propesyunal na guro. Ipakita niya sa lahat kung gaano siya ka-propesyunal sa trabaho at pang aagaw sa amang ipinagkait niya sa'kin. Rinig ko ang pagbubuntong hininga niya na ikinapantig ng mga tenga ko. Para saan ang pagbubuntong hininga? Hindi ba niya kayang naririto ako sa harapan niya? O baka naman paraan niya ito para makakuha ng suporta mula sa mga kaklase ko. Tingnan lang natin kung kaawaan ka ng mga 'yan kapag inutos ko na sa kanilang lahat na bastusin ka sa mismong harapan ko. Well, hindi naman ako ganyang klase ng estudyante gaya ng nasa isip niyo. Sige, ipagpalagay ko na lang na mahal na mahal siya ni Daddy at hindi ko siya maaaring saktan dahil baka ikamatay pa 'yan ng pinaka mamahal kong ama na nagawa kaming ipagpalit ni Mama nang dahil d'yan sa babaeng iyan. "Kilala mo ba 'yan?" Bulong ni Brittany na ikinangisi ko habang abala pa rin sa pagmamasid kay Sharon na ngayon ay abala sa pagsusulat ng kung ano sa white board sa harapan. "Madrasta ko." Tipid kong sagot na tinanguan niya. Ilang sandali lang ay si Mikarla naman ang humilig sa gilid ko at bumulong gaya ng ginawa ni Brittany. "Sorry to tell you, Faience but honestly.. hindi siya mukhang madrasta." Bulong niya na ikinakunot ng noo ko. "You look exactly like her. Mukha kayong magnanay." Dagdag niya. Hindi ko alam pero nangilabot ang balat ko sa sinabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD