Pinanood ko ang mahabang pila ng mga taong nakapila patungo sa isang ATM Machine na nasa kabilang bahagi lang ng bangko.
Malalim na ang gabi at hindi ko naman inaasahan na may pila pa pala ng ganitong oras.
Kung alam ko lang na ganito pala kahaba ang pila, baka sakaling kanina pa lang ay nagawa ko nang pumila.
Natatakot kasi ako na baka sakaling makabungguan ko pa sila Daddy sa kalye at baka magawa pa nila akong mahanap at sundan sa kung saan man ako nakatira.
Anyways, mukha namang imposible ang bagay na iyon.
Nakapila ako ngayon at tila ba nagba-baka sakali lang na mabuksan ko ang account ko at makapag withdraw man lang ng kahit na konting barya lang mula sa account na pinupuno ni Sharon at ni Daddy.
Ngayon na kasi ang huling araw ng paninirahan ko sa apartment ni Aling Susan. Nakakahiya rin kasi na lumagpas na ako ng isang linggo sa nakatakdang pagbabayad sa renta ng kwartong tinutuluyan ko.
Kahit na hindi nila ipaalala sa'kin, hindi naman ako ignorante at makapal ang mukha upang ipagsawalang kibo ang perang iyon.
Kung tutuusin nga ay malaki na ang utang ko sa mga naitulong nilang dalawa sa akin simula nang tumira ako sa rentahan nila. Marami rin akong nakilalang nakasundo ko rin sa apartment na di kalayuan lang ang kwarto ko sa tinutuluyan nila.
Nakakahiya nga lang na kapag marami nang naitulong ang mga taong nasa paligid mo, mahihiya ka talaga na tumanggap pa ng panibagong tulong mula sa kanila.
Umalis ako sa puder nila Daddy at Sharon upang matutong tumayo sa mga sarili kong paa. Kaya naman ang umasa sa mga tulong at pagpapakumbaba ng dalawang taong sumambot sa'kin nung mga panahong wala akong matirahan.. talaga namang mahihiya kang tanggapin muli ang kamay nila.
Pabuntong hininga kong pinagmasdan ang naka flash sa screen ng ATM kung saan ko isinuot ang card ko.
Nakasaad dito na magpahanggang ngayon ay naka lock pa rin ang account ko magpahanggang ngayon kahit na isang buwan ko na itong hindi binubuksan.
Tahimik at bagsak ang balikat kong tinalikuran ang gawing iyon. Rinig ko ang bulungan ng mga taong nasa pila ngunit nanatili lamang ang titig ko sa daang nilalakaraan ko paibis sa lugar na iyon.
"Oh, kararating mo lang?" Bungad ni Aling Susan nang makita niya akong tamada na isinusuksok sa seradura ang susi ng kwarto ko.
Dahan dahan akong nag angat ng tingin sa kanya at malungkot na ngumiti.
"Pasensya na po, Aling Susan. Mukhang hindi pa po muna ako makakabayad sa renta ko sa kwartong tinutuluyan ko. Peto promise po.."
Agad akong natigil sa pagpapaliwanag nang matiwasay siyang natawa sa malungkot kong mukha na nasaksihan niya.
"Wag mo nang problemahin ang renta mo, Faience. Bayad ka na sa lahat." Ngiti niya na ikinataas ng kilay ko.
Bayad sa lahat?
Anong bayad sa lahat?
Eh maski nga piso ay hindi ako nakakapag abot sa kanya tapos, sasabihin niya ngayon sa'kin na bayad ako sa lahat?
"Paano pong bayad na?" Tanong ko na nagmistulang reklamo kaya naman hindi niya naiwasang matawa sa reaksyon ko.
"Mabait ang Diyos, Faience. Magpasalamat ka na lang dahil may taong gumagabay sayo kahit na nasa malayo ka." Tila ba may kahulugan niyang sambit kasabay ng matamis na ngiti at tuluyan na akong tinalikuran.
Ang mga salitang binitiwan ni Aling Susan ay nagmistulang bara sa pag iisip ko. Para bang nag iwan ito ng malaking marka na alam niyang magpapagulo sa isip ko at di kalaunan ay magpapaisip sa'kin sa maraming bagay.
May isang taong gumagabay sa'kin?
Imposible naman na may kamag anak ako sa bayan na ito at nagawa nilang bayaran ang renta ko sa bahay na tinutuluyan ko? At saka.. imposible ring pakialaman ako ng mga kamag anak ko dahil alam naman nila sa sarili nilang walang nakakagalaw at nagagawang mangielam sa mga plano ko sa buhay. Kaya imposible ang sinasabi ni Aling Susan..
Posible kayang may kinalaman sila Daddy rito?
Wait lang huh. Imposible iyon dahil maski ang bakas sa bayang iniwan ko ay binura ko. Kaya naman imposibleng may kinalaman silang dalawa.
Pwera na lang kung i-pursue ni Sharon ang pangingielam sa buhay ko magpa hanggang ngayon. Di ba?
Ang tibay naman niya kung gagaein niya ang bagay na iyon.
Agad akong napabalikwas sa paagkakatayo nang tumunog ang wind chime na nakasabit sa taas ng pintuan sa shop na binabantayan ko.
Ito na ang pangalawang linggo ko sa trabaho. Maayos namang makisama si Mang Rudy at para bang anak na rin ang turing niya sa'kin nang malaman niyang wala na akong pamilya. Yun rin yata ang naging rason niya upang damputin at kupkupin ako upang bigyan ng trabaho at mapagkikitan kahit na papaano.
Siya rin ang nag suggest na magpapaaral sa'kin kung sakaling tumagal ako sa trabahong pinapasukan ko sa kanya ngayon.
Pinanood ko ang pagpasok ng isang lalaking nakayuko at nakasuot ng isang kulay itim na hoodie jacket. Balot na balot ang katawan niya ng itim na jacket na maging ang mukha niya ay hindi ko maaninag.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa lumihis siya sa pagpasok at dumiretsyo sa estante ng mga junk foods.
Nang hindi ko na siya maaninag ng mga mata ko ay sa cctv na lang ako nagmasid. Pinanood ko ang mga padabog niyang paghablot sa mga plastic bags at prenteng naglakad paibis sa estanteng iyon.
Nang matapos siya sa pamimili ay nagtungo na siya sa counter bitbit ang napaka raming bags ng junk food.
Bahagya pa akong napanguso nang makita ko sa mga plastic ang naligaw na pakete ng napkin.
Para saan ang napkin? Kasi kung susumahin ko ang itsura niya, mukha naman siyang lalaki.
"Four hundred twenty seven lahat, Sir." Tikhim ko nang matapos sa pagsasalansan ng mga pinamili niya at nag angat na ng tingin sa kanya.
Nang makita ko ang mga berde nitong mata na nakapukol sa'kin ay halos maestatwa ako sa kinatatayuan ko.
Isang tao lang ang alam kong nagmamay ari ng pares na berdeng mata na iyon.
"Harper?"