Hindi madaling mabuhay sa mundong unti unti nang nagbabago.
Habang tumatanda ang mundo, habang dumarami ang taong nabubuhay sa mundo, habang unti unting nasisira ang kalikasan nang dahil sa kagagawan ng mga tao.. unti unti na ring naghihirap ang lahat.
Nawawalan ng pang kabuhayan. Nawawalan ng minamahal sa buhay. Nawawalan ng pag asa sa lahat ng bagay. Nawawalan ng tiwala sa mga taong nakakasama nila sa pang araw araw. Nawawalan ng ganang mabuhay..
Halos lahat ng mga bagay na pinag iipunan at pinagdidiskitahan natin sa pang araw araw ay unti unti nang naglalaho at nababawasan.
Ganito ba talaga magpahirap ang Diyos sa mga anak niyang iniwan rito sa lupa?
Minsan ay hindi ko mapigilang isisi sa Diyos ang lahat ng nangyayari sa buhay ko. Pero minsan ay naisip ko rin na.. bakit ang Diyos ang sisisihin ko sa mga bagay na ako naman ang may kasalanan.
Kasalanan ko ang lahat ng nangyayati sa'kin ngayon. Kung matiwasay ko lang na tinanggap ang lahat, baka sakaling may tinitirahan ako ngayon, may pagkain ako ngayon at higit sa lahat ay may kasama ako ngayon.
Hindi naman ganon kasama ang ugali ni Sharon pero masasabi kong habang tumatagal ang panahon, mas lalo ko siyang nakikilala.
Para bang handa siyang gawin ang lahat upang makuha ang loob ko pero ako itong si tanga, walang ibang ginawa kundi ipagtabuyan siya palayo.
May magagawa ba ako kung hindi ko siya masikmura? Maisip ko nga lang na naghirap si Mama nang dahil sa kanya ay mabilis na nabubura ang nabubuo sa sarili kong pagtanggap sa kanya bilang pangalawa kong ina.
Ewan ko ba pero.. ganito siguro talaga ang nangyayari kung patuloy lang tayo sa pagmamatigas, hindi ba?
Nawawala ang mga bagay at taong importante sa atin kung pinapairal natin sa sarili natin ang pride para sa ibang tao. Nawawala ang lahat ng bagay na pagmamay ari mo kung ipinagpapatuloy mo lang ang ganitong klase ng katangian, hindi ba?
Ngayon ang pangalawang araw ko sa kalsada. May natitira naman akong pera pero gagamitin ko na lang siguro ito upang may marentahang apartment habang naghahanap ako ng mapagkikitaan at trabaho bilang pantawid man lang sa gutom.
Tinanggalan ni Daddy ng koneksyon ang card ko sa bangko. Halos lahat ng perang inihuhulog nila sa'kin ni Sharon ay pina-block niya. Kaya naman ang ending, hindi man lang ako nakapag cash out kahit na magkano.
Tanging ang allowance lang na naiipon ko ang perang hawak ko ngayon. Sapat lang para makakuha ako ng isang apartment na maliit at matitirhan sa loob ng isang buwan.
Sa perang ito ay hindi man lang aabot ang pang pagkain lang kahit na isang linggong stock lang.
Nanatili ako sa pagkakaupo sa bench. Habang naghahanap ng murang apartment, sa park lang muna ako nagpapalipas ng gabi. Maaga lang na gigising sa umaga upang hindi maabutan ng mga patrol na rumoronda sa gabi.
"Oh, gabi na ah?" Bati ng isang tanod habang nakaduro sa'kin ang hawak nitong batuta. "Anong ginagawa mo dito?"
Para bang isang maling sagot ko lang sa kanya ay magagawa na niya akong hampasin ng baston sa mukha.
Mukhang wala rin siya sa mood na makipaglokohan kaya naman ako na ang nag adjust, nakakahiya rin kasi sa punyetang matanda na 'to.
"Naghihintay lang po ako ng susundo sa'kin." Ngiti ko na unti unti niya ring tinanggap at tinanguan.
"Aba'y oh sige. Wag kang magpapalipas ng gabi rito dahil delikado." Bilin niya bago ako tuluyang nilubayan.
Nang makalayo siya ay unti unting nalusaw ang ngiti ko at umamba ng suntok sa direksyon niya habang matalim ko siyang binalingan ng tingin.
"Akala mo naman, pagmamay ari niya itong bench na 'to." Reklamo kong singhal.
Hindi naman inabot ng ilang araw ang paghahanap ko ng apartment dahil kinabukasan lang ay may nahanap na rin ako.
Medyo mababa ang pa-renta rito kaya naman hindi na ako nagtaka nang makita ko na ng tuluyan ang kwartong pinagmamalaki niya.
"Pasensya na dahil medyo maliit lang itong pinaparenta ko. Dati rin kasing bodega ito at inayos lang para mapakinabangan kahit na papaano." Depensa niya na tinanguan ko.
Naging abala ako sa paglilibot ng tingin dito hanggang sa nagdesisyon akong silipin ang lahat ng masisilip ko.
Bawat bahagi ng kwarto ay pinagmasdan ko at napapatango na lang sa tuwing may makikitang hindi kaaya aya sa mga mapanuri kong mga mata.
"Tutal ay mag isa ka lang naman. May makakasama ka pa bang iba?" Tanong muli ni Aling Susan, ang landlady ng apartment.
Nakangiti akong umiling, tila ba wala sa hulog na makipagkwentuhan sa kanya.
"Kung may kailangan ka Iha, pwede mo kaming lapitan ng alaga ko d'yan sa katabing kwarto malapit rito." Ngiti niya pa bago nagpaalam na umalis.
Mabilis kong inihiga ang sarili ko sa malambot ngunit maalikabok na kutsyon na si Aling Susan pa ang nagboluntaryong magpahiram.
Minsan talaga sa buhay natin ay may makakasama tayong mala-demonyo ang mga pag uugali sa sobrang kasamaang namumutawi sa pagkatao nila.
Syempre, mas lamang pa rin sa mga demonyong iyon ang mga taong handang sumuporta at tumulong sayo sa dulo at kasama na sa mga taong iyon ay si Aling Susan.
Sa kanya ko natutunang magsikap sa buhay sa pamamagitan ng pagdiskarte. At kabilang sa diskarteng iyon ay ang magkaroon ng simpleng trabaho.
Siya ang nagpresintang kuhanin ako bilang serbidora sa maliit niyang kantina. Ang mga perang nakukuha ko sa maliit niyang kantina ang ginagamit ko bilang pambili ng mga pagkain at kung ano pa mang kailangan ko sa pang araw araw.
"Mukha lang mataray iyang si Mapple, pero sobrang bait niyan." Bulong niya habang pareho kaming nakatitig sa babaeng nakaupo ngayon sa hagdan at abala sa pagsusulat.
Nakaramdam ako ng konting pagkaka inggit sa kanya nang masilip ko kung para saan ang mga aklat na sinusulat niya.
"Nag aaral siya ng accounting." Kwento pa ni Aling Susan na malungkot kong nginitian. "Ikaw, nag aaral ka pa ba?"
Isang malungkot na iling ang iginawad ko dahilan upang makaramdam ako ng tapik sa ulo mula sa kanya.