Chapter 117

1321 Words

Ako ang nag design ng halos lahat ng naririto sa bahay. Sa cakes, sa damit, sa halos lahat ng makikita niyo. Ako rin ang gumawa ng imbitasyon at personal na ipinaabot iyon sa mga kakilala ng pamilya namin. "Birthday ng anak ko.." ngiti ko sa isa sa mga kaibigan ko na nakakasama ko sa trabaho. Isang natutuwang tango ang iginawad niya bago binuklat ang imbitasyon na ginawa ko. "Sobra ang effort niyong dalawa ni Orlan sa anak niyo ha." Biro niyang ngiti na ikinangiti ko rin di kalaunan. "Wish ko nga na sana ay magawa ka na niyang tanggapin. Hindi ba't sabi mo ay hindi ikaw ang itinuturing na ina?" Isang tango ang iginawad ko sa kanya na ikinatikhim niya. Alam niya kung anong nararamdaman ko sa mga oras na ito kaya naman sa halip na dagdagan pa ang sinasabi niya ay nanahimik na lang ito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD