Chapter 57

995 Words
Inabot siya ng ilang minuto sa kakatawa. Ni hindi ko na nga maalala kung ano nga bang nakakatawa sa sinabi ko. Ni hindi ko nga rin alam kung.. may nakakatawa ba talaga? Hindi naman siguro siya aabutin ng ilang minuto sa kakatawa kung wala namang nakakatawa sa sinabi ko di ba? Pwera na lang kung sobrang babaw ng kaligayahan ni Akari. "Tapos ka na?" Taas kilay kong tanong sa kanya. Nang dahil sa muli kong pagsasalita ay mabilis na namula nanaman ang kabuuan ng mukha niya at nag umpisa nanamang bumulalas sa kakatawa. Grabe. Wala bang katapusan 'yan, Chua? Kanina ka pa ah? Mabilis akong napanguso sa naisip bago taas kilay na lang na pinagmasdan ang malawak na field sa di kalayuan. May ilang naglalaro ng baseball at soccer, marahil siguro ay ngayon ang klase nila sa PE. Medyo malayo ang field at medyo masakit na rin sa balat ang sinag ng araw. Kung hindi lang dahil sa anino ng matandang puno na kinasasandalan naming dalawa ni Akari ay baka kanina pa kami nasunog sa init ng araw. Hindi na rin ako magtataka kung maraming estudyante ang nagsusuot ng sweater sa gitna ng tiril na araw. Like, mas okay na na mamatay sa heat stroke kaysa sa mangutim ang balat, hindi ba? Mas mamahalin yata ang presyo ng glatathione na ginagamit nila kaysa sa kabaong na pwede nilang higaan sa oras na mamatay sila nang dahil sa heat stroke. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko na ikina himasmasan niya sa kakatawa. Sa halip na hayaan ko siyang siya ang magtanong sa'kin ay naisipan ko na lang na ibato sa kanya ang tanong niya sa'kin kanina. Oo. Ano bang ginagawa niya dito at bakit nandito siya? May klasr ngayon, di ba? "Papunta na sana ako sa soccer field para sa laro namin, kaso may narinig akong umiiyak sa pwesto kung nasaan ka." "Bakit hindi ka na lang dumiretsyo sa field kung may klase ka naman pala? Nagsasayang ka lang ng oras sa pananatili dito." Panunulak ko sa kanya paalis na nginiwian niya. "Hindi naman importante ang laro ko." Mabilis akong bumaling sa kanya. Alam ko ring alam niya na na mababakas na sa mukha ko ang labis na pagtataka kaya maman bago pa man ako magsalita ng kung ano ano ay mabilis na niyang dinagdagan ang sasabihin. "Narinig ko ang iyak mo, Faience. Mas importante pa rin sa'kin ang kaibigan kumpara sa mga academics na 'yan." Paano kung bumagsak siya nang dahil sa akin? Paano kung lumagapak ang grado niya nang dahil sa pagsama sa'kin dito? "Tarantado." Singhal ko na ikinatawa niya. Sa halip na magpatuloy sa pagkuwestiyon sa presensya niya rito sa tabi ko ay mabilis akong nag iwas ng tingin at napangiwi na lang sa isinagot niya. Well, hindi ko ine-expect na iyon ang sasabihin niya sa kabila nang pagpapalayas ko sa kanya dito. Ang akala ko ay magpapatuloy lang sa pambu-bwisit si Akari pero laking pasasalamat ko na naging tahimik lang siya sa sobrang tagal niyang pagsama sa'kin sa ilalim ng punong iyon. Halos isang oras kaming walang kibuan.  Bahagya pa akong napatalon nang tinawag niya ang pangalan ko. Sino ba namang hindi magugulat na bigla na lang siyang magsasalita sa buong oras naming pananahimik sa ilalim ng puno, di ba? Ni hindi ko na nga maalala yung pinagkwentuhanan namin kanina nang dahil sa sobrang tagal naming pananahimik. "Ano bang problema, Faience? May problema ka ba?" Bakas ang pinaghalong pag aalala at kuryosidad sa boses niya kaya naman hindi ko naiwasang pamulahanan ng pisngi na tiyak kong napansin niya dahil bahagyang umangat ang isang kilay nito. "Ano ba kasing ginagawa mo dito?" Pareklamo kong tugon na tila ba inililigaw siya sa katanungan niya. Biruin mo 'yon, umalis ako ng klase at dumiretsyo dito upang makapag isip nang tahimik. Ngayong nananahimik ako ay siya namang pagpasok ni Akari at dito pa nanggugulo. Wala bang pinagkaka abalahan ang lalaking ito at dito sa'kin nanggugulo? Nasabi niya sa'kin dati na iniwanan siya ng babaeng hinihintay niya. Nasaan na kaya ang babaeng iyon at hindi niya magawang sinupin ang lalaking nandito ngayon sa tabi ko at nangugulo. "Eh ikaw, anong ginagawa mo rito?" Balik niyang tanong sa'kin. Para bang naglalaro kami ng pingpong sa ginagawa naming dalawa ngayon. Batuhan lang ng tanong sa isa't isa. Ni wala ngang sagot sa mga tanong na ibinabato namin eh. "Kanina pa tayo pabalik balik sa tanungan, bakit ayaw mong sumagot sa tanong ko?" Seryoso niyang tanong. Tila ba naglaho na ang masayang mukha ni Akari kanina at napalitan na ngayon ng kuryoso at pagka seryoso, which is nakakabigla. "I get you, Faience. Alam kong may problema ka. Ganito rin ang ginagawa ko kapag naramdaman kong nag iisa lang ako." Tango niya na tahimik kong minangulan. Sandali siyang napatitig sa kawalan bago muling sumandal sa punong kinasasandalan ko. "Naghahanap rin ako ng tahimik na  lugar na maaari kong mapagpalisan ng galit at lungkot.." "Gusto ko ng tahimik na lugar.. pero bakit nandito ka sa tabi ko?" Mabilis siyang nagbaba ng tingin sa'kin at tinitigan ako ng mata sa mata. Isang ngiting tipid ang iginawad niya sa'kin na ikinanguso ko. "Maniwala ka sa'kin. Masarap mapag isa pero mas magiging madali lang ang lahat kung may taong handang makinig sayo, Faience." Hindi ko alam pero bahagya akong napaisip sa sinabi niya. Oo naman, may point rin naman si Akari. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng ginahwa nang sinabi niya sa aking handa siyang makinig sa lahat ng problema ko. Ang problema nga lang.. Hindi ko kayang magkwento ng tungkol sa pamilya ko. Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng hiya kapag may kinalaman sa buhay ko ang ikukwento ko sa iba. Para bang sa isang pagbanggit ko lang sa pangalan ni Sharon ay may posibilidad na mahalungkat kung gaano kasalimuot ang buhay ko ngayon. Yung pagiging marumi kong babae.. hindi ko kayang ikwento sa iba. Pero.. wala naman sigurong masama kung yung mga glitch lang ang masasabi ko sa kanya, hindi ba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD