Chapter 53

988 Words
"Wala akong pakialam sa pangalan mong galing sa patay." Ngisi niya na halata mong namimikon. Tama ba yung narinig ko? Tama ba yung mga salitang narinig ko mula sa kanya? Sa kanya mismo? Really?  Ininsulto niya lang naman ang pangalang ibinigay mismo sa'kin ni Mama. Tingin niyo, sinong matutuwa sa sinabi niya? Eh nagawa niya ngang idamay ang taong matagal nang patay at nananahimik na! Mabilis akong napaayos ng pagkakatayo nang dahil sa sinabi niya. Ang sarkasmo sa mukha niya ang nagsisilbing gatilyo sa pasensya kong unti unti nang napupuno sa mga naririnig kong lumalabas mula sa bibig niya. "Really, Courtney or what-do-I-call-you?" Iling niya. Tila ba nandidiri siya sa pagsambit ng pangalan ko na lihim kong ikinainsulto. "Four correct answers out of two hundred items? Ano bang mahirap sa subject ko at para bang nahihirapan ka sa mga discussions na ipinapaintindi ko sa inyo lahat?" Dagdag niya. "Mag aabogado ka ba talaga?" Tila ba insulto sa'kin ang mga huling salita na sinambit niya. Bakit kaya hindi niya maisipang tanungin muna ang sarili niya bago ako ang binato niya ng tanong? Kapag ba nakapagtapos ako ng abogasya.. pwede na ba akong manira ng pamilya ng may pamilya? Kasi kung required sa pag aabogado ang ganyang katangian, mas mabuti pang magpaka bagsak na lang ako kaysa sa sumunod sa nakakasuka niyang mga yapak. At the same time ay hindi ko naiwasang mapaisip ng maraming bagay. Like.. ano bang nagustuhan ni Daddy sa babaeng ito? Oo, matalino siya pero alam kong mas matalino si Mama. Ano pa bang maipagmamalaki niya maliban sa boobs at sa propesyon niya? Manira ng may pamilya? Nagkaroon ba siya ng plaque na isasabit sa bahay nung makuha niya si Daddy? Anong akala niya sa Daddy ko? Isang tropeyo na kapag natapos siya sa pag aaral ay maaari na niyang makuha? Wow. So f*****g wow. "Hindi ba dapat ay magpasalamat ka dahil naisipan ko pang itama ang apat na items na iyon sa subject mo?" Wala sa sarili kong sambit na tiyak kong resulta lang ng namuong galit ko sa sinabi niya. "Kung tutuusin ay wala kang kwenta kung magturo. Masyadong boring.." "Boring ba talaga o sadyang bobo ka lang talaga?" Pang iinsulto niya. "'Yan ba ang achiever na sinasabi nila? 'Yan ba ang academic passer na ipinagmamalaki nila? Simpleng law theories lang ay hindi mo magawang mapasa. Tingin mo ba makakapasa ka sa subject ko?" Singhal niya na ikinangisi ko. Nakikita ko sa mga gilid ng mata ko ang mabilis na pagpapalitan ng tingin saming dalawa ng mga kaklase ko dahil sa batuhan namin ng mga maaanghang na salita ni Sharon sa isa't isa. Alam ng lahat kung anong relasyon ko kay Sharon. At alam naman nila na hindi nila ako pwedeng kainggitan dahil sa matataas kong grado. Base sa mga kilos naming dalawa ay hindi naman dapat sila maiingit dahil first of all, hindi kami magkasundong dalawa at mas lalong malabong ipasa niya ako sa subject na hinahawakan niya. Tanga na lang ang maiinggit sa katulad kong ulila na at ipinagpalit sa isang babaeng mabunganga ng sariling ama. Nakakatawa lang. Kapag napaaway si Daddy nang dahil sa bibig ng babaeng ito, hindi na ako magdadalawang isip na tawanan siya at paulit ulit na sumbatan sa kung paano niya kaming iwanan ni Mama para sa babaeng ito na madalas niyang ipagmalaki sa'kin. "Sino bang nagsabing ipapasa ko ang subject ma hinahawakan mo?" Tanong ko na ikinalaho ng ngisi niya kanina. Para kang lata. Maingay lang pero wala kang alam, Sharon. "Tapos ka na ba sa pang iinsulto sa'kin? Kasi kanina pa ako nangangawit sa kakatayo dito. Nagpapantig na rin ang tenga ko sa kakaduda mo." Iling ko. Kita ko ang paglamukos ng mga kamay niya sa gilid na bahagya kong ikinangisi. "Ano 'yang mga kamay mo? Galit na galit ka na ba? O baka naman tinatamaan ka na sa mga sinasabi ko?" "Faience, tama na 'yan. Magulang mo rin naman siya-" sambit agad ni Mikaela na nagawa pang tumayo upang pumagitna sana. Mabilis siyang binalingan ng tingin ni Sharon at sinenyasang umupo na lang at wag nang mangielam sa bangayan naming dalawa. Hindi ba siya nahihiya na dito pa kami nag aaway sa harap ng iba kung pwede namang kausapin niya na lang ako sa pribadong paraan? Ay oo nga pala, hindi siya mahilig sa mga pag uusap na may kinalaman sa privacy. Kaya kapag ako ang pinaratangan niya na bastos at walang modo.. baka masupalpal ko pa siya ng wala sa oras. "Wala kang magagawa kung sadyang bastos at lumaki ng walang modo ang taong hindi tama ang pagpapalaki sa kanya ng mga magulang na kinalakihan niya." Pagpapatama niya sa paraan ng pagpapalaki ni Mama sa'kin. "Ganyan ba ang tinuro sayo ni Gwyneth? Ang lumaking bastos at walang modo." Dahan dahan siyang lumapit sa'kin at taas noo akong pinagmasdan magmula ulo hanggang paa na para bang ine-examin ang buo kong pagkatao. "Maayos akong lumaki sa kamay ng Mama ko, Sharon. Nagsimula lang naman akong mawala sa katinuan nang dumating ka sa buhay ng mga magulang ko." Sambit ko bago siya sinuklian ng matalim na titig sa mga mata. "Bukod sa pagsira sa pamilya ko, bukod sa pagpapaalis sa'kin sa bahay na kinalakihan ko, sa paglayo sa'kin sa Daddy ko.. ano pang kaya mong gawin, Sharon? Para kang isang sirang lababo, walang ibang ginawa kundi tumanggap na lang ng tumanggap ng mga bara na alam mong galing sa ibang tao." Dagdag ko. Kita ko ang panunubig ng mga mata niya na paulit ulit niyang ipinikit na wari ba'y makakatulong iyon para maitago niya ang sakit na nababakas ko sa mga mata niya. "Pinalaki ka bang basurahan ng mga magulang mo? Nakahiligan mo na ba ang panlalandi sa mga taong nakakatrabaho mo-" Hindi pa man ako natatapos sa paglalabas ng saloobin ko ay nakatanggap na ako ng isang lumalagapak na sampal sa kanya na halos ikatumba ko sa pagkakatayo. "Wala kang alam, Courtney." Gigil niyang sambit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD