"Kung makapagsalita ka, parang hindi ka nag iingay ah." Pasinghal na sambit ni Brittany na parang kanina pa reklamo nang reklamo.
Pinagtitinginan na kami ng mga kaklase namin dahil sa ingay na ginagawa nilang dalawa. Kanina pa sila nag aaway at ang pinag aawayan nila ay isang napakaliit na bagay lang.
Ang pagsipak at paraan ng maingay na pagnguya ni Brittany sa chewing gum na kanina niya pa sinasapak.
Maging ako ay naiingayan pero hindi naman ako naglakas ng loob na patigilin sila dahil nanatili na ang pag iisip ko sa maraming bagay.
Pinag iisipan ko kung bibitaw na ba ako sa posisyon ko ngayon para magbagong buhay at asikasuhin na lang ang mga grado kong unti unting bumabagsak o magpatuloy na lang sa ganitong klase ng buhay kahit na alam ko sa sarili kong hindi ganito ang pinangarap ko.
"Hindi naman talaga ako nag iingay. Ikaw lang naman ang lata rito." Reklami ni Mikaela bago umirap na ikinalaki ng mga mata ni Brittany.
Parang sa isang kalabit lang sa kalibre ng pasensya niya ay baka tumilapon ng wala sa oras si Mikaela nang dahil sa sinabi nito.
"Ang kapal ng mukha mong magsalita ka ng ganyan. Eh wala ka namang ambag sa grupo.." duro ni Brittany.
Mukha lang naman silang nag aaway pero normal naman sila kung mag usap. Normal na pag uusap nilang dalawa 'yan. Ganyan rin naman ang ibang babaeng miyembro ng sorority na binuo ko kaya naman para sa'kin, wala namang problema sa ganyan..
Pwera na lang kung magkasakitan silang dalawa dahil paglabag na sa batas ng samahan namin ang bagay na iyon.
"Aba!" Singhal ni Mikaela na lihim kong inirapan. "Ang kapal talaga ng malapad mong mukha, Brittany!"
"Tama naman ako, Faience. Di ba? Totoo namang walang ambag itong si Mikaela." Duro ni Brittany.
"Ikaw ah, gago ka pala eh." Sagot naman ni Mikaela dahilan upang mapaayos ako sa pagkakaupo.
"I quit." Sabat ko na ikinatigil nilang dalawa.
Wala naman akong nababakas na reaksyon mula sa mga mukha nilang walang kwenta pero nakikita ko ang unti unting paglitaw ng mga nagtataka nilang tingin mula sa salitang binitiwan ko.
Pansin ko ang unti unting pagtaas ng nga kilay ni Brittany na nasa tamang kurba. Naging palaisipan naman sa'kin ang nagtatakang tingin ni Mikaela na sinamahan ng nakakatawang pagngiwi na para bang hindi inaasahan ang salitang lumabas mula sa akin.
"Anong kwitis?" Tanong ni Brittany.
Hindi ko napigilan ang paghagikgik na ikinapula naman ng mukha ni Mikaela dahil sa labis na pagpipigil ng tawa mula sa sinabi ni Brittany.
"Seryoso ako tang ina ka, Faience!" Sagad sa kaibuturan niyang rereklamo na di kalaunan ay ikinatawa na namin ni Mikaela. "Nag aaway kami ni Mikaela dito tapos bigla mong isisingit 'yang punyetang kwitis na 'yan-"
"Quit kasi 'yon, bobo." Reklamong pagtatama ni Mikaela na inirapan ni Brittany dahil sa pagkapahiya.
Dagliang lumingon sa'kin si Mikaela at tila ba nagtatanong ang mga mata nang nagtama ang paningin naming dalawa.
"Anong quit? Saan ka titigil?"
Nang dahil sa sinabi niya ay dagliang napalingon sa'kin si Brittany at para bang nilusaw ang galit niya na pinalitan na lang ng pagkagulat sa sinabi ni Mikaela.
"Sa pwesto ko, Mikaela." Hindi nakalagpas sa paningin ko ang pagkaawang ng bibig ni Brittany at ang nagtatanong na mga mata ni Mikaela. "Gusto ko nang bumitaw sa pwestong matagal ko na ring hinahawakan sa ngayon.."
"Bobo ka ba, Faience?" Sabat ni Brittany at alam kong ilang segundo na lang ay puputok na ang pisi niya sa galit. "Nagpakahirap kang maabot yung pwestong iyon tapos bibitawan mo na lang nang dahil sa ayaw mo? Ano bang problema mo? Kung ganon kadali sayong pakawalan ang pwestong halos ipambayad mo na ng kaluluwa mo sa mga demonyo, pwes.. para samin hindi ganon kadali 'yon." Dismayado niyang sambit.
Sa loob ng isang taon kong paninilbihan sa pwesto ko, maraming aral akong natutunan at sa pag alis ko sa pwestong ito, alam kong may babaunin akong mga alaala. Kasama na sa mga alaalang iyon ay ang masasaklap kong pakikipagpalitan ng katawan sa mga lalaking naging tulay ko upang maabot ang pwestong iyon.
Marami akong natutunan sa halos isang taon ko rito. Yun lang rin ang gusto kong matanggap ngayong aalis na ako sa paninilbihan ko.
Sa tuwing maaalala ko ang oag aaway naming dalawa ni Harper, mas lalo lang sumisikip ang puso ko lalo na kapag naaalala kong nirebatan ko siya tungkol sa pagtulong niya sa'kin. Yung paraan ko ng pagsagot sa kanya, alam kong nasaktan ko siya doon at alam ko ring nasaktan ko rin ang sarili ko sa part na 'yon.
"Kung makapagsalita ka naman parang hindi ka makikinabang sa pwesto niya ah?" Reklamo ni Mikaela dahilan upang mapabaling ako sa reaksyon ni Brittany na ngayon ay sobrang nanggagalaiti na sa galit.
"Wala naman talaga akong pakialam sa putang inang posisyon na 'yan!" Reklamo niyang singhal.
Alam kong nagulat ako sa reaksyon niya. Kung tutuusin nga ay dapat matuwa siya di ba? Pero iba ang naging reaksyon ko nang pumasok sa isip ko na walang kinalaman ang pagpasok si Brittany sa grupo ko.
"Wala akong balak na makipag away sa posisyon kung nasaan kayong dalawa dahil hindi naman importante sa'kin ang posisyon na 'yan. Wala akong balak na manguha at magnakaw ng posisyon na alam ko sa sarili kong maski bakas ng pawis ay wala naman akong naging ambag." Singhot niya na ikinagulat ko.
Sa loob ng halos isang taon kong pagkakaluklok sa posisyong ito, nagawa kong pag aralan ang halos lahat ng miyembro rito.. at kabilang na sa nga pinag aralan ko si Brittany.
Buong akala ko ay sumanib siya para balang araw ay magkaroon siya ng pagkakataong makipag paligsahan sa'kin sa posisyon, pero yung mga salitang narinig ko mula sa kanya ngayon.. hindi ko alam pero ikinataba iyon ng puso ko. Hindi ko alam kung anong dahilan at kung para saan nga ba.
Ang mga sumunod sa sinabi ni Brittany ay mas lalong nagpataba ng puso ko sa kanya.
"Hindi ako sumali nang dahil sa posisyon, sumali ako para makahanap ng tunay na mga kaibigan.."