Chapter 47

1010 Words
Tamad akong nakatitig sa blangkong whiteboard habang panay sa pagkuda ng kung ano anong mga salita si Sharon na magpa hanggang ngayon ay nagka-klase pa rin samin. Ewan ko ba kung sumpa ang bagay na ito. Kung bakit ba naman kasi ginawang major ang Law di ba? Bakit nga ba kasi naisipan kong pumasok sa ganitong kurso kung pwede namang sa pastry na lang ako, hindi ba? Wala naman akong problema sa academics, kung tutuusin nga ay sobra sobra pa sa average ang mga grado ko. Sadyang nakakatamad lang makinig sa klase kung alam mo sa sarili mong ayaw mo sa babaeng nagtuturo sa harapan. Gustuhin ko mang mag drop ng subject ay hindi ko rin naman magawa dahil nga sa bukod sa wala nang available na proffesor sa Law, wala rin akong makakasamang lumipat dahil halos lahat ng mga kaklase ko at lalong lalo na sila Mikaela at Brittany ay pabor sa paraan ng pagtuturo ni Sharon. "At ang layunin ng batas na iyon ay para maipasa sa magulang ang karapatan ng isang bata.." Eme eme. Parang patama lang saming dalawa. Isang nakakalokong tawa ang pinakawalan ko dahilan upang mapabaling silang lahat sa'kin, lalo na nag mukha ni Sharon na para bang umarko pa ang kilay nang marinig ako sa pagtawa. "Sorry. Wala akong intensyong matawa, Mrs. Uson. You may proceed na." Ngiti ko na palihim niyang inirapan bago nagpatuloy sa pagkuda ng marami pang bagay. Anong karapatan ang sinasabi niya? Ipasa sa magulang ang karapatan ng isang bata? Well, hindi ko naman sinabing tinamaan ako sa bagay na iyon dahil kung tutuusin ay lagpas na ako sa pagbibigay ng karapatan sa kanya. I'm already twenty one at kaya ko na ang sarili ko sa lahat ng bagay. "Malapit nanaman ang finals." Buntong hininga ni Brittany na hinayaan lang naming dalawa ni Mikaela.  Tapos na ang klase, and that means, uwian time na. Kailangan ko ring magmadali sa pag uwi ngayon dahil may pasok pa ako sa grocery ni Mang Rudy. Ilang linggo na rin akong hindi nakakapasok sa negosyo niya at sa trabaho ko kaya naman medyo bumaba ang kita niya dahil hindi niya na nabubuksan sa gabi ang grocery na ipinagmamalaki niya. "Malapit nanamang magbenta ng laman." Hagikgik niya. Ramdam ko ang unti unti kong pablaing ng tingin sa kanya habang si Mikaela naman ay para bang nasuka sa narinig na salita mula sa kanya. "Anong magbenta ng laman ang sinasabi mo?" Taka kong tanong na mapait niyang nginitian. "Malapit na ang finals, Faience. It means, malapit nanaman ang bayaran ng tuition f*****g fees." Igit niya habang patuloy kami sa paglalakad sa field. Medyo malayo kami sa mga estudyante kaya naman malaya kaming nakakapagkwentuhan ng mga ganitong klase ng bagay. "Then?" "Kilala mo naman ako, Faience." Sambit niya bago ngumiti at tumingala sa mesyo papadilim ng kalangitan dahil sa papalubog ng araw. "Ipinanganak ako ng may gintong kutsara, laki sa luho at nakukuha lahat ng bagay na gugustuhin ko mula sa pera ng mga magulang ko. Pero habang palaki ako nang palaki, narealize ko na hindi ko kailangang humingi nang humingi sa kanila parati ng pera. Sa ganitong edad, kailangan mo nang mabuhay ng mag isa para makaiwas ka sa sumbat na pwede nilang ibigay sayo." Ramdam nilang dalawa ang pagkalito ko kaya naman hindi ko naiwasang magtanong pa para sa karagdagang kasagutan mula sa mga sinabi niya. "Tapos?" "Mag direct to the point ka nga, Brittany. Hindi lahat ng nakakausao mo eh open sa ganyang mga klase ng bagay, bobo." Singhal ni Mikaela na ikinasinghal rin ni Brittany bago lumingon sa'kin. "Para makapagbayad ng tuition at makapagpatuloy sa pag aaral, you need to use this one." Tuktok niya sa sintido na ikinataas ng kilay ko. "Ang s*x ang sagot sa lahat ng problemang pinansyal, Faience." Hagikgik niya. Ewan ko ba pero agad na nag init ang mukha ko salitang binanggit niya. Si Brittany lang ang kaisa isnag babaeng nakilala ko bilang bulgar kung magsalita sa lahat ng bagay. Wala lang sa kanya yung palagiang pagmumura at yung mga ganitong klase ng salita ay parang wala lang sa kanya yung banggitin niya. "Gagawin mo lang naman ay ang lumuhod, humiga.. magbigay ng aliw sa kliyente mo-" "Alam mo, hindi gagaya si Faience sa katarantaduhan mo, Brittany." Reklamo ni Mikaela bago ako hinila palayo kay Brittany. Napuno ang pandinig ko sa mga salitang binitiwan ni Brittany hanggang sa tuluyan na kaming magkahiwa hiwalay. Hindi ko maiwasang mapaisip sa sinabi ni Brittany. Kung tutuusin ay wala na nga sa'kin ang dignidad na pinaka iingatan ko rin magmula dati. Wala na rin naman akong iniingatan, so.. Bakit hindi ko subukan ang sinabi niya, di ba? Baka dahil sa suhestiyon niya ay mabawasan ang mga bagay na iniintindi ko, hindi ba? Tulala akong naghintay ng bus na masasakyan pauwi sa apartment nila Aling Susan. Nang dahil sa labis na pag iisip sa maraming bagay ay marami na ring bus ang nalagpasan ko kaya naman ang ending ay inabot nanaman ako ng  alas sais sa paghihintay sa sasakyan pauwi. "Mag isa ka lang?" Halos mapatalon ako sa kinatatayuan nang marinig ko ang boses na iyon na nagsalita sa gilid ko. Kunot noo kong binalingan ng tingin ang lalaking nagsalita at agad rin namang humupa ang galit ko nang makita ko si Akari na namumulang nakatitig sa akin. "Nagulat ba kita?" "Hindi. Ayos lang." Ngiti ko bago nag iwas ng tingin sa mga titig niya. "Ginabi ka yata?" Isang tikhim ang narinig ko sa kanya bago sumagot sa tanong ko. "Iniwan ako nung babaeng hinihintay ko eh." Nahihiya niyang tawa na nginitian ko. "Eh, ikaw? Nasaan yung boyfriend mo?" Agad akong bumaling sa kanya upang magtanong sana ngunit agad ring nawala ang katanungan sa isip ko nang makuha ko kung anong sinasabi niya. "Wala na kaming dalawa." Patungkol ko sa pagkakaibigan naming dalawa ni Harper na tinanguan niya naman. "I see. Pero alam kong maaayos niyo namang dalawa 'yan." Sambit niya dahilan upang balingan ko siya ng tingin. "Nakikita ko kung gaano mo siyang kamahal, Faience. At alam kong ganoon rin siya sayo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD