I was nineteen years of age that time nang maisipan kong umalis sa bahay at mag isang mangupahan sa isang apartment.
Bitbit ko ang mga bagahe ko habang sa likuran ko naman ay rinig ko ang magkakasunod at mararahas na yapak ng dalawang taong alam kong against sa desisyon kong pag alis.
Taimtim lamang ang presensya ko habang ang dalawa naman na nakasunod sa'kin ay tila ba may giyerang dadaluhan dahil mababakas mo talaga sa yapak nila ang panggigigil sa gagawin ko.
Naging mahirap sa'kin ang pagbaba sa hagdan ngunit ganito na lamang kabilis ang lakad ko nang makayapak ako sa sementadong carpet ng bulwagan.
"Courtney Abegaile Uson!" Pag alingawngaw ng boses ni Daddy na lihim kong ikinairap.
Sa halip na matakot ay nainis lang ako sa pangalang binaggit niya sa'kin.
Ilang beses ko ba dapat sabihin at paulit ulit na ipaintindi at ipaalala sa kanila na hindi nila ako kailangang tawagin sa pangalang alam naman nilang hindi ko pagmamay ari!
Ilang beses ko ba dapat kailangang marinig sa kanila ang bagay na iyon?
Kahit na ilang beses at pang habambuhay nila akong tawagin sa pangalang iyon, itatanim ko sa isipang hindi iyon ang gagamitin ko hanggang sa mamatay ako.
Faience ang pangalang gagamitin ko habang nag aaral ako.
Faience ang pangalang gagamitin ko kapag grumaduate ako sa kursong tinapos at pinaghirapan ko.
Faience ang pangalang gagamitin ko kapag nagtake ako ng board exam at kung makapasa man ako.
Faience ang pangalang gagamitin ko sa dokumentong pipirmahan ko kapag ikinasal ako.
Faience ang gagamitin kong pangalan kung may balak man akong lumipad ng ibang bansa.
Faience ang gagamitin kong pangalan kapag nagkatrabaho ako.
Faience ang gagamitin kong pangalan kapag nagkaroon ako ng mga anak.
Ito ang pangalang ilalagay ko sa birth certificate nilang lahat.
Faience ang gagamitin kong pangalan hanggang sa magkaroon ako ng sakit.
Faience ang gagamitin kong pangalan hanggang sa mamatay ako.
Bibitbitin ko ang pangalang ito hanggang sa hukay at sa kabilang buhay.
Ito ang pangalang kinalakihan ko na hanggang sa dulo ng buhay ko ay gagamitin ko, kahit na mamatay man ako.
Insulto para sa'kin ang tawagin sa hindi ko pangalan kaya naman halos tumirik ang mga mata ko nang marahas akong bumaling sa kanilang dalawa.
Tila ba hindi naman magpapatalo sa talim ng titigan si Daddy at si Sharon kaya naman sa halip na umatras ako sa desisyon ko ay nanatili lamang akong nakatayo doon at pilit na sinusuklian ang galit na ipinapakita nila.. lalong lalo na ni Daddy.
"Hindi ka aalis ng pamamahay na 'to." Muling pag alingawngaw ng boses ni Daddy na sarkastiko kong tinawanan.
"Ano namang pakialam mo, Dad? Hindi ba dapat ay matuwa ka dahil masosolo niyo ng dalawa itong bahay na pagmamay ari niyong dalawa ni Mama?" Sumbat ko bago muling nagbalik tanaw sa isip ko ang itinawag nitong pangalan sa'kin. "Sa susunod na tawagin mo ako sa pangalang hindi ko pagmamay ari, wag ka nang umasa na lilingon pa ako sayo.."
"Lumalaki kang bastos sa mga kamay ni Gwyneth.." sabat ni Tita Sharon.
Pagkatapos ng nangyari sa birthday ko at bago pa man ang graduation ko, napapansin ko na tila ba nagbabago na rin ang pakikitungo ni Sharon sa'kin.
Kung dati rati ay madalas niyang ipakita sa'kin ang mga bagay na kinamulatan ko na sa kanya simula ng bata ako, ngayon naman ay para bang nag iiba na ang lahat.
Habang tumatagal ang araw, para bang unti unti nang lumilitaw ang tunay na kulay nito. Yung itim na budhi ng isang tao na gaya sa mga napapanood kong mga fairytales.
Isang ugali na literal na nakikita sa mga madrasta.
"Hindi ito ang inaasahan ko, Orlan. Masyado kayong nagpabaya ni Ate Gwyneth.."
Isang ngisi ang pinakawalan ko na ikinataas ng kilay nito. "Hindi ba itinuro sayo ng mga magulang mo na hindi mo kailangang mandamay ng pangalan ng taong namatay na sa isang simpleng argumento lang?"
Isang pabalang na sagot iyon na tiyak kong ikinasama ng loob niya dahil nababakas ko na ngayon sa mukha niya ang pait at pagka dismaya.
"Wag kang ganyang makitungo sa Mommy mo!" Muling sigaw ni Orlan.
Mommy?
What the heck?
Natawa ako sa isinigaw ni Daddy kaya naman binalak niya sanang muling sumugod sa'kin. Kung hindi man lang siya hinawakan sa braso ni Sharon upang pigilan sa paglapit papalapit sa'kin ay baka muli nanaman akong nakatanggap ng pananampal sa kanya.
Grabe naman talaga kung makapanlinlang ang bababeng ito.
Parang kailan lang ay natatakot pa si Daddy na pagbuhatan ako ng kamay. Medyo nagagalit pa nga siya kapag napapaiyak ako ni Mama sa mga simpleng argumento naming dalawa.
Nakakatawa lang na ang lalaking medyo pa-spoiled sa anak niya dati ay nagagawa nang manakit ng anak ngayon.
Parang kailan lang ay natatakot siyang madapuan man lang ako ng kakarampot na lamok sa balat dati, tapos ngayon ay siya naman ang nananakit sa balat ko ngayon.
Well, sino nga bang dapat kong sisihin?
Si Daddy nga ba, o si Sharon na ngayon ay nakahalukipkip pa rin sa harapan ko.
"Wala akong nanay na singkapal ng babaeng nasa tabi mo-"
Hindi ko na rin nagawang tapusin ang sasabihin ko nang maramdaman ko ang paglapat ng palad niya sa pisngi ko.
Hindi ito yung tipikal na sampal ni Daddy sa'kin sa tuwing nay masasabi akong ikakagalit niya, yung medyo marahas ang pagkakasampal ni Daddy sa'kin, mas marahas ngayon ang sampal sa'kin ni Sharon.
Ilang segundo akong natigil bago nagugulat na nag angat ng tingin sa kanya.
Di gaya dati na naaawa siya sa'kin sa tuwing makikita niya akong nasasaktan, ngayon naman ay para bang tuod siya sa kinatatayuan at maging ang mga mata niya wala kang mababakas na reaksyon rito.
"Kung ang pananakit lang sayo ang magiging daan para maliwanagan ka sa katotohanan, I'm more than willing to hurt you. Kung magagalit ka sa ginawa kong pagsampal sayo.. hate me, then. Pero hinding hindi kita ito-tolerate sa mga katangiang pinaisip sayo ng pinsan ko." Madilim niyang sambit na ikinatahimik ko rin.