Chapter 21

1006 Words
Hindi naging madali sa'kin ang lahat  simula nang nawala si Mama sa tabi ko. At mas lalong hindi naging madali sa'kin ang mala impyernong buhay kasama si Tita Sharon at ang Daddy ko. Sa bawat oras, araw, linggo at buwang nagdaan.. naging impyerno na ang buhay ko. Madalas silang mawala sa bahay dahil sa kabi kabilang kaso na lihim kong hinihiling na sana ay maipatalo nilang dalawa. Ako na yata ang pinaka masamang anak sa buong mundo nang dahil sa mga bagay na hinihiling ko. Kung ito lang naman ang mga bagay na magagawa ko upang bawiin ang mga pagkukulang nilang dalawa kay Mama, gagawin ko.. magkaroon lang ng hustisya ang pagkawala niya. Tahimik lamang akong nakatulala sa bintana ng kwarto ni Mama. Dito ako madalas na tumambay noong buhay pa siya at magpa hanggang ngayon na wala na siya. Kinagisnan ko na rin yata ang magbalik tanaw sa mga bagay na madalas kong ginagawa simula noong nagkahiwalay kaming dalawa. Ito na lang kasi ang natitira kong paraan upang maibsan ko lang ang kalungkutan na madalas ko ngayong nararamdaman simula nung iniwan niya akong mag isa. Ngayon ang ika pitong taon ng petsa noong namatay siya, at the same time, ito rin ang kaarawan ko kung saan magiging legal na rin ako sa harap ng maraming tao at pati na rin sa mga dokumento. Magiging malaya na rin ako sa kamay ng mga magulang na tumayo sa tabi ko, well, except kay Tita Sharon na ni minsan ay hindi ko hiniling na maging nanay ko.  Ituturing ko lang siyang nanay kung matagumpay niyang maibabalik sa'kin si Mama, kaso imposible ang bagay na 'yon. Therefore, imposible rin na ituring ko siyang isa sa mga magulang ko. Over my dead body, never. Kanina pa nga ako halos kating kati sa gown na ipinasuot sa'kin ni Daddy. Sinadya niya itong ipatahi para lang may maisukat ako ngayong kaarawan ko. Well, ni hindi na nga naging importante sa'kin ang mga ganitong klaseng selebrasyon dahil sa mismong araw ng kaarawan ko, doon nawala ang taong nagsisilbing ilaw sa madilim kong mundo. Simula nung nawala si Mama, nawalan na rin ako ng interes na mag celebrate sa mga ganitong klase ng celebration. Well. Ano ba ang isine-celebrate nila? Ang debut party na labing walong taon nilang hinintay o yung anniversary ng pagkamatay ng isang tao? Oo, pitong taon na ang lumipas pero magpa hanggang ngayon.. narito pa rin sa dibdib ko yung sakit eh. Kahit na ilang beses kong tanggihan ang offer nilang ito o regalo bang matatawag ang celebration na ito, patuloy lang sila sa pamimilit sa'kin. Nakagawian ko na ang pagsuot ng maskara sa tueing haharap sa mga taong nakakasalubong ko sa daan o mapa eskwela pa man 'yan. Naging ilap ako sa mga tao at alam ng mga kaklase at guro ko 'yan. Expected ni Daddy na unti unti nang bumubuti ang kalagayan ko simula nung nangyari kay Mama? Well, nagkakamali siya dahil hanggang sa kabilang buhay at hanggang sa hukay.. dadalhin ko ito hanggang sa kamatayan. Hindi ako yung tipo ng taong isang pitik mo lang ay mapapatawad na kita. Hindi ako yung tipo ng taong, isang kindat mo lang ay ayos na tayong dalawa. Mabagal akong makalimot, at ang trahedyang nangyari kay Mama.. hinding hindi ko makakalimutan ang bagay at pangyayaring iyon. Nagawa nilang panatilihin ang relasyon nilang dalawa, pero hindi man lang nila nagawang alalahanin si Mama. Tama ako sa mga naisip ko sa kanilang dalawa. Mali si Mama sa mga naisip niya. Tama ang hinala ko at nagkamali siya. Dalawang taon lang pagkatapos ng pagkamatay ni Mama, natagpuan ko na lang na ikinasal silang dalawa ng pasikreto. Tila ba itinago sa akin at iilan lang ang nakakaalam. Natagpuan ko na lang silang dalawa na magkasama nang tumitira sa iisang kwarto. Magkasamang natutulog at gumigising sa umaga. Maagang pumapasok ng magkasama. Maging sa pagkain ay magkayakap silang dalawa. Habang ako, nananatili lang na naghihinagpis sa pagkawala ni Mama.  Ilang taon na ang lumipas pero heto pa rin ako.. mag isa at lihim na nanalangin na sana kuhanin na tin ako ng Diyos. May balak nga ba siyang kuhanin ako? O doon ba talaga ang bagsak ko? Minsan naiisip ko kung.. may Diyos nga ba? Buhay nga ba ang Diyos? Tama ba itong mga naiisip ko? Oo. Alam kong mali na kwestyunin mo ang kabutihan ng Diyos pero.. hindi ko magawang pigilan ang ganitong klase ng pag iisip ko.  Oo, naniniwala ako sa kanya. Aware rin ako na dumadalang na lang ang pagpunta ko sa simbahan dahil habang tumatagal ang panahon.. mas lalo ko lang naiisip na, niloloko ko na lang yata ang sarili ko. Nakakalungkot, oo. Alam kong nagkakamali ako pero hindi ko maiwasan. Hindi ko na rin magawang manalangin sa kanya dahil, nahahati na rin ang paniniwala ko sa kanya. Alam kong mali.. oo. Pero may magagawa ba ako? Oo. Babawi ako kay Lord, alam ko ring marami akong pagkukulang at alam niya iyan. Darating rin ang panahon na siya rin ang hahanap ng paraan upang mas lalo akong mapalapit sa kanya. At iyon ang pinaka hihintay ko sa lahat. Isang katok ang umalingawngaw sa pinto ng kwarto mula sa labas na lihim kong ikinamura. "Anak, naghihintay na sila." Rinig kong tawag ni Daddy dahilan upang prente akong tumayo mula sa pagkakaupo. Isang malalim na hininga ang ibinuga ko sa sarili bago taas noong tumitig sa salamin na nasa gilid lang ng kama ni Mama. Isang ngiti ang pinakawalan ko sa salamin kasabay ng isang malalim na hinga ulit para sa sarili ko. "Makakaalis na ako sa bahay na ito, Mama." Matamis kong ngiti bago binitbit ang mabigat kong palda at dumiretsyo na sa labas. Naghihintay si Daddy sa pintuan at nang sandaling binukas ko ito ay tumambad ang nakangiti niyang mukha. "Dalaga ka na, anak ko." Para bang proud niyang sambit na tipid ko na lang na nginitian bago nagpatiuna sa paglalakad. Ramdam ko ang pagsunod niya ngunit natuon na lang ang isip ko sa paglalakad at tuluyang binabalewala lahat ng papuri niya sa'kin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD