Chapter 32

994 Words
Ramdam ko ang paghila sa'kin ng isang kamay at ang pagsandal nito sa akin sa pader na hindi masisilayan ng kahit na katiting na liwanag. Nagsimulang kumalabog ang puso ko nang maramdaman ko ang palad nitong pilit na nagpapatikhim sa bibig ko at ang padiin pa lalo nito sa'kin sa pader. Kung tutuusin ay wala akong malulusutan sa magkabilang bahagi dahil pilit niyang idinidiina ng sarili sa'kin. Agad na nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ko ang matigas na bagay na iyon na para bang pilit na ikinikiskis sa ibabang bahagi ng katawan ko na mas lalong ikinatindig ng balahibo ko. Kahit na anong gaein kong pagpumiglas ay sadyang malakas ang katawan niya sa pagkakahawak sa'kin at ang mas mariin nitong pagdiin sa'kin sa pader. Naaamoy ko ang pinaghalong amoy ng alak at nasusunog na goma sa aroma ng katawan niya at halos manginig ang katawan ko nang makita ko ang namumula niyang mga mata at ang nakalabas niyang dila sa harapan ko. Isang sipa ang pinakawalan ko sa ibabang parte ng katawan niya kaya naman nagawa kong makaibis mula sa pagkakahawak niya. Nang dahil sa pinaghalong gulat at takot ay hindi ko nagawang bilisan ang pagtakbo ko kaya naman nang mahila niya ang paa ko ay daglian akong napadapa sa semento at inubos ang lakas sa kakagapang palayo sa kanya. "Saan ka pupunta ha? Hindi pa tayo tapos!" Lasing niyang tugon hanggang sa naramdaman ko ang paggapang ng kamay nito sa binti ko paakyat sa pang upo ko. "Tulong!" Marahas kong sigaw habang patuloy sa pagkakawag mula sa paagkakahawak niya. Ngunit kahit na lakasan ko pa ang boses ko o kahit na magpatuloy lang ako sa malalakas na pagsipa sa kanya, wala akong ibang magawa kundi ang mapamura na lang sa sarili at di kalaunan ay mapaiyak na lang. "Wag kang mag alala dahil bibilisan ko lang hanggang sa makaraos ako. Hinding hindi kita sasaktan, pangako." Mala demonyo niyang tawa. Halos magdilim ang paningin ko nang maramdaman ko ang kamay niyang gumapang sa ibabang parte ng katawan ko na ikinahina ko. Isang malakas na paghampas ang narinig ko mula sa likuran ngunit nawalan na ako ng lakas upang balingan pa ito ng tingin. Nawala ang kamay niya sa pagkakahawak sa parte kong iyon na hindi ko na nagawang pakiramdaman pa. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa mararahas kong pagpupumiglas sa mga kamay niya o dahil nga ba sa tila ba pagpapa ubaya na lang upang hindi lang ako masaktan sa pagpupumiglas ko. Ramdam ko ang paghila sa'kin pahiga sa mga bisig ng isang tao at ang mararahang pagtapik nito sa pisngi ko. Nanayili lang ako sa pagkakapikit at tila ba humuhugot pa ng lakas upang makatakbo palayo, kung magkakaroon man ako ng lakas na lumaban. "Faience.. nandito na ako. Wala nang makakapanakit pa sayo." Sambit ng isang boses ng lalaki. Hindi ko alam pero nagkaroon ako ng lakas ng loob na magmulat ng mga mata at sa isang berdeng liwanag mula sa mga mata nito ang nagpabuhay sa nalalanta kong pag asa. "Faience.." nakangiti ngunit bakas sa boses nito ang pait nang banggitin niya ang pangalan ko. "H-Harper?" Patanong kong tawag sa kanya. Inangat niya ako palapit sa mukha niya upang gawaran ng isang mahigpit na yakap na ilang taon ko ring lihim na inasam mula sa kanya. "I-I'm sorry. I'm really sorry, Faience. Sorry." Paulit ulit niyang sambit kasabay ng pag iyak. Tama nga ang hinala ko kanina sa lalaking nakasuot ng hoodie jacket mula kanina sa shop. Hindi ko alam pero nagpapasalamat ako sa biglaang pagsulpot ni Harper sa kung nasaan man ako. Kung hindi dahil sa pagsulpot niya, baka wala na rin sa'kin ngayon ang pinaka iniingatan kong dignidad at ang pinaka importanteng bagay na iyon na kahit sinong babae ay iniingatan. Kung hindi dahil sa kanya ay baka wala na ako ngayon. Kung hindi dahil kay Harper, simot na ako ngayon. "Faience!" Sigaw ni Aling Susan kasabay ng pagtakbo palapit sa'kin. Sa gilid niya ay kita ko si Mapple Cae na papalapit at hindi sa gawi namin ni Aling Susan siya nakatitig, kundi ay kay nakapako ang titig nito kay Harper na ngayon ay nakahalukipkip na nakatayo sa gilid ng kinauupuan ko. Speaking of Aling Susan, siya lang ang naisipan kong tawagan nang dumiretsyo kami ni Harper sa police station at ireklamo ang lalaking muntik nang manggahasa sa'kin. "Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyaring masama sayo!" Bulyaw niya agad na lihim kong ikinatawa. Iba rin kung maka asta si Aling Susan. Oo, hindi siya yung tipo ng landlady na bumibisita lang sa kwarto ko kapag may sisingilin o kaya naman ay buwan na ng bayaran sa kuryente at sa tubig. Para na rin siyang nanay na tumatayo sa'kin sa tuwing may gagawin akong labag sa desisyon nila. At hindi ko alam pero ikinakatuwa ko ang mga ganitong klase ng kilos niya. Mga kilos niya na never kong naranasan sa mga kamay ni Tita Sharon. Kahit na sabihin ko pang siya ang tunay kong nanay. Ewan ko ba pero ang hirap paniwalaan. Mas masarap pang paniwalaan na si Aling Susan ang nawawala kong nanay dahil mas nararamdaman ko sa kanya ang alaga kumpara sa sinasabi ni Sharon. "Sino siya, Faience?" Baling ni Aling Susan kay Harper na para bang ngayon niya lang nakitang nakatayo sa gilid naming dalawa. "Kaibigan ko po.. si Harper." Pakilala ko sabay ngiti kay Harper sa sinuklian niya rin ng ngiti. "Magandang gabi po, Auntie." Kita ko ang pagsibol ng pagkasuklam sa mukha ni Aling Susan na ikinatawa ko. "Lakas maka-Auntie ah?" Reklamo niya na kalaunan ay ikinatawa rin ni Harper. Kita ko ang mabilis at marahang paglahad ng kamay ni Mapple sa harap ni Harper na lihim kong ikinataas ng kilay. "I'm Mapple Cae nga pala, Harper." Pakilala niya. Hindi naman nagdalawang isip si Harper na suklian ito ng ngiti at prenteng pagtanggap sa kamay ni Mapple na ikinalawak pa lalo ng ngiti nito. "Nice to meet you, Mapple."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD