Chapter 35

996 Words
Ngayong araw ang hiniling kong off sa trabaho kay Mang Rudy. Wala naman siyang ibang ginagawa sa bahay nila kundi tumunganga kaya naman sa halip na pagbawalan akong mag off, eh pumayag siya. Wala naman siyang magagawa dahil ito na nga lang yata ang pinaka unang arae na mag o-off ako sa trabaho. Okay. Time to relax! Nagkasundo rin kaming dalawa ni Harper na susunduin niya ako sa apartment upang samahan rin akong gumala ngayon. Gumala nga ba? Kasama pala naming dalawa ni Harper si Mapple na magpapalista para sa nalalapit na pasukan para sa pinaka unang araw ng semester naming tatlo. Ang SNA ang isa sa pinakamalaki at pinaka malapit na academy na pwede naming piliin. Nang binanggit ito ni Aling Susan ay hindi na kami nagdesisyon na humanap pa ng ibang pwedeng ipalit kung sakaling hindi kami makapasok. Alam ko at alam naming tatlo na medyo malaki ang magagastos namin sa campus na ito pero kung iyon lang ang natitirang paraan upang makapag aral kami.. gagawin namin para lang matapos na. "Aga ah?" Rinig kong bungad ni Mapple sa labas ng pintuan ko. Ilang sandali lang ay narinig ko nang sumagot si Harper na lihim kong ikinangiti. Para na akong baliw sa kakangiti sa harap ng salamin kaya naman para lang matauhan ay prente ko pa munang sinampal ang sarili ko at lihim itong minura nang dahil sa pagkakangiti ko sa tuwing maiisip ko si Harper. "And'yan na pala siya." Ngiti ni Mapple nang magkasalubong ang tingin naming dalawa. Nakatalikod sa gawi ko si Harper kaya naman nung nagdesisyon itong hunarap sa gawi ko ay halos mabulunan ang sarili ko ng namuong laway dahil sa kabang nararamdaman ko. Wait lang ha. Para saan ang kabang ito? Para saan? Hindi ko maintindihan! Lagpas ang tenga siyang ngumiti sa'kin na ikina init ng mukha ko. Dahan dahan akong lumapit sa kanya kasabay ng pag iwas ng tingin na ikinatawa niya. "Hindi ka pa nasisinagan ng pang umagang araw pero grabe na 'yang pagkapula ng mukha mo." Puna niya dahilan upang mas lalo kong maramdaman ang pamamanhid ng mukha ko at ang mas mainit na temperatura nito. "May sakit ka ba, Faience?" Tanong ni Mapple na mas lalo kong ikinaiwas. Nanatili lamang silang dalawa sa pang aasar sa mukha ko habang ako naman ay nagpatuloy sa pag iwas. Hanggang sa nakarating kaming tatlo sa campus at naging abala sa pang aasar tungkol sa mukha ko. Lalo lamang ako nag iinit sa tuwing maririnig ko ang halakhak ni Harper kasabay ng panaka nakang pagtusok sa tungki ng ilong ko. "Kapag ikaw ang binawian ko ng tusok sa ilong d'yan, idadamay ko pati 'yang cerebellum mo." Reklamo ko na mas lalo niyang tinawanan. "Nakakatakot ka namang lokohin, Faience." Tila ba natatakot na pang aasar ni Mapple dahilan upang ambaan ko siya ng sapok. Natigil kami sa pagtatawanan at pag aasaran nang bigla na lamang may humarang saming lalaki at taimtim kaming pinagmasdan. Well.. si Mapple lang pala. "Nice to see you again, Mapple." Ngiti niya bago lumingon sa'kin at ngumiti. Tahimik ko siyang sinuklian ng ngiti habang si Harper naman ay tinaasan niya ng kilay. "Bago ba?" Tanong niya kay Mapple kasabay ng pag nguso kay Harper. Hindi ko alam pero ako ang nahiya at para bang nainsulto sa ginawa nitong pagturo gamit ang nguso kay Harper. "No." Sabat ni Harper kasabay ng pag akbay sa'kin na ikinabalikwas ko pa sa pagkakatayo dahil sa labis na gulat. "I have my own property." Isang pagtaas ng kilay ang ginawa ng lalaking iyon bago nangiti kay Harper. "Well, that's good. Kailangan ko lang bantayan ang chix ng kaibigan ko.." "Wala na kami niyang tropa mo, Akari. Iparating mo sa kanya na ayoko na." Sambit ni Mapple bago nagpatiuna sa paglalakad papasok. Daglian kaming tatlong tumitig sa dinaanan ni Mapple bago nagpalitan ng tingin sa isa't isa. "Well, buwan pa lang naman ang nakakalipas." Kibit balikat ng lalaki bago bumaling saming dalawa at tumitig sa'kin. "By the way, I'm Benedict Akari Chua. You can call me Akari for short." Pakilala niya sabay lahad ng kamay sa'kin na nakangiti kong tinanggap. "I'm Faience Jamella Uson. Nice to meet you, Akari."  Hindi ko inaasahan ang pagtabig ni Harper sa magkahawak kamay naming dalawa ni Akari. Magrereklamo na sana ako ngunit daglian ko ring itinikom ang bibig ko nang maglahad ng kamay si Harper na tinanggap rin naman ni Akari. "Hello, Akari for short. I'm Harper Canonizado." Ngisi niya kasabay ng muling pag akbay na muntik ko nanamang ikinatalon. "And this is my f*****g property. So better shut the f**k up ang leave us alone." Ngiti niya. Natatawang umiling si Akari bago namumula at napapahiyang inalis ang sarili sa harap naming dalawa ni Harper. "Ayos ba ha?" Nakangiti niyang baling. Mabilis ko siyang siniko sa tagiliran na ikina arko ng likod niya. Tila ba nagpapa awa siya sa itsura niya ngayon ngunit nanatili lamang ang masama kong titig sa kanya. "Mas kinakailan ang pangit at ang kapal ng mukha mo." Pang aasar ko bago tumakbo na natatawa niyang sinundan. Hindi naging ganon kadali ang pagpapalista dahil gaya nga ng sinabi ko, magmula pa lang sa harap ng campus hanggang sa tapat ng registar ay kumpulan na ang mga tao. Mukhang imposible na rin na mahagilap naming dalawa si Mapple kaya naman nagdesisyon na kami na magpatiuna sa paglilista ng oangalan para sa form namin. Pagkatapos naming magpalista ay nagdesisyon na lang kami ni Harper na gumala sa talipapa at magpatuloy sa pag gagala. Tila ba sinusulit rin namin ang pagkakataong ito dahil ito na lang ang natitirang araw upang magkasama kaming gumala at mamasyal. Sa susunod na linggo ay ang umpisa na ng klase. Mag uumpisa na rin ang tunay na laban at ito ang dapat kong paghandaan sa araw na iyon. Halos manlamig ang mukha ko nang daglian akong hinarap ni Harper at kasabay ng pagharap ko sa kanya ay ang pagsabit niya ng kung ano sa buhok ko. "You look so beautiful, Faience.."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD