Chapter 4

988 Words
"Orlan.." matamis niyang ngiti sabay baling ng tango kay Mama at nagbaba ng tingin sa'kin. Tila ba pinaghalong adorasyon ang ang titig nito sa'kin magmula ulo hanggang paa. Para bang tuwang tuwa sa pagkakabaling ng tingin sa'kin magmula pa kanina. Hindi ko inaasahan ang biglaan nitong pagluhod sa harapan ko upang maglebel ang tinginan namin sa isa't isa. Mabilis akong umatras at nagtago sa likod ng dress ni Mama dahilan upang matigil siya sa pagkakangiti. Ipinakita ko sa kanyang natatakot ako sa ikinilos niya kaya naman bilang pagpapakumbaba ay matamis siyang ngumiti kahit na alam kong pilit lang iyon. Nanatili siya sa pagkakaluhod kaya naman nanatili lang ako sa pagtatago sa likod ni Mama.  Ramdam ko ang haplos ni Mama sa likod ng ulo ko kaya naman inosente akong nagtaas ng tingin sa kanya. Isang matamis na ngiti ang iginawad niya sa'kin bago tumango sa babarng magpa hanggang ngayon ay nakaluhod at mukhang nakatulala na rin sa kawalan. Hindi ko alam pero tila ba nakonsensya ako sa ginawa kong pag atras sa pag amba niyang paglapit sa'kin kanina. "Siya ang Ninang mo, Faie." Sambit ni Mama dahilan upang bumaling ako sa kanya at muling tumitig sa babaeng nakatingin na sa'kin ngayon. Nang mapansin niya ang titig ko ay mabilis niyang dinampian ng ngiti ang labi niya. "Ninang?" Inosente kong tanong bago tuluyang umibis sa pagkaka kapit sa dress ni Mama. "Hindi ko matandaang may Ninang ako, Mama.." "Don't say that, Anak." Sambit naman ngayon ni Daddy bago gumaya sa pagkakaluhod ng babaeng nasa harap namin at magkasabay akong hinawakan sa balikat upang ipaintindi sana sa'kin ang isang bagay. "Baby ka pa nung huli mong kita sa kanya. Hindi na niya nagawang bumisita dahil nangibang bansa siya.." "Hindi ko naman po kailangan ng dahilan, Daddy." Inosente kong sambit dahilan upang magpalitan silang tatlo ng tingin. "Ayos lang naman po kahit na walang Ninang na tumayo sa'kin." "Anak.." ani naman ni Mama kasabay ng pagluhod katulad sa posisyon nung dalawa. "Don't say that thing. Hindi kita pinalaki ng ganyan, Faience." "Faience?" Natutuwang sabat nung babae dahilan upang tatlo kaming bumaling ng tingin sa kanya. Marahas siyang huminga ng malalim habang may ngiti sa labi bago tumayo mula sa pagkakaluhod. "Ang sabi ko.. pangalanan mo siyang Courtney, Gwyneth. Ang lakas naman ng loob mong ipangalan sa batang-" "Sharon." Tigil ni Daddy bago tumayo at hinarap ang babaeng alam kong nagpupuyamos na sa galit dahil sa pangalan ko. Teka. Ano nga bang pakialam ng babaeng ito sa pangalan ko? "Wag mong iparinig sa bata ang usapan nating tatlo.." sambit ni Papa habang nakayapos sa braso ng babaeng ngayon ay iiling iling na dahil sa galit at natitiyak kong pagkairita. "Sharon, alam kong mahirap para sayo 'to. Mahirap para sa'ting dalawa 'to, sa'ting tatlo nila Gwyneth. Pero alam ko at nararamdaman kong kung mahirap para sa'ting tatlo ito.. mas mahirap ito para kay Faience.." pang iintindi ni Daddy habang mariing nakahawak sa braso ng babae. Nang kunot noong bumaling sa'kin ang babae ay para bang may kuryente ring dumapo sa balat ko nang dahil sa mga titig niya. Bakit parang pakiramdam ko, may kakaiba sa kanya? Matapang at mukhang arogante ang features ng mukha niya kahit na nagsusumigaw sa porma niya ang pagiging elegante at disente sa pananamit. Maging ang kilos niya na tila ba bara bara na lang at sa tinig ng boses nito ay para bang palengkera sa kanto. Medyo matinis ngunit mababakas ang pagka elegante. Palengkera na medyo may pagka elegante? Magaling, Faie. Magaling kang mag aral ng deskripsyon ng isang tao. Malayo ito sa mukha ni Mama na para bang anghel. Mahinhin ang kilos nito at maging ang pananalita niya ay para kang dinuduyan at pinapatulog. Maging nga sa pagtulog ay ang boses niya ang kinagisnan at tila ba hinahanap hanap ko na. "Paano ako, Orlan? Hindi okay sa'kin 'to." Naiinis niyang sambit. Ilang minuto pa siyang huminga ng malalim habang panay sa pagtapik sa likod niya si Daddy bago siya nagdesisyong bumaling sa'kin. Parang kanina lang ay sobrang sama ng mukha nito nang dahil sa pangalan ko, pero kung makatingin siya ng tuwid sa mga mata ko ngayon ay para bang gumaan na ang hangin na kanina lang ay mabigat pa para sa kanya. "I'm sorry sa mga nasabi ko na narinig mo kanina, Courtney.." sambit niya kasabay ng haplos sa pisngi ko na ikinatindig ng balahibo ko. "Faience Jamella Uson po ang pangalan ko, Misis." Magalang kong sambit kasabay ng maaliwalas na ngiti. Sa pamamagitan ng ngiti na iyon ay masabi ko lang na okay lang na nagkamali siya sa pagtawag sa pangalan ko. Dahil hindi ako ang Courtney na sinasabi niya. Kita ang ang palihim na tinginan nila ni Daddy na ikinakunot ng tingin ko. "Faience or f*****g what-" "Sharon." Muling pagtawag ni Daddy sa babae dahilan upang tumigil ito sa pagbubugnot. Hindi pa alam ng bata kong isip ang mga ganitong klase ng tinginan kaya naman sa halip na pansinin pa sila ay itinuon ko na lang ang pansin ko sa iabng bagay. Minsan ay mas nakakabuti pang tumahimik lalo na kung ganitong klase ng mga bagay ang kakaharapin mo. Hindi ko rin inaasahan ang muling pagluhod ng babae sa harapan ko dahilan upang bahagya muli akong mapaatras. Binti ni Mama ang humarang sa'kin sa likuran ngunit sa halip na pagtuunan siya ng pansin ay nanatili ang titig ko sa babaeng namumungay na ngayon ang mata sa kakatingin sa'kin. Hindi ko rin inaasahan ang paghawak nito sa magkabilaan kong balikat na ikinagukat at bahagya ko pang ikinatalon. Tila ba gusto niyang ipaintindi sa'kin ang maraming bagay na hindi ko maunawaan. "Hayaan mong bumawi si Tita Mommy mo sa mga pagkukulang ko sayo ha?" Aniya kasabay ng panunubig ng mga mata na hindi ko makuha para saan. At babawi? Saan siya babawi? Sa mga paskong nagdaan na hindi siya nagpakita o may iba pa bang bagay na babawian siya? Nobody knows. Walang nakakaalam sa sinasabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD