Chapter 66

1001 Words

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. Alam mo ba yung feeling na maistorbo ka sa pagtulog mo tapos yung kinaiinisan mo pang tao ang bubungad sa pagmulat ng mga mata mo. Nakakagago lang eh. Ano 'to, sumpa? Pinanood ko ang pagngisi niya sa harapan ko habang nakatitig sa mga mata ko. Nang sandaling matama ang titig namin sa isa't isa ay panandalian kong nakita ang pagkislap ng mga mata ni Sharon. Para bang sobrang saya niya na nakita niya ako sa unang sibol ng umaga niya habang ako naman ay halos isuka siya na narito siya ngayon sa harapan ko at nakatitig sa'kin. Sinadya kong hindi luwangan ang pagkakabukas sa pintuan upang ipakita sa kanya na hindi ako natutuwa na narito siya ngayon sa harapan ko. Alam kong alam niya ang nasa isip ko kaya naman mas lalo pa siyang napangiti nang makita ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD